CHAPTER 11: WRISTBAND

14 0 0
                                    

Aliyah Ikeuchi

Palinga-linga naman ako sa school grounds sa may tapat ng building namin pagkarating ko run, naghahanap ng isang Tristan Sevilla.

Kachat ko kasi siya sa facebook kagabi. Sabi niya magkita raw kami sa tapat ng building ng seniors pagdismissal, may ibibigay raw siya. Hm, ano kaya yun?

Napatingin naman ako sa screen ng cellphone ko para icheck ang oras. Pupunta pa kasi ako sa Biology Lab kasi ngayon na yung araw na magsisimula ng maging effective ang pagiging club member ko. Di ko namang maiwasan na ngumiti. Pag naalala ko talaga si Ice, napapangiti talaga ako.

Agad ko namang kinalkal yung shoulder bag ko, hinahanap yung ballpen na pinapersonalize ko kahapon. Nakabalik kami ng Manila yesterday morning. At imbis na magpahinga ay agad akong nagpunta ng mall para maipagawa to. Isa siyang ballpen na may naka-engrave na "Ice-beybeh! Wag na sad okay? Smile lang! Aishteru :3 –Aliyah your labs"

HAHA. Oh diba ang cute? Imposibleng di mapasmile si Ice ne'to XD

Ang totoo nagwuworry padin ako kay Ice. Sobrang nag-aalala pa ako dahil sa mga sinabi niya saken nung isang gabi sa Palawan. Pero at the same time, napapangiti ako pag naalala ko yun. Kasi di ko parin lubos maisip na isishare ni Ice yung story niya saken. Out of all the people, saakin niya yun piniling sabihin.

Does this mean na pinagkakatiwalaan niya ako? I get butterflies just by the thought of it.

"Uy si Tristan oh."

Napabaling naman ang tingin ko sa dalawang babae na nasa may harap ko. Nakatingin sila sa may likod ko. Kaya naman ay napatingin din ako sa aking likod at nakita si Tristan na palinga-linga habang palabas ng building. At nung makita niya ako ay agad na ngumiti yung mga mata niya.

"Ay sino tong nginitian niya? Girlfriend?"

Narinig ko namang sambit nung babae kanina. Napatingin nalang ako sa aking mga paa. Nahihiya ako pag nag-iisip ng ganyan ang mga tao. Friends lang naman kami ni Tristan ah? Kahit pa sabihin na nating,

Napalunok naman ako.

..may gusto sakin si Tristan.

"Hi Aya."

Napaangat naman ako ng ulo at nakitang nasa harap ko na ang smiling face ni Tristan.

"Hello," ngumiti din ako sakanya.

"So kamusta? Ilang araw din kitang di nakita."

"Ayos lang. Enjoy yung event sa Palawan. Hm, ikaw?"

"Ayun, practice lang whole weekend. Malapit na intramurals eh."

Tumango nalang ako. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nahiya kay Tristan. Dahil siguro sa maraming mga matang nakatingin samin.

"Ah pala," bigla naman siyang may kinuha mula sa bulsa niya. Tapos kinuha niya yung kamay ko at may isinuot sa wrist ko.

Isang color white na may pink glitters na wristband.

"Nakita ko lang na tinitignan mo dati sa mall nung nagpasama ako. Bumalik ako sa shop na yun the other day para may bilhin uli then nakita ko ang wristband na'to. Ikaw agad pumasok sa isip ko, kaya binili ko," he flashed a lopsided smile."Hope you like it."

Nakapatingin naman ako dun sa wristband na suot ko at muli akong napangiti. "Thank you Tristan." I looked at him and saw him pursing his lips and rubbing his nape."It's not really much. Are you sure you like it?"

I chortled. Si Tristan talaga oh."Oo naman. Kawaii nga."

"Kawaii?"

"Kawaii means cute in Japanese," I explained.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon