So, ayun. Year 11 na si ang lola nyo. Lowl.
Hi ate Jay. Sana nahanap mo na 'tong story. Wag mong ipabasa kay kuya, baka kiligin sya. Aatras yun bigla sa kasal. Lowl.
***
"Pakielam ko sa trigonometric functions. I hate proving why sin2xcosx+cos2xsix= 0.5. Can't I just say because it does? Goddamit". I furiosly stared at my paper. May validation test kami bukas at hanggang ngayon wala pa rin akong nasasagot.
"I enjoy watching you frustrated" naaliw na sabi ni Kuya Drix as he stared at me from the sofa in front of me. Habang tumatagal pagaling at pagaling syang mang-asar. Di ko pa rin nakakalimutan yung chocolate na kinain nya na walang paalam.
"Pakyu"
"Love, Don't make me come over there and do something about those lips." Habang tumatagal perverted na rin sya. And I don't appreciate it. Nagsawa na ako kakasaway hindi na rin ako masyadong nagugulat or nag bublush when he does this.
I just rolled my eyes and stared at my paper. Mag drop-out na lang kaya ako? I'll just marry someone rich and all is well right?
I suddenly felt the space beside me shift which caused me to move toowards the left. "Ano ba kasi yan?"
"Trigonometry." Pinakita ko sa kanya and seconds later tinawanan nya ako.
"Boplaks! Gamitin mo yung rule. Yung 0.5 (sin (a=b) + 0.5 (sin (a-b)."
"Pasensya na ha Mr. Genius? Kaninang umaga pa lang kasi namin 'to ginawa eh." Inirapan ko sya at binawi yung papel. Sinunod ko sya at tinry na sagutan ang mga tanong.
Every now and then tatanungin nya ako kung nastuck ba ako sa question pero di ko sya sinasagot. May pagkakataon din na ihaharang nya yung ulo nya between my face and the paper at sinisipa ko naman sya pabalik sa kabilang dulo ng couch.
"9:30 na. Matulog ka na" nakangising sabi nya sa akin habang naka tanday ang ulo nya sa balikat ko.
"Ano ako baby? Year 11 na ako, excuse me"
"2nd year college na ako, mas matanda ako sa'yo. Inuutusan kitang matulog"
"Eh ba't ikaw di ka pa umuuwi sa inyo? Gabi na ah! Hinahanap ka na nang mama mo. Di porke't mag kumare sila ni mama, hindi na sya mag aalala sa'yo" he just shrugged and pulled the pen out of my hand.
"Dapat ba tatapusin ito bukas? Di ba may presentation ka pa bukas?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Muntik ko nang makalimutan, I haven't even practised my lines. Natataranta akong tumayo at umakyat sa kwarto I want a better grade in English that Math can wait.
"Llian gumising ka na! Hindi ka hihintayin nang oras"
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Shet sa study table na ako nakatulog at kalat kalat din ang palm cards ko sa lamesa at sahig. Yung iba dumikit pa sa mukha ko. Sobrang sakit din nang likod ko mula sa pagkakadukdok sa lamesa. Napatingin ako sa maliit na blanket na nakadrape over my shoulders, ang bait talaga ni mama. Naka ayos na rin yung gamit ko na naiwan kagabi, at nasa loob pa nang bag ko! Ma the best ka talaga.
Like a zombie, I reached out for a towel and head straight for the bathroom. When I'm all set and ready, I kissed mum in the cheek and went to school.
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceHow cruel. Maybe it's our karma, love? We became so heartless. Or maybe we were too young? Nonetheless, fate is so cruel to us. I vowed to fix you, but look who's broken. *** This story is based (very slightly) on a true to life story. Her story i...