Broken: Chapter 6

81 4 6
                                    

Palapit at palapit na ang December. Still thinking kung hihintayin ko or gagawa ako nang sariling ending. Anyway, love you ate. Lel.

***

"Bakit di mo tinext si Kuya Drix mo para masundo ka?" nagagalit na sabi ni mama habang nakapamewang. Nakaupo ako sa sofa habang sya naman ay nakatayo. Nasa kabilang sofa naman si tita Carlie habang tinatry na macontact si kuya Drix.

"Eh ma, kaya ko naman umuwi mag isa. Besides kasama ko naman si Rossi"

"Kahit na. Binilin ni Kuya Drix mo na itext mo sya paguuwi ka na!" she started pacing while glancing at tita Carlie. "Ikaw nga Lliane ang tumawag baka ikaw ang sagutin"

I gulped. I wanted to ignore him pero ito ako ngayon. I turned off my phone para maiwasan sya di ko naman kasi ineexpect na masyado nyang sineryoso ang bilin nya sa akin. I glanced down at my phone at nagulat ako matapos ang loading screen.

16 missed calls and 23 messages. Wow.

I gulped at returned one of his calls. Halfway through the first ring ay sinagot nya kaagad. "Nasaan ka? Didn't I tell you na itext mo ako paguuwi ka na?"

"Okay, okay, I'm sorry. Nasa bahay na ako"

"Thank god." I heard him mutter under his breath. My guilt is eating me up. Hindi ko naman ineexpect na ganto sya mag-alala sa akin. "Sige, magkita tayo in ten minutes" and he ended the call.

"Ma uuwi na daw sya" my mom finally sat down and heaved a sigh of relief.

Pwede bang kahit bukas na lang kami magkita?

I started panicking and start to bite my fingernails. I'm weighing my choices kung haharapin ko ba sya o hindi. And that's when an idea hit me. Magtutulog tulugan ako. Para akong kabayong nagtatakbo sa taas at nagmamadaling nagpalit ang pantulog. Nadulas pa ako sa kamamadali dahil narinig ko ang kotse ni kuya Drix sa labas.

"Lliane, pinapababa nang kuya Drix mo" maya-maya'y tawag sa akinn ni mama. Since nagtutulugtulugan nga ako, di ako sumagot. Nakikiramdam lang ako sa paligid. And boy, did  i prayed for him to let this matter go.

Kinilabutan ako nang maramdamang bumukas ang pintuan nang kwarto. Nang maamoy ko na ang pabango nya ay nagsimula nang magwala ang puso ko. 

"Lliane," deadma. "I know you're awake, come on" lumapit pa sya lalo and gently pulled the covers out of my face.

I slowly opened my eyes. Nakita ko ang reaksyon nya, ineexpect ko na madilim na naman ang mga ito pero mali ako. His eyes are half close, worried and...sad? Naguilty ako at hindi ko na napigilan na yakapin sya.

"Iniiwasan mo ba ako love?" I bit my lip when he asked me. I snuggled my face deeper towards his neck dahil sa kahihiyan. I'm so childish. Just now inisip ko ang logic behind my plan. Walang kwenta. "May problema ba tayo?"

His tone is so gentle and soft. Close to a whisper. I shook my head. Hindi ko na napigilan na humikbi. "Hey, ddi naman ako galit sa'yo" he chuckled and gently rubbed my back. All the conviction i had dissolved just like that. "I guess I'm too controlling aye? Lumalaki na si Love"

I can't speak. Instead hinigpitan ko na lang ang kapit ko sa kanya. Tumutulo pa rin ang luha ko. Embarrased of my actions.

"Tahan na. If you want we can go out tonight" umurong lahat nang luha ko at tumingin sa kanya. "Kadiri oh, luhaan tapos tulo pa sipon" he wiped my cheeks at pinisil ang ilong ko. "Wag ka na ngang umiyak wala naman akong ginawa sa'yo eh!"

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon