CHAPTER 12: MR. NO GOOD

10 0 0
                                    

KRISELDA BARCELLANO

"Huy sushi," I poked her. Pero parang wala lang siyang naramdamang daliri na dumiin sa braso niya di niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagtitig sa kawalan habang nakahalumbaba sa desk.

"Huy Aliyah," I poked her one more time. "Anong problema mo?" imbis sagutin ako ay nagbuntong hininga lang siya. ano bang problema ng Japanese sushi na'to? Pagkarating niya sa school ganyan na siya. wala sa sarili at di kumikibo.

"Sushi anong nangyari? May problem ba? Sabihin mo sakin," ngunit isang buntong hininga lang uli ang sumagot sakin.

"Yoooooow," inalog-alog ko naman yung balikat niya baka sakaling bumalik na sya sakanyang katinuan. But she just again let out a sigh.

"Alam mo, ang baho na ng paligid kakabuntong hininga mo," triny kong magjoke pero di niya ako kinibo. Aray ko bh3. Naisnob beauty ko.

Si Aya, malalaman mo kapag may problema yan. Di ka niyan papansinin at puro lang hininga niya ang isasagot sa'yo.

Nababother ako kung ano ang problema ng gaga na'to. Pero kahit anong pilit ko jan, di yan magsasalita. Kaya tumayo nalang ako nun sa aking kinauupuan at lumabas ng room para bumil ng soda.

Ang pag-inom kasi ng soda ang nakakapagpagaan ng loob ng babaeng yan. Pag badtrip yan o malungkot, lalaklak yan ng soda. Tas maya-maya okay na yan. Kaya papainumin ko siya ng soda para maging ayos na siya.

Dumaan naman ako sa likod ng building naming para mavisit ko saglit yung mga bunnies na nakakulong sa mini garden dun. Ang cute cute kasi ng mga bunnies na yun kaya gustong-gusto ko lage na masight. Atsaka, ang sayang bulabugin ang tahimik nilang mga buhay. Bwahahaha.

Nagpalinga-linga ako pagkarating ko run, sinigurado ko munang walang tao sa paligid bago ko gawin yung maitim kong balak. Huahua. Kinuha ko yung stick na nakita ko sa may tabe at nilapitan yung kulungan ng mga bunnies.

Tumambad naman sakin yung sign na "STUDENTS ARE NOT ALLOWED IN THIS AREA."

I just smirked like I always do everytime na pumupunta ako dito at isinasagawa ko ang pagtorture sa mga bunnies.

Nang nakalapit na'ko eh syempre grineet ko muna ng goodmorning yung mga qtp2t bago ako nag-ala drummer kakapukpok sa rehas ng kulungan nila.

Takbo naman sila here, takbo sila there, lahat ng kanto nung kulungan eh narating nila. Hahaha! Ang kyoooooot.

"Kawawa naman yung mga bunnies," napatigil naman ako sa aking ginagawa nang may marinig na boses mula sa aking likod. Boses na may accent. Agad akong kinabahan by the thought na may nakakita sakin knowing na bawal ang estudyante na lumapit sa area na'to.

I hastily turned around to see whoever caught me at saglit akong napatulala.

Isang napakaputing lalake na parang pinaglihi kay Edward Cullen, with dirty blonde a lil longer, na mej wavy na buhok and evident hazel eyes at familiar smile ang bumulagta sa harap ko.

"Wait," he squinted eyes like somewhat scrutinizing me. "I think I know you.."

At parang may something naman sa memorya ko ang nagsnap pagkasabi niya nun.

Kilala ko din siya. Nakita ko na siya.

He who has a pair of such mesmerizing hazel eyes is impossible to be forgotten.

"Tama," he snapped his fingers. "You're the girl at the mall. The one who clumsily spilled her sauce on my shirt."

I swallowed. He recognized me. At oo nga naman. Sino ba ang makakalimot sa katangahan kong yun?

"So you go to this school huh," he was nodding while looking at me and oh by the way, while smiling mischievously.

