Chapter 9: Treasure Hunting

15 0 0
                                        

Aliyah Ikeuchi

Agad kong minulat ang mga mata ko nang may maramdaman akong sumundot-sundot sa braso ko.

"Sushi andito na tayo," I heard Krissy's voice at saka lang pumasok sa isipan ko na nasa loob pala kami ng eroplano papuntang Palawan.

I rubbed my left eye while looking outside at nakitang nasa airport na kami.

Ngayong day na yung activity ng Biology Club na sinalihan namin. Naeexcite na nga ako. Mamayang afternoon magsisimula na yung game tapos bukas naman whole day na pwedeng mag-enjoy. 2 day-vacation din ang peg neto. Oh dba saya saya? Kekeke.

Nagsitayuan naman na lahat para bumaba. Agad namang nag-adjust yung eyesight ko at automatic na hinanap si Ice. Nasa may unahan ko sya. May distance mula sa seat namin. Nakatayo na sya at ready ng bumaba ng eroplano. Saglit na naglakbay ang imahinasyon ko habang pinagmamasdan sya. Nakikita ko na talagang naghahabulan kami sa dalampasigan. Leshe. Kilig femfem. XD

Bumaba na din kami ni Krissy, sininghot ang hanging Palawan at dumiretso sa mga van na service papuntang Hotel.

Krissy immediately flopped on the bed pagkapasok namin sa hotel room. "Hayy kapagod."

Inayos ko naman yung mga bag ko at agad na nagkalkal. "Ano kaya magandang suotin para mamaya? Ano ba ang mas magandang get-up sa paningin ni Ice? Dress ba at pademure na dating o yung swag? Hmm.."

Bigla namang may tumama na sapatos sakin."Tumigil ka nga muna sa kaharutan mo. Magpahinga muna tayo dahil mamaya start na ng game. Jusmiyo ka Aliyah," pagsermon sakin ni Krissy.

Hinimas himas ko nalang yung braso kong tinamaan nung sapatos nya. Eh kaharutan naman talaga ang dahilan kung ba't ako sumali dito in the first place eh. Pfft.

Edi bumagsak nalang din ako sa kama at natulog saglit.

Pagkatapos ng rest time ay pinatawag lahat ng players at Biology Club members sa dining hall ng hotel para maglunch.

Then nagproceed kami sa lobby para sa isang meeting. Si Ice yung naghandle ng meeting kaya ako naman syempre syempre syempre si no.1 attentive listener. Kekeke.

Sinabi nya yung rules and regulations, instructions at mechanics ng mga games.

Sayang nga lang at ang pagiging Bio Club member ko ay magiging effective after pa ng activity na'to. Kung nagkataon sana na member na'ko eh palage ko sanang kasama si Ice. Syempre, sila sila lang din naman na members ang organizers. Aish. Sayang.

"Now for the Treasure Hunt game, we have 10 players. And each player will be paired with a corresponding Biology Club member. You will work as a duo. So overall, we will have 10 teams. As to why we arranged the grouping in this manner is because we had put in consideration the possibilities that could pop up while exercising the said game inside the isolated area where the activity will take place. Each club member have undergo certain procedures so they already know what to exercise incase of any emergency situations.

So that's it, anymore clariffications?"

Isang tanong lang Ice, pwede bang ikaw nalang makapartner ko? XD

We were given 2 hours alloted time to prepare ourselves before the game starts.

Matapos ang given time ay nagsisakayan na kami sa boat papunta sa island kung saan iheheld yung game.

May kung anu-ano pa ngang chuchus na ginawa yung club kaya medyo natagalan pa bago magsimula.

After so many sighs and chikahan, tinawag na din yung mga players.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon