...
Deep Dark Fears: Magpalit-palit ko ang mga pangalan nang characters. That I have to go back and change all my mistakes.
600 reads kaagad? Yes!
***
"Go on" nakatayo si Drix habang naka sandal sa frame nang pintuan. Kakagising ko lang at heto na sya kagad nangungulit. Buti na lang at dalawa ang kwarto dito sa cottage nila Rossi dahil di talaga ako papayag na matulog kasama ito.
Sumangot ako sa kanya at nag talukbong ulit. Lumapit sya sa akin at hinila ang kumot habang pinipilit na tumayo ako. Isang kamay nya ay nakahawak sa bewang ko at ang isa naman ay nakahawak sa kaliwang forearm ko. He gave me a good tug, at napasubsob ako sa kanya. Red-faced, I pushed him and reluctantly stood up.
"Oh ayan na. Ano ba kasi yun?" naiiritang tanong ko at padabog na pumunta sa may sala. Nakita ko si Manang na nagluluto. I gave her a small smile before turning back to Drix na nakasandal ulit sa frame nang pintuan ko. One story lang ang bahay at dikit dikit ang mga features nito.
May towel na nakasampay sa balikat nya at gaya ko ay gulo-gulo din ang buhok. "You know that song that you used to sing all the time." ngumuso ako at tinitigan syang mabuti. "the one that goes hmmm...hmm..."
"Yeah. That helps" sumimangot sya at lumapit sa akin, magkaharap na kami ngayon sa lamesa. Nakadantay ang mukha ko sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. Narinig kong umalis si Manang dahil sa pagbukas at pagsara nang pintuan. "tadhana?" I suggested. Umiling sya. "hmm...leron leron sinta?"
"Nah, forget it" naiirita nyang sagot. Dinukdok ko ang mukha ko sa lamesa dahil sa antok. "Oy"
"hmm?"
"I'll leave you here for about an hour or two. Love, Don't be stupid." sabi nya tumayo dere-deretso sa dulo nang hallway kung saan nand'on ang bathroom. Kaya pala may bitbit na twalya. Maya-maya pa ay dumating si manang at pinaghain na ako. Lumabas si Drix na nakabihis na at basa pa ang buhok.
"Di ka na kakain?" I asked. Umiling lang sya at lumapit sa akin. He gave the top of my head a peck and he left. Hindi naman sa kinikilig ako ah, pero kinikilig ako. Napansin siguro ni manang ang pamumula nang mukha ko dahil lumapit sya sa akin at nilagay ang likod nang kamay nya sa noo ko.
"O-okay lang po ako" I awkwardly said and continued eating. "Kain na rin po kayo" she smiled and pulled the chair across from me.
"Hindi na iha, nauna na ako" we stayed there quietly. Ako kumakain habang si manang naman ay nakatingin sa akin. I didn't had the chance to talk to her before, so I don't know what shes like, but judging by her looks she looks about the same age as my grandma on my mother's side. She's been around for a long time, maybe I can ask her for advice about the problem I've been pondering ever since I got here.
"Iha, hindi ko maiwasang itanong kung nagtanan ba kayo?" I sheepishly nodded, mukhang di ko na sya kailangan pang tanungin since na sense nya na ang pagkaalangan ko. "Mukhang bata pa kayo ah? Ilan taon ka na ba apo?"
"Se-seventeen po." came my timid response. She heaved a sigh and reached a hand to cover mine.
"Ang pagaasawa ay hindi laro apo. Sana alam nyo ni iho na pinaghahandaan ito nang matagal. Alam ko na pareho nyong gusto ang isa't isa, pero paano pag gising nyo isang umaga, ayaw nyo na sa isa't isa? Ngayon na tinalikuran nyo na ang lahat, wala na kayong babalikan pa." Nabitawan ko ang kutsara at unti-unting humikbi, lumapit sa akin si manang at hinimas ang likod ko. "Hindi ko sinasabing huwag nyong ituloy, pinapaalalahanan lang kita apo sa mga pwedeng mangyari sa kinabukasan ninyo" I slowly nodded because I know she's right.
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceHow cruel. Maybe it's our karma, love? We became so heartless. Or maybe we were too young? Nonetheless, fate is so cruel to us. I vowed to fix you, but look who's broken. *** This story is based (very slightly) on a true to life story. Her story i...