Chapter 6: Biology Club

43 0 0
                                        

Aliyah Ikeuchi

"The speed of light in a medium is greatly affected by the medium's optical density. When light passes from a less dense to a denser medium, it slows down. The ray bends towards the cheverness churvalo chuchu kemerlu vavooshka..."

Hay. Wala man ako maintindihan sa report ng kaklase ko. Panu ba naman kasi kung makapagsalita sya eh parang pwet nya nalang siguro ang nakakarinig -.-

"Goodmorning."

Bigla naman akong may narinig na boses na syang nagpatigil saglit sa paghinga ko. Mula sa pagtingin sa kaklase kong nagrereport eh agad kong binaling ang mga mata ko sa may pintuan at agad din itong nagtwinkle twinkle pagkakita sa bebeloves Ice ko.

"Yes?" our teacher responded.

"Ma'am, may we disturb the class for a few announcements?"

"You may."

Naglakad naman sya sa unahan ng room.

OMG. Ito na ba ang pinakahihintay kong moment? Magpupropose na ba si Ice sakin? OMG OMG.

Agad ko namang inayos yung buhok ko, pursed and wet my lips at inalis yung mga muta sa mata ko. Bawal ang looking hagggard no. Baka umatras pa si Ice emeged.

Sinimulan nya namang magsalita habang ako ay nagflip ng buhok at naupo with complete poise, straight back at chest out, humalumbaba with maharot effect and put on my most seductive smile. Syempre. Dapat palageng ready pag andyan si Ice.

"This month is Biology month. And the Biology Club members have put up different activities for you to join. This coming week, we will conduct a survival game that will be held on one island in Palawan. We will also be conducting another game, "Tresure Hunt" on the same island. Those who are interested can sign up on the sheets we've pinned on the University's bulletin boards or can see us, the biology club members in the Biology Lab this afternoon."

Teka. Asan yung proposal nya dun? T.T

"Is that all?" tanong bigla nung teacher namin.

"Ah one more thing. We are recruiting for new club members."

Bigla namang nagsipitikan yung mga tenga ko. Eto na. Eto na ang pinakahihintay kong slot para sa club nila.

"Is there anyone here who's interested to join the Biology Club?"

Walang tumataas. Tumingin ako sa paligid. May mga kanya kanyang trip mga tao eh. May nagkakalikot ng cellphone, may nagyayawn, may nagkokopya nung report, may nakikipagtsismisan, may nangungulangot(eww), may mga tulog. Ay chaka talaga ang 12-C. HUHUHU. Oo. Section C ako. Di naman kasi ako kasingtalino ni Ice eh. Sana nga naging matalino nalang ako para palage akong section A at palage ko sanang kaklase si Ice T.T

"Ayone?" Ice's voice is somewhat pleading na. Haha. Bihira kasi talaga yung mga sumasali sa Biology Club. I mean, biology is just you know, boring para sa karamihan. At yung mga members ng biology club eh yung mga klase ng mga tao na introvert. Hindi mga friendly at yung mga tipong aral lang ng aral.Yun bang parang binagsakan ng hollowblocks ang mga mukha, yung mga mukhang parang pasan ang problema ng buong sangkatauhan. Ewan ba sa mga taong yan kung mga abnormal o sadyang ang hirap lang talaga maging member ng Biology Club. Tignan nyo si Ice, masungit, di ngumingiti, yan. He's the concrete example of a Biology Club member. 

"No one?" - Ice

"Ako!" I raised my hand with confidence.

"Others please?"- Ice

Takte ka Ice. Ayaw mo ba akong sumali sa club nyo? T^T

"Ako lang naman ang may gusto Ice. Kaya wag ka ng choosy okay?!" sabi ko.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon