Dedicated to: @CediePatag ^_^
♪ ♪ ♪Maine's POV:
"Asawa ni KABO." Iyan ang nararamdaman ko ngayon.
Kanina ko pa gustong makausap si Richard pero hindi ako pinapayagang hawakan o kahit tignan man lang ang personal phone ko. Sinong matutuwa? Tsk!
Ang last text naman na na-receive ko ay from ate Niki pa. She told me na nakarating na sila sa Broadway at readyng-ready na manuod. Supportive eh?
Sobrang kaba, tuwa at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil sa hindi ako na-orient at hindi ko alam ang ganap mamaya bukod sa makikidnap daw ako after ng perfomance ko.. Hanggang dun lang ang alam ko. Saya naman, dahil sa makakatuntong akong muli ng Broadway at lungkot dahil sobrang may namimiss ako. :'(
Medyo nagulat ako nang biglang nagsalita si Lola Nidora este si Kuya Wally pala..
"Maine! Malapit na tayong i-on cam. mag-ready ka na para sa split-screen moment niyo ni Alden."
At ayun nga! After 1,430,726 years of waiting ay nasilayan ko nanaman siya pero sa split-screen nga lang. Habang pinapanuod ko siyang magperform may kakaibang kaba ako na nararamdaman sa dibdib ko. Parang may mangyayari pero hindi ko matukoy kung ano.
As I watch him perform iniisip ko kung makikita ko na ba siya mamaya o baka naman siya ang magliligtas sa akin kapag may kikidnap na sa'kin then *ting! Happy ending na ang Aldub!
Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. I can't help but smile with that thought. Lahat ng mga SANA.. Sana mangyari nga.
Finally! Tapos na ang performance ni Bae at nakarating na rin kami ng Broadway. I secretly looked for him pero bigo ako. Di ko nasulyapan ni dulo ng buhok niya o kaya kahit dimple lang niya. Hanggang kailan ko pa ba siya pwedeng makita na? Hayy... Grabe sila!
"After commercial break ikaw na sasalang Meng. And don't worry may mangyayaring maganda. Just go with the flow. " Ngumiti si Direk Pat sa akin ng pagkatamis-tamis at saka iniwan ako ng isang malaking katanungan. 'ANO?'
Hindi kaya'y tama ang hinala ko na ngayon na kami magkikita? OMG! Sana nga pero mahirap umasa baka ma-disappoint lang ako.
Hindi ako halos magkandatuto nang tawagin na ang pangalan ko upang ako naman ang mag-perform. "Ginusto mo 'to Maine.. Dapat all out ka!" Bulong ng konsensya ko. "Kaya ko 'to!"
As I step my foot on the stage parang nagbalik ang unang pagkakataon kong tumapak sa Broadway. Until now, everything's surreal for me.
I saw my fam watching me at alam kong proud sila sa'kin. Wala pang sasaya na makita ang pamilya mong masaya at proud sa'yo. I couldn't ask for more...
Ito na 'yung moment ko eh.
Nang matapos ang performance ay mas lalong naging maingay ang audience. Hindi ko alam ang dahilan at litong-lito ako kung bakit. I look at the director's board at sobrang nagulat ako sa nakasulat dito. "Hanapin mo si Alden sa backstage." -- Iyan ang laman ng iwinawagayway na manila paper ng aming writer na si Ate Jenny.
Bawat paghakbang ng paa ko sobrang kaba at excitement ang nararamdaman ko. Nararamdaman kong nanlalamig ang mga paa ko sa loob ng boots ko, namamawis ang kamay ko at may kakaiba pang pakiramdam ang Hindi ko matukoy sa kaloob-looban ko.
Dahan-dahan kong tinahak ang patungong backstage at sinunod ang stage direction, ang hanapin SIYA.
Alam kong hinahanap na rin niya ako. Oo na! Assuming ako but I can feel it at wala kang pake!
Bawat ikot ko at pagbalik balik sa harap ng Broadway patungong muli sa backstage ay hindi pa rin kami magkita.
No matter how you keep on searching for that someone if it's not really meant for the both of you to meet, it will never happen. That is when destiny plays.
When I finally reached the hallway at the backstage, I stop... I just listened to every beat of my heart... I calm the heavy rhythm of my breathing... I close my eyes as I tilt my head.
At sa pagbukas ko ng mata ko...
♪God gave me you ....♪♪Finally! Nakita ko na siya!
I can't help it but give the most genuine smile I can give na parang this is the very first time we meet at nakaramdam ako ng sparks between us.
I saw longing in his eyes na para bang nangungusap ang mga ito at sinasabing "Sa wakas! After ilang days nagkita tayong muli".. Is it just my imagination?
Well, maybe?
Naaalala ko nanaman ang laging laman ng text niya. "I miss you, I miss you, I miss you Hany."
We felt the same way naman pero ngayong nakikita ko na siya I think mas lalo ko siyang na-miss. Weird tho.
I gave him a flying kiss and he catch it. AGAD-AGAD :')
As we about to hug bigla na lang umeksena si Lola Nidora at ang bago niyang alagad. Bumulaga na lamang sa amin ang kaawa-awa at walang kamuwang-muwang na si Victor Plywood na sa ngayon ay gustong-gusto ko nang chop-chopin at gawing panggatong. Grrr..
After almost one week hanggang doon pa rin ba ang pagkikita namin? Hapyaw na lang at hanggang sulyap? Why oh why Bikkktorr? Eksena ka eh ha! Nang-aano ka eh.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Masyado akong na-carried away sa mga pangaral ni Lola na kesyo ang pag-ibig raw ay walang malalim na dagat at walang malayong landas. Walang mabuting maidudulot ang pagiging mapusok ng dalawang taong nagmamahalan.
Habang nakasalampak ako sa sahig biglang may dalawang lalaking naka- bonnet na itim ang kumuha sa akin. Di na ako masyadong pumalag. Isinakay nila ako sa van.
Ito na ba yun?? Ito na ba yung kidnappers na on cue? Bae, ililigtas mo ba ako? Please iangat niyo na yang langyang plywood na yan! Bakit pa kasi alam ni Lola Nidora ang blue print nitong Broadway.
Hayyy... Kung di lang dahil sa plywood we could have our happy ending today but the funniest part is naisip kong salamat na rin kay Victor Plywood dahil ngayon, hindi pa ending ng lahat. Okay! Bilib na talaga ako sa writers namin ng KS. Lakas maka-PAASA! Chos!
Hayy.. Plywood!
• • •
Thanks for reading! :)Sorry for superrrr late update. :'(
-ChaWhiLove #DMSE♥♪
BINABASA MO ANG
'Til I Meet You... AGAIN #AlDub <3
FanficThis is a fanfiction. This story is written to show support for AlDub Love team :D If you're reading this because you think that the events in this stories are for real,better stop reading it now because this story is just a fruit of the author's im...