"Uhh.." I was thinking of words to say para mai-excuse yung sarili ko dahil ang awkward na ng horizon.

"Aren't students not allowed in this area?" bigla niyang tanong.

"Huh?" was all I managed to reply. Then he pointed his finger at something from my back. "The sign says so."

Lumingon naman ako sa sinasabi niya kahit alam ko na kung anong sign yung tinutukoy niya.

"So why are you perturbing the poor bunnies? Bawal yan diba?"

I was again stunned nung nagtagalog siya. Nakaka-igno lang kasi ng accent niya. Eneve.

"Hah? Ano kase.. uhm," I looked around na para bang naghahanap ng kasagutan sa paligid.

"I wonder what action the committee will make if ever they'll know what a student did to the poor bunnies," there was again an impish smile plastered on his face.

Leshe. Eto na nga ba ang ikinawuworry ko. Siguradong papagalitan ako ng committee pag nalaman nila to at pwede akong ipacommunity service bilang punishment.

"Eh teka nga, ano bang pakialam mo? Eh mukhang di ka naman estudyante dito," I assumed. Di naman kasi siya nakaschool uniform eh. "And if this will be your way of getting back at me dahil sa nangyari sa mall, mind you pero binayaran ko na yung utang ko na yun sayo by buying you a new shirt. So don't act like some prefect trying to hunt undisciplined students down."

He snickered after my statement.

"Ano bang nakakatawa?!" I raised a brow at him.

"Nothing," he controlled his laugh. "I'm just a bit amused by the students here. I wonder if Lolo knows what kind of interesting students he has."

"Ano? Lolo?" di ko naman magets ang ibig niyang sabihin.

"Yeah. I'm sure you know who he is assuming that he owns the school."

Bigla namang lumaki yung mga mata ko nang madigest ko yung ibig niyang iparating.

"L-lolo mo si Mr.Harry Scheneider?"

He flashed a conceited smile. "Harry Scheneider's only grandson to be exact."

Siya si... "Nathan Scheneider?!"

"Good. You finally figured it out."

"Eh teka, diba nasa Australia si Nathan Scheneider?"

Kung nagtataka kayo kung bakit alam ko yun eh syempre sikat kasi ang family nila. The Scheneiders ay isa sa mga known at powerful families sa city namin. They own a lot of business firms and established one of the most prominent Universities, the Scheneider's University.

At ang alam ko eh Australia-based sila at nandito lang si Mr. Harry Scheneider para lang sa mga businesses niya.

"Kararating ko palang last month."

Agad akong nakaramdam ng awkwardness at kaba. Leshe naman kasi eh. Yung apo pala ng may-ari ng school yung natapunan ko dati. Tapos siya pa nakahuli sakin. I just put myself in trouble. Think Krissy. Think.

Agad nalang ako nun na naglakad paalis kasi di ko na talaga alam ang gagawin ko. I don't wanna engage into another conversation with him dahil who knows kung san pa mapunta usapan namin at mabuti na na umalis na ako habang maaga pa para di niya na ako maituro sa committee. Tutal hindi niya naman alam pangalan ko kaya tatakas na'ko.

"Hey, where are you going?"

He called out pero diridiretso lang akong naglakad palayo at di sya nilingon. Di niya naman siguro ako hahabulin o hahanapin dba? I mean wala naman syang mapapala kung isusumbong niya ako.

Agad akong napabuntong hininga nang makalayo na ako. Tumingin ako sa likod at nang makitang di naman niya ako sinundan ay napa "Thank God' ako.

Pero kung iisipin nga naman, sino ba ako para sundan niya? Aynaker. Pati ba naman sa mga bagay na ganto ay papaasahin mo sarili mo Kriselda? Ang drama mo na t3h ah. Lahat nalang may hugot ka.

Nagpunta nalang akong cafeteria at bumili ng soda hoping na di ko na mai-encounter pa ang lalaking yun.

xxxx

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon