Chapter 26: JellyBae

1.9K 64 4
                                    

Alden's POV:

Nagmamadali akong sumakay ng elevator upang mapuntahan kaagad si Mae, bitbit ko ang isang paper bag na naglalaman ng mga favorite candies niya. Especially mik-mik and haw-haw. Di ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti sa tuwing maaalala ko na dahil sa haw-haw at mik-mik na ito.. Na-receive ko ang first ever kiss sa cheeks mula kay Mae-mae.

*ting*

Smile is still plastered on my face hanggang makalabas na ako ng elevator.

Everything's slowmo when I saw her at the entrance of the restaurant. My smile get even wider when I noticed that we're wearing the same color of cap and shirt. I was about to call her name but then, I saw someone beside her. She didn't even notice na malapit na ako sa kanila. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila but they seem enjoying each other's company.

Mas lumapit ako sa kanila ng makita kong nagiging clingy na si Mae sa lalaking kasama niya. Bakit may pakapit-kapit pa sa braso eh. Tsk!
Nakaramdam ako ng kakaibang feeling nang marinig ko na ang pinag-uusapan nila.

"Hanggang ngayon ba gusto mo pa rin ako?" Rinig kong banggit ng lalaki na siyang mas lalong nagpa-alab sa kung anuman ang nararamdaman ko.

Alam ko namang NO ang sagot ni Mae. Ako kaya gusto niya. Ako lang diba? Ako lang!

"Oo naman!" Sagot niya sa lalaki at niyakap ito.

Gusto kong maiyak...magwala pero mas pinili kong pakalmahin na lang ang sarili ko. Naiinis ako! SOBRA! bago lang sa akin itong pakiramdam na parang sasabog ako anytime. Kahit sa mga past girlfriends ko wala along naramdaman na ganito. Ipinasya kong kausapin na sila. Gusto kong malaman kung sino ba siya at bakit gusto siya ni Mae. Akala ko ba ako lang?

"Ehemm.." Banggit ko at masuyong hinigit si Mae at hinawakan ko siya sa bewang.

Tinignan ko ang kasama niya na para bang sinasabing"Akin lang ang babaeng kausap mo!"

Halata ang pagkabigla sa mukha nila ng dumating ako, ako ma'y nabigla sa ginawa ko ngunit pinanindigan ko na lamang.

"Richard.." Mahinang tawag sa akin ni Mae.

Parang nanlambot ako nang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kasama niya.

Naramdaman ko ang pagkapit rin ni Mae sa bewang ko kaya technically naka-side hug kami sa isa't isa. Napatingin ako sa kanya ng nakakunot-noo ngunit nginitian niya lang ako ng pagkatamis-tamis.

"L.A.. Ito nga pala si Richard ..Kasama ko nagpunta rito." Pagpapakilala sa akin ni Mae. Hindi man lang niya sinabing manliligaw niya ako.hmp! Para saan pa ang bibig ko diba? Ako na bahala ipakilala kung sino ako.

"Richard Faulkerson Jr. pala pare.. RJ na lang.. Manliligaw ako ni Maine." Iniabot ko ang ko ang kanang kamay ko sa kanya ngunit nakatulala lang sa akin ang lalaki. Problema neto?

"Uyy L.A!!" Natatawang pukaw ni Maine sa nakatulalang lalaki.

"Ehemm.. Lance Lei Castro pare.. Best friend ni Maine." Pagpapakilala niya at nakipagkamay sa akin.

Parang lang weird niya. Kakaiba ba talaga lang boses niya or is it just me?

" Best! May balak ka naman sigurong bitawan ang kamay ni Richard diba? " Natatawang tanong ni Mae.

"Pasensya na pare." Tuon sa akin ng best friend ni Mae.

Tumango na lang ako. Bakit kanina pa tumatawa si Maine? Hindi kaya kinikilig siya dahil sa asungot na Lance Lei na 'to?

Lance Lei... Lance Lei.. Saan ko ba narinig yun? Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa Jasmin's restaurant at ang nakakainis pa ay nauna na sila sa buffet table upang manguha ng pagkain habang naghaharutan pa.

"Bakit ka nandito?" Bungad na tanong sa akin ni Mae bang makalapit ako sa kanila.

"Kukuha ako ng pagkain. Buffet breakfast 'to diba?" Malamig na tugon ko sa kanya.

Nag-pout naman siya saka kinuha ang plato.

"Ang sabi ko ako na bahala sa pagkain mo.. Hindi ka naman pala nakikinig kanina."

"Gusto mo lang makasama 'yang asungot mo eh.." Bulong ko ngunit narinig pa rin niya.

"Are you jealous?" Tanong niya at binigyan ako ng mapa-nudyong ngiti.

"Ano? Hindi ah! Kanino naman ako magseselos? Diyan sa kanina mo pang kaharutan at kayakapan na BESTFRIEND mo lang! Hindi.. Hindi ako nagseselos!"

Hindi ko maitago ang pagka sarkastiko ng sagot ko dahil kanina pa ako nagpipigil.

"Hindi ka talaga nagseselos?" Tanong niyang muli.

"Hindi nga po!" Giit ko.

"Kahit na malaman mong siya ang lalaking iniyakan ko two years ago?"

Sinasabi ko na nga ba narinig ko na yung Lance Lei na'yan eh! Siya ang dahilan kung bakit umiyak ang Ms. Sungit ko.

"Halika na! Sa ibang restaurant tayo magbe-breakfast!" Sabi ko sa kanya sabay higit sa kamay niya ngunit hinila niya ito pabalik.

"Gutom na ako eh!" Sabi niya at nag-pout.

"Gusto mo lang makasama 'yang Lance mo." This time ako naman ang nag-pout.

"Yiee.. Jelly jelly si Richard ko!" Sabi niya habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

Napapangiti ako sa ginagawa niya ngunit pilit kong pinipigilan.

"Oo na! Nagseselos na po ako. Eh kasi naman po first love mo 'yan tapos may payakap-yakap ka pa sa kanya." Pag-amin ko sa kanya saka yumuko at nagkamot ng batok.

Natawa nanaman siya sa tinuran ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi siya ang first love ko!"

"Huh? May iba pa?" Tanong ko.

"Secret na muna 'yun! May mas importante pa ngayon bukod diyan."

"Huh? Ano po?" I gave her a puzzle-look again.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko. "He's a gay." Natatawang bulong niya sa akin.

Napatingin ako kay Lance na nakangiting papalapit na sa amin bitbit ang breakfast niya.

"Ehemm.. Pare.. Bakit di ka pa kumukuha ng pagkain?" Tanong ni Lance.

"Confirmed!" Bulong ko.

Napahagalpak ng tawa si Mae dahil medyo pumiyok ang boses ni Lance nang pilit niyang palakihin ang boses niya.

"OK na best.. No need to pretend... Show us the real L.A." Ngiti ni Mae sa kanya.

"Hayy naku girl! Nag-effort akong magpaka-lalaque ha! Ibubuking mo pala ako sa boylet mo! Hahaha!"

"Ayos lang yan pare!" Tugon ko kay Lance.

"O siya!Gogora na akez sa table natin. Chikahan tayo later kapag may foods na kayo ni boylet mo!" Sabi niya kay Mae sabay tsunami walk ulit.

Natawa na lamang ako sa sarili ko dahil wala naman pala akong dapat ikaselos sa nakaraan niya.

I guess I'm just a really jelly bae after all.

'Til I Meet You... AGAIN #AlDub <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon