Third Person's POV:
Mula sa viewing deck na matatagpuan sa itaas ng Ligñon Hill, makikita napakagandang tanawin ng bulkang Mayon -- Ang pinakaasam-asam na makita ni Mae.
Tahimik na nakatitig si Richard at si Mae sa buong tanawin at kapwa nila ninanamnam ang kabuuang ganda ng paligid. Para sa kanila, sobrang worth it ang kinse minutos na ginugol nila sa pag-akyat upang marating lang ang lugar na iyon.
Limang minuto na ang nakalilipas nang mapagpasyahan na ni Richard basagin ang katahimikan. Hindi niya maiwasang isiwalat ang kani-kanina pa niya iniisip tanungin kay Mae.
"Mae-Mae??" Tawag niya rito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa Bulkang Mayon.
"Mmmm?" Ang tanging tugon naman ng dalaga habang nakapikit at ninanamnam ang sariwang hangin.
"Umm..Minsan ba
sumagi sa isip mo na magkikita tayong muli?" Tanong ni Richard sa dalaga. This time napatingin na si Mae kay Richard na tila hindi mahanap kung ano ba ang isasagot sa kanya dahil honestly hanggang ngayon ay hindi pa rin halos mag-sink in ang lahat ng nagaganap ngayon sa kanila.Kita naman ni Richard sa peripheral view niya ang pagkatulala ni Mae kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagtatatanong.
"Nang makita ko ang blurred mystery photo raw natin na tinutukoy sa internet and sa mga social medias kung saan nakunan iyon sa Candy Fair event last 2010 .. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikaw nga ang babaeng kasama ko noon at ngayon. After the
Airport incident kung saan muli tayong nagkita, naramdaman ko ulit yung weird feeling na somewhat and somewhere nakita na kita. And our unexpected meet up in New York, never kong naisip na after all those long long years.. Finally!Makikita ko na ang babaeng matagal ko ring hinanap though umaasa talaga akong makikita ko pa ang babaeng nakapagpabilis sa tibok ng puso ko... At ikaw yun.. Ikaw yun Nicomaine."
Matiim lang niyang tinititigan si Richard na para bang sinusukat at inaalisa ang bawat katagang binibitawan ng binata. Wala pa rin siyang masabing kahit ano. Everything's surreal for her until now." Kung hindi lang siguro kakornihan ang sabihing naniniwala ako sa destiny malamang matagal ko nang ipinagsigawan na'Uy! DESTINY DO EXIST!' " sigaw ni Richard habang itinataas ang kamay.
Napapailing na lang ang dalaga sa mga tinuturan ni Alden.
"Kahit kailan never naging corny ang sariling paniniwala ng tao, Richard. May kanya-kanya tayong paniniwala.. Tawagin mang corny dahil nakakatuwa.. Ayos lang! Dyan tayo masaya eh. Yung mga ka-kornihan, dyan tayo humuhugot ng emosyon kaya be proud dahil CORNY ka!"
"So? Naniniwala ka rin na Destiny do exist? Corny ka rin ba Hany?" Natatawang tanong ni Richard.
BINABASA MO ANG
'Til I Meet You... AGAIN #AlDub <3
FanfictionThis is a fanfiction. This story is written to show support for AlDub Love team :D If you're reading this because you think that the events in this stories are for real,better stop reading it now because this story is just a fruit of the author's im...