Broken: Chapter 8

105 5 5
                                    

Ate Jay! Naalala mo yung kinuwento mo yung harana thingy? Lel.

Btw, baka mag update once a week lang. Busy eh. Sarreh.

Shoutouts kay Jagiya: Himala at nakaabot ka hanggang dito. Congrats. Kung binasa mo mula umpisa, 8,000 words na. Another record. Charot bahahahha XD

P.s Ikaw na next. Akala mo ah. Take two?

****

"Malayo pa ba tayo?"

"Konting tiis na lang Rossi"

Bitbit namin ni Rossi ang isang amplifier at isang hard guitar case. Ilang bahay pa ang kailangan naming lakarin bago makarating sa bahay nila tita Carlie. Puro kaartehan lang talaga 'to si Rossi, mag aalasais na at hindi na mainit pero reklamo nang reklamo.

"Ikaw kasi eh, dapat naglalagay ka nang alarm sa cellphone mo. Kung yang panty mo walang garter matagal na yang nawala at nakalimutan"

"Sorry na nga di ba?"

Ngumuso lang si Rossi at hirap na hirap na binitbit ang gitara. Ilang minuto pa kaming naglakad bago namin narating ang bahay nila kuya Drix. Kumpara sa mga bahay namin ni Rossi, kitang kita na mas may espasyo dito, mataaas ang gate at kailangan munang magdoorbell bago makapasok.

Hinintay muna namin na mapagbuksan kami nang gate ni ate Cindy bago pumasok. Sa harap pa lang nang bahay everything is neat, the grass is trimmed perfectly at ang mga halaman ni tita Carlie ay maayos na nakasalansan. Nanliit ang mata ko nang mapansing nandito ang kotse ni kuya, "business meeting" pala ah.

"O Lliane? Si kuya mo ba?" tumango ako sa tanong ni ate Cindy. Pinaupo nya kami sa may sala at sya naman ay umakyat. This is not the first time I've been inside their house, but it never fails to amaze me how big and beautiful it is. The interior design is a perfect balance between modern and classic.

Nang marinig ko ang mabagal na pag baba ni kuya Drix ay bigla akong napaupo nang maayos.

OMG, kaya ko ba talaga to? Bat ba kasi kakantahan ko pa sya? I mean, oo kasalanan ko pero, pero...

"O andyan na si Kuya friend, sibat na ako ah" nakangising sabi ni Rossi at tumayo. Humawak ako nang mabuti sa braso nya. "Akala ko ba sinama mo lang ako kasi walang mag bubuhat nang gamit? Andyan si Kuya Drix di ka hahayaang magbuhat nyan"

Sinimangutan ko sya at sinamaan nang titig. "Rossi, please"

"Don't tell me ngayon ka pa nahihiya sa kanya?"

"Love? Rossi? What are you doing here?" na interrupt kami ni Rossi nang bored na boses ni Kuya. Mukha pa syang bagong gising at maga pa ang mukha, he's wearing a white t-shirt and basketball shorts.

"Ako kuya wala akong pakay. Sibat na ako ah" kumaway si Rossi kay Kuya at ate cindy at nagmamadaling lumabas nang bahay. Pagkaalis ni Rossi ay nabalot kami nang katahimikan. Nakatitig lang ako kay Kuya at nakatitig lang din sya sa akin.

"O ano? Magtitigan na lang kayo?," Natatawang sabi ni ate Cindy. "Sige na nga, I'll leave you guys with your business" parang bruhang tumatawa si Ate Cindy habang paakyat nang hagdan. Namula ako sa huling sinabi ni ate cindy, di pa naman siguro nya nahahalata right? Kung namumula ako ngayon, obvious na talaga.

"So, what's up?" umupo si kuya Drix sa kaharap kong sofa at naghikab.

"Ikaw ang "what's-up"! Business meeting pala ha! LUL!" sumimangot sya sa sinabi ko. "Saan ka ba talaga pumunta? Dinamay mo pa si Tita Carlie sa kasinungalingan mo! May iba kang pinuntahan no?!" And before I knew it, I sounded like a jealous girlfriend. What. No. No. No.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon