CHAPTER 6
Nasa San Juan sports complex ngayon ang Lady Spikers dahil may tune-up game sila with Ateneo Lady Eagles. Malapit na ring magsimula yung game kaya naman nagbibihis at nag-aayos na yung mga players..
Ara: *nahihirapan maglagay ng knee pads niya* Ugghhhh! Ang hirap naman masuot neto!!
Cienne: Yeye daw tawag ka ni Ara!!
Kim: Oh, ano ka ba Ye! May nagpaparinig! Tulungan mo daw!
Ara: Huh? Anong pinagsasasabi niyo diyan? Sinasabi ko lang na mahirap tong ilagay! -___-
Mika: *lumapit kay Ara* Kapag kasi may kailangan ka, Daks.. Sabihin mo agad. Andito lang naman ako. *kindat*
Lady Spikers: AYIEEEE! IBA NA YAN!!
Kinuha ni Mika kay Ara yung kneepad at socks niya. Lumuhod siya at kinuha niya yung paa ni Ara.
Ara: Hoy! Anong gagawin mo? Kaya ko naman gawin yan ah!
Mika: Kaya pero kanina pa hindi mailagay? Adik lang, daks?
Ara: Oo. Adik sayo.
Kim: Ano?!? ANO ULIT YUN VIC! PAKIULIT BAKA DI NARINIG NI MIKA!!!!
Ara: O___O *gulat na gulat sa sinabi niya* Ah eh, ano!! Kumakanta ako! Ooooh, adik sayo, awit saakin... Lalalala.
Cienne: Wehhh. Parang hindi namaaaan~
Ara: Che!
Nagulat rin si Mika sa sinabi ni Vic pero nakitawa nalang siya. Isinuot na niya yung knee pads at socks ni Ara. Si Ara naman, hindi maiwasang titigan si Mika.
Ara's POV: Ano ka ba Mikaaaa! Ano bang gusto mong gawin saakin ha! Gusto mo ata akong patayin sa kilig. Nako! ToT
Mika: Kaw Vic ah, pag ako biglang natunaw alam ko na kung sino sisisihin ko. Lagi mo nalang ako tinititigan! INLOVE KA NA SAAKIN NOH?! Yieee. Aminin.
Ara: ANG KAPAL MO MISS!!
Mika's POV: Hahaha! Ang cute maasar ni Ara :"> Wala lang, natutuwa lang ako sakanya. Ang gaan kasi sa pakiramdam kapag ganun siya. Nakakainlove...
O_O
Pwe! Erase erase erase!!
Mika: Oh yan na po. Tapos na! May ipapagawa ka pa po ba saakin, kamahalan?
Nagbow si Mika sa harap ni Ara na parang pinagsisilbihan niya ito. Nagtilian naman lahat ng team mates nilang dalawa.
Ara's POV: 'May ipapagawa ka pa po ba saakin, kamahalan?'
Uhm, pwedeng ''Mahal'' nalang?
Joke. Landi, leche.
Ara: Baduy mo!
Kim: Kinikilig ka lang!
Ara: Ewan ko sainyo!
Coach Ramil: Sabihin niyo lang kung magbabangayan nalang kayo dito at wag nalang natin ituloy yung game. Ha? Okay ba yun, girls??
Lady Spikers: Joke lang coach! Eto naman! Di ka na nasanay saamin!!
Coach Ramil: Haaaay. *napailing* Buti nalang magagaling kayo, kaya ayos lang kahit na may tama kayong lahat.

BINABASA MO ANG
If I Fell
FanfictionHanda ka bang mahulog para sa isang taong mahal pa rin ang Ex niya? Lalo pa’t ikaw ang sandalan niya ngayong sawing-sawi siya?