CHAPTER 14: YOYO

8 0 0
                                    

ALIYAH IKEUCHI

"Oh."

Napatingin naman ako nang may naglagay na soda sa ibabaw ng desk ko. I look up to see Krissy. Agad naman akong napangiti. Alam na alam niya talaga ang gagawin pagdating sakin.

"Thanks sushi ah."

"Asus," she made a satisfied smile atsaka siya naupo sa katabi kong seat. "Sabi na eh. Soda lang katapat ng drama mo. Anyare ba? Tungkol ba'to sa ending nung anime na super inabangan natin? Dahil kung oo, aynako girl. Pareho lang tayo nadisappoint."

I laughed a bit sa sinabi niyang yun. Well, it was more of a forced laugh. And I think napansin niya yun dahil bigla na lamang naging seryoso yung tono ng boses niya.

"Sushi, ano ba kasi talaga ang problema?"

I just looked down on the soda. "Nag-away kasi kami ni Ice."

"Eh? Ano? Kayo nag-away? Well kung ang kaso eh INAWAY KA NIYA eh baka maniwala pa ako pero yung KAYO? KAYO NAG-AWAY? AS IN IKAW? PINATULAN MO SIYA?"

Tae. Ganun na ba talaga ako kadesperada kay Ice to the point na di na kapani-paniwala na makakaya kong magalit at awayin siya? -____-

"Sushi naman eh," I pouted. "Totoo nga. Nagalit ako sakanya kasi yung wristband na regalo sakin ni Tristan eh tinapon niya."

"Nako. Sinasabi ko naman sayo na mamaw yun diba? Ibang klase din talaga ugali nun. Kaya mabuti na yan Aya na magising kana jan sa kahibangan mo. Layuan mo na ang mamaw na Alvarez na yun."

I just ended up not answering. Pinagpatuloy ko nalang ang pagtitig sa soda na nasa ibabaw ng desk ko. Alam ko naman na yan na yan ang sasabihin sakin ni Krissy. Di ko lang talaga alam sa sarili ko kung papaniwalaan ko siya, na susunod ako, na tuluyan ko na ngang layuan si Ice. Ewan. Makakaya ko ba?

"Okay class, pay attention please," sabi naman nung teacher namin pagkapasok niya sa room. "There will be a meeting in the Assembly Hall concerning the upcoming Intramurals event and all class officers are mandated to go. Ngayon na."

At dahil class officer ako ay tumayo na'ko nun, grab the soda from my desk at napaalam kay Krissy. Sumabay naman ako sa mga co-officers ko papuntang Assembly Hall at inubos yung soda bago makarating dun. Pagrating namin ay naghanap agad kami ng mauupuan.

"Ayun oh, sa may unahan may bakante pa," sabi ng kasama ko kaya naglakad kami papunta sa tinuturo niyang mga bakanteng seats.

Nagsi-upuan naman na sila at uupo na sana ako nang bigla kong makita na si Ice pala yung nakaupo dun sa tabi ng seat na uupuan ko.

His arms were folded against his chest and he was looking at me with a subtle stare. I can't help but remember the scene last night.

I looked away from his eyes when I felt my tummy hurt.

"Aya!" napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko and saw Tristan waving his hand at me. He was a few seats away from us.

Bigla akong tumingin kay Ice sa di malamang kadahilanan and I saw him looking at Tristan while his arms are still crossed against his chest. Then he flits his gaze back at me and after a second ay tumingin siya sa kabilang direksyon with a face you couldn't determine kung ano ang ibig sabihin.

"Ah guys, dun nalang ako uupo ah," pagpaalam ko sa mga kaklase ko at agad akong naglakad palayo kay Ice..at papunta kay Tristan.

I forced a smile at him at naupo sa tabi niya.

"Aya okay ka lang ba?"

"Ha? O-oo naman," malumanay kong sabi sabay lean na lamang sa aking upuan at tingin sa unahan.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon