Chapter 27 - Crumbling to Pieces part 2

6K 74 14
                                        

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Okay naman sila pero hindi naging smooth ang love story ng dalawa, hindi pa rin nawala ang mga away.. Lalo na tuwing may mga mahahahalagang mga okasyon na icecelebrate ang dalawa ng magkasama. Lagi itong napupurnada, nakakahalata na nga si Vic dahil parang paulit-ulit nalang ang mga rason ni Mika ng hindi niya pag-attend...si Pia.

Ara's Kuya: Oh, akala ko ba pupunta si Mika ngayon dito sa Pampanga para sa birthday ko? Bakit di mo kasama?

Ara: Yun nga po eh. Nagpromise pa nga diba? Ayun, nagpahuli. May mahalagang lakad raw. Susunod naman eh.

Ara's Kuya: Tawagan mo na kaya? Padilim na oh, baka sobrang gabiin yon sa daan.

Tamang tama naman na may nagtext kay Ara..

''Babe, sorry hindi ako makakapunta sa birthday ng Kuya mo. Kailangan ko kasing samahan si Pia at family nya eh. Sorry. Mom nya kasi mismo nagpasama saakin.''

Hindi naman naiwasang madisappoint at masaktan ni Ara..

Ara: *pabulong* Tsss. Ano pa nga ba..

Ara's Kuya: Ano, asan na raw siya?

Ara: Ayun, hindi daw makakapunta. Importante daw po eh. Tara na, Kuya..

Ara's Kuya: Sige..

Ara's POV: Sanay naman na ako sa ganito. Lagi nalang. Lagi nalang tuwing may mahalagang okasyon, hindi siya nakakapunta. Kahit nga nung pictorial namin non para sa MB Sports Digest, sabi niya sasamahan niya ako kasi sobrang kinakabahan ako non. Pero wala rin naman. Nasasanay na ako. Iniintindi ko nalang kahit papano.. Ayaw ko namang isipin niyang nagiging mahigpit ako.

Kahit na ganun ang nangyari sa dalawa, nagkakaayos naman sila. Yun nga lang, kaaayos palang nila eh may umeepal nanaman. Nagmimistulang scripted na ang love story nila. Pagsuko? Walang gumagawa non. Pareho naman silang lumalaban, pareho naman silang nag-eeffort na ayusin kung ano mang gusot meron sila kaya hanggang ngayon masasabi ng ilan na matatag sila. Dahil andun pa talaga yung sobrang pagmamahal nila sa isa't isa. Pinatunayan nila na kahit na anong kaepalan pa yan, malalagpasan nila basta't pareho silang lumalaban.


-After a week- -sa dorm-

9pm na pero hindi pa rin umuuwi si Mika, bagot na bagot na sa kakahintay si Ara kaya naman tinawag niya yung kambal para makipagkwentuhan sakanila doon sa kwarto nilang tatlo nila Kim..

Kim: Asan na ba kasi yung kapreng yun?

Cienne: Oo nga, Vic. Di man lang ba nagtext sa'yo?

Ara: Hindi eh.. Ang alam ko nagkareunion yung team nila ng St. Scho dati. For sure kasama nanaman nun si Pia..

Camille: Hala, okay lang sayo na magkasama sila kahit na ganitong oras na ng gabi?

Ara: Wala naman na akong magagawa. Ayokong makipag-away sakaniya. Baka masakal siya saakin tapos makipaghiwalay pa. Mas di ko kaya yon.

Cienne: Nasanay ka na eh. Masokista ka talaga. Lagi mo nalang sinasaktan sarili mo.

Ara: Hindi naman. May tiwala naman kasi ako kay Ye. Kung hindi talaga ako mahal non, malamang sumuko na siya dahil sa sobrang possessive ko diba?

Camille: Sabagay..

Ara: Pero, iba rin talaga kapit nung Pia na yun noh? Grabe. Muntik ko na ngang spray-an ng Baygon minsan sa sobrang inis ko eh.

If I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon