CHAPTER 8.2: MALL TROUBLE

15 0 0
                                        

Kriselda Barcellano

Takte.

Asan na ba yung bespren ko?

Pagkalabas na pagkalabas ko ng c.r eh kahit split ends niya ay di ko na nahagilap.

Di ko pa naman siya matext or matawagan kasi sa di sinasadyang pangyayari at dahil narin siguro sa dulot ng aking katangahan ay nahulog si pareng phone sa toilet. Kadiri at kabadtrip. Sarap magwalling sa kisame.

Kaya ayun. Nagkanda-haggardo versoza ng plos ang inyong lola kakahanap sa kalahating japanese kalahating fetus niyang kaibigan. Pero wala lang akong napala sa journey to the center of the mall na ituu. Dahil mula basement hanggang on top of the world ay di ko siya nakita.

Saan ba naman kasi yun nagsususuot? Nako. Hula ko nakita niya na naman si Alvarez at parang tuta na naman sigurong sumunud-sunod sa mamaw na yon. Oops. Zarreh not zarreh. Talagang mamaw ang Alvarez na yun sa paningin ko eh. Pffft.

Pero dahil loyal akong kaibigan eh di ako sumuko. Lumaban ako at pinagpatuloy ang ekspidasyon. Charut. XD

At sa masigasig na paghahanap kay Aya ay napunta ako sa Amusement Park. Malay naman andito siya dba?

Madilim na nun. Umiikot ikot lang ako habang palinga-linga sa paligid nagbabakasakaling makahanap ng fafa ay este mahanap si Aya pala XD

Pero nagutom lang ang lola niyo kaya napagdesisyunan kong bumili ng siomai sa isang food stall dun. Pinuno ko ng bongga yung lalagyan ng siomai ng sauce eh mesherep eng meremeng ses eh enebe.

"Salamat Ate," sabi ko dun sa tindera pagkakuha ko ng sukli ko. I turned to my left at sa di inaasahang pagkaktaon ay mayroon pang dumaan kaya ajdhjsghsfgdsf .

Yung pagkarami raming sauce sa siomai ko ay nailipat sa kulay puti niyang t-shirt.

"Ay sorry!"

*BOOM!*

Sabay ng pasgsorry ko ay isang pagsabog mula sa kalangitan. Napatingin ako sa langit at nasilayan ang fireworks display.

Ang ganda. Pero di ko yun mai-enjoy ngayon dahil sa isa na namang katangahang ginawa ko. Ojujuju.

Lumingon ako sa mukha nung natapunan ko at saktong lumingon din siya saken.

Yung gandang nakita ko sa fireworks display, pareho ng gandang nakikita ko ngayon sa mga mata nitong kaharap ko.

Kinabahan ako. I felt my heart throbbing fast and my stomach churning. At di ko maintindihan kung bakit.

Bigla kong iniwas ang mga tingin ko sakanya. Hindi ko alam pero sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko with no apparent reason. And it bothered me.

Saka ko napansin yung kulay puti niyang damit na ngayon ay brown na.

"AY HALA." Parang agad naman akong bumalik sa aking senses ng maalala kong natapunan ko nga pala siya."Koya sorry po," agad kong kinuha yung panyo ko at pinunas punas yung sauce na nasa shirt nya kahit useless naman na kasi nagmantsa na yung damit niya. I wiped the mess awkwardly dahil lesheeee feel na feel kong nakatingin talaga siya diretso sakin. AT NAKAKAHIYA KAYA LINTEK NAKAABALA PA AKO.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hilahin yung kamay kong pumupunas sa shirt niya. He grabbed my wrist at agad akong hinila.

"O-oy! Kuya san.." feeling ko unti unting nag evaporate na yung utak ko. Like watdapaj perstaym tong may naghila hila sakin na di ko kilala LIKE SAAN KAMI PUPUNTA??

"OMG!" tinry ko namang alisin yung hawak nya sa wrist ko kasi baka isa pala syang member ng kidnap for ransom gang o kaya rapist na natipuhan ako GSDFASGHSFJHFJ. "KUYA ANOBA! Bitawan mo nga ako!" naalis ko naman yung hawak niya sakin. Pero agad din nya uling kinuha yung wrist ko at hinila muli ako, this time mas mahigpit yung hawak niya kaya di ko na magawang tanggalin pa yung kamay niya kahit anong pilit ko.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon