Aliyah Ikeuchi
"KYAAAAAAA!"
My eyes jerked open nang may narinig akong tili. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga and looked around frantically.
"KYAAAA!" pero imbis may makita akong sunog o kung ano man na pwedeng maging dahilan ng tilian eh si Krissy na nakadungaw sa labas ng bintana ang nakita ko.
"SUSHIIIIIII! Tignan mo ooooh! Andaming cute sa beach! Mga nakatopless pa! Eeeek!"
Agad naman akong napakunot-noo. Pambihira. Ang aga-aga ang landi nito.
"Maharot! Malandi! Pokpok!" sabi ko sakanya tapos nagtalukbong uli ako ng kumot.
"Kung makapagsalita naman to eh parang di mo nilalaspag si Ice sa panaginip," narinig kong sambit niya sabay alis ng kumot na nakacover sakin.
"Hoy! Laspag agad? Di ba pwedeng rape muna?" I covered my face with a pillow.
"Hindi. Kilala kita," inalis niya naman yung unan sa mukha ko."Bumuhat kana nga, 9 am na uy. Sayang ng araw natin. Ienjoy na natin ang beach!"
"Eeeh. Antok pa ako Sushi," I whined.
"Gaga!" she pulled me up."Bumuhat kana at maghilamos! May tuyong laway ka pa sa gilid ng bibig mo. Pambihira. Kay gandang babae, kadiri."
I snickered while shaking my head. Bumuhat na ako kasi baka batukan niya pa yung ulo ko. I took a quick shower at nagbihis. I wore a floral crop top at tattered shorts. Si Krissy naman ay nakadenim shorts at see thru na off shoulder kung san makikita mo yung black nan bra niya mula sa loob. Wala. Ready na talaga syang mamingwit ng lalake. Pfft.
Bumaba naman na kami, nagpunta ng dining hall at doon ay nagbreakfast.
Palinga-linga naman ako nang makaupo na kami ni Krissy. "Krissy nakita mo ba si Ice?"
"Oo."
"Asan? Asan?"
"Nagswimming siya kanina. Tapos biglang kinain ng pating," bored nyang saad sabay kagat sa sandwich niya.
"Grabe ka naman!" kinurot ko nga sya. She just frowned at me.
"Wag mo ngang ginaganyan si Ice. Kawawa naman yung tao," I pouted habang inaayos na yung upo and stirred my cup of coffee.
Iniripan niya nalang ako at kinuntinue ang pagkain. Hay nako. Ilang beses na ba niyang pinatay si Ice sakanyang imagination? -___-
I sipped my coffee and dazedly looked beyond the glass separating the dining hall from the veranda of the hotel. Kitang kita ang ganda ng beach. This view can really give anyone that sense of calmness and serenity they needed. Everything here seems to be so beautiful. I wish we could all just stay longer and enjoy this place to the fullest. But eventually babalik na din kami sa Manila bukas. Nakakabitin. Lalo na't kasama ko sana dito si Ice. Pwede ulit sana kaming magkamoment tulad nung nangyare kagabi.
I smiled when everything came to a flashback. Such a fairytale.
xx
"Woah. Di ko expect na maraming tao," saad ni Krissy pagkarating namin sa isang bar sa gilid ng beach pagsapit ng 7:30 pm. May inihanda kasi na party ang club members. Parang closing na din ng event dito at celebration ng Biology Month.
Agad na naglibot ang mga paningin ko nang makapasok kami. Di naman ganon kadilim, marami rin kasing ilaw ilaw at yung mga lights di nakakalula tulad sa talagang mga bar. Mga taga-school lang naman ang naroon. Yung mga estudyanteng sumali sa mga events.
Syempre nag-ala giraffe na naman yung leeg ko kakahanap kay Ice. Aish. Asan ba yung lalaking yun? Whole day ko na ngang di nahagilap eh pati dito missing in action parin.

BINABASA MO ANG
The Chase
RomansaPain. Dejection. Melancholy. As buoyant as she is, Aliyah Ikeuchi could not put herself to understand why she experiences such bizarre series of mishaps. All she did was love Ice Alvarez- a guy who doesn't even give a shoot towards her. But nothing...