Maine's POV:
Nakarating na kami ng Cagsawa, bumaba na ako ng kotse at ibinagsak ang pintuan
habang nagmamadaling naghanap ng pinakamagandang view para makita ang sunset.Hinihintay na lang namin ang paglubog ng araw habang hinihintay ko rin na humupa ang inis ko kay Richard.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa'kin.
"Mae-mae.. Sorry na po! Wag ka na magalit please?"
Ayan nanaman si Richard. Kanina pa 'yan. Nakakainis naman kasi eh ...
"Bakit mo ba kasi ginawa 'yun?"
Medyo inis na tanong ko sa kanya."Akala ko po kasi magugustuhan mo. Waah! Sorry na po!" Parang batang nagtatantrums si Richard.. Gusto ko tuloy pisilin yung pisngi niya but I composed myself. Hindi pwede 'to!Makakatikim talaga ng sermon 'to sa akin eh.
"Nagustuhan ko naman talaga, pero sana hindi mo na lang ginawa 'yun Bae!"
"Diba sabi ko sa'yo Hany.. For You, I will .. kahit ano pa yan gagawin ko para sa'yo." He sincerely said those words as he stares straight into my eyes. "Sili lang naman 'yun eh.. Hindi naman po masyadong maanghang 'yun. He-he-he."
He nervously laugh na lalong nagpakunot sa noo ko."Ahh.. Hindi pala maanghang ha? Eh halos maubos mo na 'yang isang litro ng tubig tapos inubos mo pa yung mik-mik ko. So? Hindi talaga maanghang? Ibibili pa kita ng isang kahong sili kung gusto mo!" Sermon ko sa kanya. Parang hindik na hindik siya ng marinig niya ang word na sili.
"WAG! Ayoko na ng sili! No no no no no! Sorry na po."
Kung iisipin, wala naman talaga akong karapatang mag-inarte dahil ibinigay lang naman talaga niya ang gusto ko. Nakakainis lang dahil sobrang effort ang pinapakita niya sa akin. Naiinis ako dahil baka hindi ko masuklian ng patas ang lahat ng iyon.
Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita.
"Well.. thank you dahil binigay mo sa'kin si Winnie pero next time wag ka ng kakain ng sili para lang sa akin ha!"
"Di ka na galit?" Tanong niya habang tumatalon-talon. Bigla namang nahulog ang shades niya at nabigla ako nang makitang sobrang pula ng mukha niya.
"Hahahaha! Ilang blush-on ba ang natira mo? Ang pula-pula naman ng face ng baeby ko. Ang pangit mo na! hahaha!" Pang-aasar ko sa kanya.
Nag-pout lang siya nang marinig ang sinabi ko at saka ibinalik muli ang shades niya. Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi na niya ako pinansin.
"Uyyyy!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi pa rin niya ako pinapansin. Niyugyog-yugyog ko ang balikat niya pero ayaw pa rin niyang tumingin. "Richard, sorry na!" Wala pa ring effect sa kanya ang pag-pabebe ko. Hayy!
"Bae, sorry na." Mahina kong sabi sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin na sobrang ikinatawa ko. Ang pula talaga ng pisngi. Yiee Tisoy..Gigil!!!"Oh bakit ka nanaman nakasimangot diyan,BAE?" Tanong ko sa kanya na medyo natatawa pa. I emphasized the word BAE para naman matuwa lang mister ko for day.
"Hany naman eh! Tinawag mo nga akong bae but still tinatawanan mo'ko." Tugon niya at muling nag-pout.
BINABASA MO ANG
'Til I Meet You... AGAIN #AlDub <3
FanficThis is a fanfiction. This story is written to show support for AlDub Love team :D If you're reading this because you think that the events in this stories are for real,better stop reading it now because this story is just a fruit of the author's im...