Chapter 27: Meron Akong "IKAW"

2.4K 72 3
                                    

Maine's POV:

Narito pa rin kami sa Jasmin's Restaurant at katatapos naming kumain ng breakfast. Right now, hinihintay na lang namin si Richard na bumalik dahil ang sabi niya ay siya na lang daw ang kukuha ng fruit juice namin para makapag-usap naman daw kami ng best friend ko.

Biglang nag-iba yung mood niya nang malaman niyang beki na si Lance. Kung kanina eh halos mangain siya ng tao ngayon naman halos magpa-party na siya.

Sobrang natawa ako at the same time natuwa ako dahil sa naging reaksyon niya nang makita niyang niyakap ko si Lance. Dahil naka-cap and shades din siya na gaya ng sa akin, pang-ibabang bahagi lang ng mukha niya ang nakita ko.

Kahit itago niya, pansin na pansin ko pa rin ang pagti-tiim bagang niya at sigurado akong nagsasalubong nanaman ang kilay niya. Masaya ako dahil inamin niya sa aking nagseselos siya though wala naman siyang dapat ikaselos.

Kahit na bumalik pa si Lance o kahit na sino pa ang bumalik sa buhay ko, hinding-hindi ko ipagpapalit ang taong laman na ng puso ko... Nakatatak sa utak ko at ang taong karugtong na rin ng kaluluwa ko.

Oo! Ganun ko na kamahal si Richard. Sino bang hindi magmamahal sa taong tulad niya? Mabait, gwapo, magalang, maunawain, talented at higit sa lahat mahal rin ako. Isa na lang talaga ang hiling ko, ang maging kami na! Haha! Charing!

What if I make the first move?

"No way! Nakakahiya 'yun!" Out of frustration kong naisigaw habang hinahampas ko ang ulo ko. Ano ba naman kasing pumasok sa utak ko at naisip kong ako ang mag first move. Bahala siya! Daig pa niya turtle net. sa sobrang bagal.

Itinigil ko lang ang paghampas sa ulo ko nang biglang nag-ring ang phone ko.

** Darling' I will be loving you 'til we're 70 ***

"Hey girl! Kanina pa nagri-ring cellphone mo baka may balak kang sagutin 'yan." Ani Lance.

Tinitigan ko lamang ang caller's ID. Nag-aalangan ako kung sasagutin ko ba ang tawag. Sigurado ako kukulitin nanaman ako nitong bruha kong best friend tungkol sa pagtakas ko.

**Incoming Call**
-Janeeva-

Biglang hinablot ni L.A. ang phone ko and BOOM! Sinagot lang naman ni bakla ang tawag.

"Hello Janeeva?" Medyo manly ang boses ni Lance ng magsalita siya sa phone.

Sinamaan ko lang ng tingin si L.A. dahil honestly ayoko makatanggap ng sermon ngayong umaga but since sinagot na niya I have no choice kundi kausapin si Janeeva.

1

2

3

*hingang malalim*

"HOY BRUHA! NASAAN KA BA NGAYON?" Awtomatiko kong nailayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Janeeva mula sa kabilang linya.

"Hoy ka rin bruha! Ang aga-aga sigaw ka ng sigaw. Se-sermonan mo nanaman ba ako ??? Tanong ko sa kanya.

"PAANONG HINDI KITA SESERMONAN, UMALIS KA NG HINDI NAGPAPAALAM KAY TITO AT TITA PAGKATAPOS MALALAMAN NA LANG NAMIN NA NAGSINUNGALING KA SA DIRECTOR MO... NA YOU'RE NOT FEELING WELL KAYA AABSENT KA. REALLY???..MAY SAKIT KA PERO WALA KA SA BAHAY NIYO? PINAG-AALALA MO PA SILA TITO!"

"Bruha! Nandito ako sa Bicol at may sakit talaga ako kanina.. Uhmm.. Menstrual cramps. Pwedeng pagdating ko na lang ako magpapaliwanag? Let me take a break naman kahit ngayon lang." Sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbugtong hininga niya sa kabilang linya.

"Okay, Sige.. Ako na ang magpapaliwanag kay tito ng lahat-lahat. Ayos ka lang ba diyan? Yung cramps mo? Wala na ba?" Malumanay na tanong ni Janeeva.

'Til I Meet You... AGAIN #AlDub <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon