ARA’S POV: Hay grabe! 2 o’clock na ng madaling araw, di pa rin ako tapos dito!! Bukas na deadline nito. Haaaay.
Mika: Magkape ka muna nastestress ka diyan eh.
Ara: AY KALABAW!!
Mika: Kalabaw na cute? Haha..
Ara: -_- Sinong may sabi?
Mika: Nanay mo.
Ara: Tss!! Ye! Lagi mo nalang akong ginugulat. Kaasar!
Mika: Pasensya! Oh.. *inabot ni Mika kay Ara yung kape at sandwich* Baka kasi gutom ka na hindi ka pa nagdinner.
Ara: Thank you. Wag ganiyan, baka masanay ako..
Mika: Edi masanay ka…
Ara: Bakit gising ka pa? Eh pagod na pagod ka kaya.
Mika: Hindi kasi ako makatulog kapag di kita katabi…
ARA'S POV:
Wait.
Wait. Buffering..
Namumula ata ako.
Mika: Joke lang. Kinilig ka naman.
ARA'S POV: Tsss! Panira talaga!
Ara: Che! Anong ginagawa mo dito??
Mika: Sasamahan kita baka mabore ka. Alam ko namang ako lang kailangan mo para mabuhayan ka ng loob.
Ara: Hayuuup! Ang kapal! *binato niya yung eraser na gamit niya kay Mika*
Mika: *tumawa* Ouch ha! Osya, ituloy mo na yan. Dito lang ako.
MIKA’S POV: Nakaupo lang ako habang pinapanuod siyang maghabol ng mga requirements niya.
Hindi ko maexplain pero bakit parang kakaiba yung pakiramdam ko?
Lagi ko siyang hinahanap-hanap..
Gusto ko kasama ko siya lagi..
Ewan ko!
Basta!
Erase..erase..
Babalik si Jessey. Alam ko yan…
Baba…
zzzzzzZZzzz
---
Ara: Hoy! Daks! Sabi ko pakiabot--
Sinilip ni Ara si Mika at yun pala, nakatulog na siya. Natawa nalang si Ara dahil ang cute tignan ni Mika habang natutulog.
4AM
Natapos na ni Ara yung mga kailangan niyang gawin kaya naman inayos niya na yung mga gamit niya at pinuntahan si Mika para gisingin.
Ara: Oist. Gising na.
Natigilan bigla si Ara at tinitigan niya si Mika. Hinawi niya yung buhok nito na tumatakip sa magaganda niyang mga mata. Hindi niya inasahan yung mga katagang ibinulong niya.
Ara: Ganda mo, Ye. Wag mo akong sobrahan sa mga ganiyan ganiyan mo at baka mainlove ako sa’yo.
Napangiti siya, pagkatapos pagmasdan si Mika ay yinugyog niya na ito.
Ara: Hoy! Gising na!!!’’
Mika: Ano baaaa- *nirub niya ang mga mata niya*
Ara: Bangon na kasi! Para makalipat na tayo sa kwarto at makatulog ka na ng maayos!
Hinihila niya si MIka patayo pero balik pa rin ito nang balik sa paghiga sa sofa.
Ara: Mikaaa! Ano baaa! Gusto ko na rin matulog, halika na!
MIka: Uuughhh. I. AM. TOO. SLEEPY..
Ara: Tss. Bahala ka! Dito ka nalang matulog..
Hindi pa rin bumangon si Mika kaya naman naglakad na papunta sa kwarto nila si Ara.
Ara: Sige Daks ha. Una na ako sa kwarto. Katabi mo yung mumu. Awoooo!!
Mika: VIIIIIIIIIIIC!!!!!!!!!!!
Grabe! Dinaig niya si Flash sa bilis ng pagtayo at pagtakbo. Tumakbo siya papunta kay Ara. Niyakap niya ito at nakakapit lang siya sa damit ni Ara. Para tuloy siyang bata.
Ara: Yun lang pala katapat mo eh.
Mika: Tse!
Groggy ang paglakad ni Mika kaya naman inalalayan siya ni Ara. Pagkarating na pagkarating sa kama ay.. Ayun, bagsak nanaman agad. Patulog na rin sana si Ara nang biglang yumakap si Mika sakaniya.
Ara: Oh, sabi na eh. Ikaw yung yumayakap. Hindi ako.
Mika: Sweet dreams, dakz. Labyuuu..
Ara: Huh? O_o
Mika: ZzzzzzzzzzZZZzz
Ara: Hay. Grabe talaga ‘to. -_-
-______-
****
Camille: Pssssssst!! Gising na huy!
Cienne: Hoy, Yeye! Ano ba! Tanghali na! Ikaw nalang hindi naliligo oh!
Mika's POV: Hay! Ang kulit naman ng kambal na 'to! Wala tuloy akong nagawa kundi bumangon.
Mika: Ano bang pinagsasabi mong tanghali na? Aga aga palang eh!
Kim: Maaga palang!? Baka di mo alam oras mo..
Kinuha niya sa bulsa niya yung cellphone niya at pinakita kay Mika kung anong oras na.
Mika: Ano!? 11:30 na?! Bakit hindi niyo man lang ako ginising?!
Kim: WOW! Kami pa tong hindi nanggising ah? Ikaw nga diyan di makabangon eh!
Mika: Eh si Ara nasaan?
Kim: Kagigising lang, Ara kaagad? Iba na talaga yan!
Mika: Magtigil ka nga dyan. *binato niya si Kim ng unan*
Kim: *nailagan niya at tumawa* Si Ara kanina pa umalis, may klase pa kasi. Siya nga nagbilin saamin na gisingin ka eh.”
Mika: Talaga?! :">
Cienne: Hahaha! Okay lang yan, Ye! Push mo, di ka naman halatang kinikilig.
Pinisil ni Cienne ang ilong ni Mika at pinalo naman agad to ni Mika.
Mika: Tss. Isa ka pa. Asar.
Nagtawanan nanaman sila. Hinintay nilang tatlo si Mika na matapos maligo para sabay-sabay na silang pumunta ng mall at maglunch dun kasama ng iba pang team mates nila.
BINABASA MO ANG
If I Fell
أدب الهواةHanda ka bang mahulog para sa isang taong mahal pa rin ang Ex niya? Lalo pa’t ikaw ang sandalan niya ngayong sawing-sawi siya?
