"Ice!"
May isang boses kaming narinig na nagpabitaw sa akap sakin ni Ice. Napaangat naman ako ng tingin sa mukha ni Ice, mayroon siyang tinitignan. Tinignan ko rin kung san nakapako yung mga mata niya at nakita si Shannon na nakatingin samin.
Nakita ko kung pano nagbuntong hininga si Shannon before she forced a smile at us. Tapos naglakad siya palapit samin.
"N-nakakadistorbo ba ako?"
Oo.
"Hindi." Sagot ni Ice. I just looked at him. Nakapamulsa na siya at nakatingin sa malayo. "Hindi naman na ata kikidlat. Pero mukhang uulan. Ang mabuti pa umuwi na kayo," kinuha niya naman yung letter na nasa akin. "Ako nalang magbibigay neto. Go home."
"Pero I-"
"Go home." He looked at me straight. Saka siya tumingin kay Shannon. "Umuwi na kayong dalawa. Dalhin mo nalang yung nakuhang information bukas sa lab."
Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at agad na naglakad paalis. Di man lang hinintay ang isasagot ni Shannon. I looked at Shannon subtly at sakto ding napatinin siya sakin. Bago ko mabawi yung tingin ko sakanya eh bigla niya naman akong nginitian. "Tara?"
I just nodded. Kahit awkward siyang kasama eh sinabayan ko nalang siya sa paglalakad. As if may choice ako diba.
"Pano kayo nagkakilala ni Ice?"
Bigla niya namang natanong habang naglalakad kami. "Magkapitbahay kami," sagot ko.
"Hm," she nodded.
"Kayo?" tanong ko din sakanya.
"Magkaklase kami since freshmen year. Sabay din kame nung naging members ng Biology Club," diretso niyang sagot habang diretso rin na nakatingin sa daan.
Di na ako sumagot nun. Wala akong maisip na isasagot. Sa totoo nga lang ayoko siyang kausap.
"Alam mo.." pagsalita niya uli. "Mabuting kaibigan si Ice." Agad akong napatingin sakanya sa sinabi niyang yun. Nakatingin parin siya sa daan, sa mukha niya may nakaguhit na isang ngiti. Isang ngiti na agad na nagpakaba sakin.
Si Ice, mabuting kaibigan. Kung ganon, mabait sakanya si Ice. Kaibigan ang turing sakanya ni Ice.
My tummy suddenly hurt.
"A-ah oo naman. Si Ice pa. ang bait kaya niyan," sinakayan ko nalang siya. nag-giggle pa ako para lang matago yung sakit at selos na nararamdaman ko.
"Sa una talaga ang hirap niya i-approach at kausapin no. Pero kapag naman nagustuhan ka niya, siya na mismo ang kakausap at lalapit sayo. Mabuti nalang talaga at pareho kami ng mga interests. Dahil dun naging madali ang pagiging magkaibigan namin." Nakangiti parin siya habang nagkukwento, para bang kinikilig. Naiinis ako. "Actually naiinggit sakin yung mga kaklase namin kasi ako lang daw ang babaeng nilalapitan ni Ice."
Damn pain. Leave me alone.
Bigla naman siyang lumingon sakin. "Pero mukhang di ako ang nag-iisang babaeng kaibigan ni Ice," ngumiti siya sakin.
Gusto ko na siyang sabunutan. Bakit ba kasi ang anghel ng mukha niya. Bakit. Nanggigil ako.
"Ha? Ah. O-oo naman. Matagal na kaming magkaibigan ni Ice," mabilis kong sagot. "Simula palang 10 years old kami. Actually nga sa tagal na naming pagkakakilanlan sa isa't isa masyado na naming nagustuhan ang isa't isa. At kahit naman di kame pareho ng mga interestests ay nagkakasundo parin kame sa mga bagay bagay. Siguro ganun talaga pag mahalaga kayo sa isa't isa. Sabay kayong mag-aadjust. Hay. Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig diba?" I flashed a sarcastic smile at her.
BINABASA MO ANG
The Chase
RomancePain. Dejection. Melancholy. As buoyant as she is, Aliyah Ikeuchi could not put herself to understand why she experiences such bizarre series of mishaps. All she did was love Ice Alvarez- a guy who doesn't even give a shoot towards her. But nothing...