Chapter 17: Hospitalized

2.4K 62 5
                                    

Alas kwatro na ng madaling araw ay hindi pa rin nakakatulog si Maine kaya naman napagpasyahan niyang bumangon na lang upang makapag-ayos na para sa trabaho dahil kailangan pa niyang bumiyahe papunta sa next location nila.

Dahil hindi siya nakatulog nagpasya siyang magpahatid na lang sa driver nila.

One thing na nalaman niya sa pag-aartista, mas maraming oras ang pagtatrabaho at pagre-rehearse kesa sa oras ng pagpapahinga at pagtulog kaya naman sobrang saludo siya sa mga tao sa showbiz.

Sa ngayon nagsisisi siya na hindi siya natulog kagabi kaya naman pakiramdam niya ay dinuduyan siya at medyo nakakaramdam pa ng pagkahilo.

Wala naman siyang nagawa nang hindi siya dalawin ng antok dahil kahit anong gawin niya ay paulit-ulit lang na pumapasok sa isip niyang posibleng pinaglalaruan lang siya ni Alden, pinapaasa at kung anu-ano pa.

Hindi na siya nagbreakfast at ni hindi man lang nagpagpaalam sa kanyang mga magulang na aalis na siya. May tampo pa rin kasi siya sa kanyang ama dahil sa naisip niyang.. Bakit hindi na lang siya suportahan nito sa kung ano ang nais niya. Naiinis din siya sa ideya na nag-hire pa ito ng private investigator para lang malaman niya kung sino ang manliligaw niya.

Naisip nanaman niya si Alden, paano kaya niya haharapin ang binata ngayon. Kung sa dubsmash lang madaling-madali para kay Maine na magpanggap na masaya pero ngayon ang araw ng pagkikita nila.

Sa pagkakaalam ng LAHAT at sa pagkakaalam NIYA ay hindi pa sila nagkikita ni Alden pero ilang beses niya na pala itong nakita at nakasama ngunit nakadisguise ito kaya hindi niya nakilala.

Naiinis siya sa sarili niya kung bakit hindi niya ito napansin agad. Una pa lang pala ay hindi na niya kailangang pumili kay Alden o kay Richard dahil simula pa lang parehas na ang nararamdaman niya sa dalawang akala niyang magkaibang tao.

Handang- handa na ang reception ng kasal kuno ni Yaya Dub at Frankie pero parang hindi pa handa ang dalaga na harapin ang lahat. Kahit anong pilit niyang ngumiti at ipagpatuloy ang pag-acting sa harap ng camera mababakas pa rin ang pagkaputla niya at pagkabalisa sa umpisa pa lamang ng palabas.

Muling nasilayan ni Maine sa split-screen ang lalaking nagpapatibok ng puso niya, ang lalaking nagpapasaya sa kanya na siya ring dahilan ng matinding kalungkutan niya ngayon.

Habang naglalakad siya sa red carpet nakakaramdam na siya ng panghihina dahil sa naisip niyang anytime soon ay magkikita silang muli ng personal ni Alden.

Ngayon na kasi ang itinakdang araw na pagkikita nila ng binata.

Habang nagsasalita ang pari para sa exchange of vows nila ni Frankie naramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib at muling pag-ikot ng kanyang paningin. Kumapit siya kay Jose at bumulong rito ng 'Kuya, nahihilo ako'.

Then, everything went black.

Rinig na rinig niya ang pagpapanic ng mga tao sa reception area ngunit kahit anong gawin niya hindi niya maimulat ang mata niya. Hanggang sa unti-unti ay nilamon na siya ng matinding pagkahapo.

Alden's POV:

Sakay ng van, papunta na ako sa reception ng kasal ni Yaya Dub at Frankie..

Feel na feel ko na parang ikakasal talaga siya... na kailangan ko talagang humabol para pigilan ito.

Mixed emotion ako ngayon dahil kagabi pa ay kinakabahan na ako sa hindi malamang dahilan.

I texted Maine kagabi para mag Good night pero hindi siya nag reply. It's very odd because usually, khit good night lang nagrereply siya pero kagabi kahit 'ok' lang wala akong natanggap.

Pagkadating ko sa reception nanlumo ako ng malamang isinugod siya sa ospital.

Yung saya ko kanina na makita siya napalitan ng pag-aalala at kaba.

-Fast Forward-
Third Person's POV:

Pagkatapos na pagkatapos ng Eat Bulaga ay agad na nagpaalam si Alden sa mga co-hosts niya upang puntahan si Maine at upang harapin rin ang mga magulang nito.

Hindi na nag-abalang mag explain si Alden sa kanyang mga co-hosts dahil ang alam ng lahat ay hindi pa sila nagkikita ni Maine kaya baka intrigahin siya bigla at kung saan pa umabot ang usapan.

Pinaharurot niya na lang ang kotse niya at tumungo sa pinakamalapit na bilihan ng bulaklak at mga prutas.

-CardinalSantosMedicalCenter-

Sa labas ng isang kwarto makikita ang isang hindi katandaan na lalaki na nakaupo habang nakaub-ob ang mukha sa mga palad nito.

Sa katabing upuan naman nito ay isang babaeng mugto ang mata at medyo magulo ang lampas-balikat na buhok nito.

Kalalabas lamang nila mula sa kwarto ng kanilang anak na si Maine. Napag-alaman nilang over fatigue ang dahilan kaya nahimatay ang anak at dahil na rin hindi ito uminom ng kanyang meds. Sa ngayon ay natutulog pa ito.

Naaawa sila sa kalagayan ng anak dahil kagabi pa iyak ng iyak ito dahil sa kanyang nalaman. Alam nilang nagtatampo ito sa kanila dahil kaninang pag-alis ni Maine ay hindi ito nagpaalam sa kanila.

Sinisisi ng ama ang sarili dahil imbes na siya ang sumuporta sa kung ano ang magpapasaya sa anak.. siya pa ang tumututol sa kagustuhan nitong mag-artista.

Sa hindi kalayuan.. makikita si Alden na humahangos at patuloy ang pagtakbo bitbit ang isang basket ng prutas at mga bulaklak.

Biglang napatayo ang tatay ni Maine ng makita siya nito.

"Richard.. " pormal na bigkas nito .Napaatras ng kaunti si Alden dahil sa pagkapormal ng boses nito.

"Ma-magandang araw po, Sir and Ma'am. Kung pahihintulutan niyo po.. Pwede ko po b-bang ma-makita si Mae?" mautal-utal na tanong niya.

"Nagpapahinga pa siya. Maaari mo ng iwan yang mga yan sa table sa tabi ng bed ni Mae." bakas pa rin ang pagkapormal ng lalaki.

Bago makapasok si Alden nagsalitang muli ang tatay ni Maine.

"Mag-usap tayo right after you put that basket and flowers inside."

"Yes Sir."sagot nito agad.

Nang maisara na niya ang pinto agad niyang nasilayan ang maamong mukha ng babaeng mahal niya.

Inilapag niya na ang basket at inilagay ang green, blue, red, violet and white roses sa vase na nakapatong sa table.

Tinitigan niya saglit si Maine at unti-unting inilapit ang mukha sa dalaga hanggang sa lumapat ang labi niya sa noo nito.

Marahan niyang hinawakan ang pisngi nito at hinawi ang ilang buhok ng nakatakip sa kanyang mukha.

"Wait for me Mae,kakausapin ko lang si Daddy natin. bulong ni Alden at nagpakawala ng mahinang halakhak dahil sa tinuran.

Muli niyang hinalikan ito sa noo at sinabing.."Sleep well my Princess."

Kinakabahan niyang pinihit ang doorknob at lumabas ng kwarto upang kausapin na ang Ama ng babaeng mahal niya.

This is it. Moment of truth. bulong niya sa sarili.

'Til I Meet You... AGAIN #AlDub <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon