Aliyah Ikeuchi
I opened my eyes as the sunlight poured through my window and touched my face. I rubbed the sleep out of me as I got up. Atsaka ko narealize na nasa kwarto ko na ako.
Eh? What happened? Akala ko ba nasa bahay ako nila Tristan?
"Ohayou dear,"pumasok naman si Okaasan sa kwarto ko. May mga dala siyang mga nakatupi kong damit.
"Ohayou," I greeted back. "Uhm Okaasan? Pano po ako nakauwi kagabi?"
"Hinatid ka ng mga friends mo dito. Nakatulog ka daw sa party kagabi," sagot nya habang nilalagay yung mga damit ko saaking closet. "Ikaw ah. Marunong kana pala magparty. Wag mo yang sasabihin sa Otosan mo, magagalit yun."
"Ah,sige po."
Friends? Pagtataka ko.
Eh si Tristan lang naman yung kasama ko kagabi ah? Hinanap ko naman yung phone ko. "Okaasan have you seen my phone po?"
She sighed atsaka ako hinarap. "Sabihin mo nga Aliyah. Lasing ka ba kagabi? At inuwi ka dito na wala kang malay, tapos ngayon di mo pa maalala na nasira yung phone mo. Sabi ng mga friends mo kagabi, nahulog sa pool. Ayun binalik nila sakin na di na mabuksan. Alam mo anak, di naman masama uminom eh. Nasa edad ka naman na. Ang sakin lang, know your limit. Wag kang maglalasing kasi ayan, di mo na alam kung anong nangyayare sa buhay mo. Buti nga at hinatid ka ng mga friends mo dito kagabi. Kundi nako. Sabi ko ah, wag mo tong ipapaalam sa Otosan mo."
"Ha?" di ko naman magets ang mga pinagsasabi ni Okaasan. Teka, wala man akong maalala na uminom ako kagabi ah. Oh nalasing nga ba ako kaya wala akong maalala? Waaaah.
"Okaasaaaaan. Pano yan? Wala na akong phone?"
"Pag-usapan natin yan mamaya pag-uwi mo. For now bumuhat kana at magpiprepare, may pasok ka pa," she pulled me out of my bed.
Ano nga ba ang nangyari kagabi? Gah. Wala akong maalala. Buti pa puntahan si Tristan mamaya at matanong.
Xx
"Ohayou Sushiiii!" I greeted Krissy nang magkasabay kami papasok ng gate.
"Morning Sushiiii!" she threw her arms around me and cuddled me. "Ang bango mo na naman ngayon ah. Nakakainlove."
"Baliw," I laughed. "Inlove kana naman sakin. Ligawan mo na nga kasi ako."
"Darating tayo jan. Sa tamang panahon." Sabay naman kaming natawa.
Dumaan kami sa hallway at napapansin kong lahat ata ng makasalubong naming eh nakatingin sakin at nagbubulungan.
Eh? Ano bang problema ng mga tao? Nasobrahan ba yung facepowder na nalagay ko sa aking mukha?
Nang makarating kami sa may mga bulletin boards, nakita naming maraming nagkukumpulan na mga tao na parang merong nakapost na pinagkakaguluhan nila. Tapos parang lahat naman ay napatingin sakin. I saw how their foreheads creased and how they looked at me with disgust. Kinabahan naman ako. Ano bang nangyayare?
Nagsitabihan naman sila, atsaka ko nakita yung mga pictures na nakadikit sa board.
Cold chills ran down my spine as the sight of ridiculous pictures appeared before me.
Mga pictures ng isang lalake na pixelated ang mukha at isang babae na nakahiga sa kama. Yung babae...
Nanlaki ang mga mata ko. Paanong.. paano to nangyare?! At san galing ang mga pictures na'to?!
"Grabe. Di ko akalaing makakaya nya yung gawin."
"Akala mo pa naman kung sinong matinong babae. Tapos nasa ilalim pala ang kulo."
BINABASA MO ANG
The Chase
RomancePain. Dejection. Melancholy. As buoyant as she is, Aliyah Ikeuchi could not put herself to understand why she experiences such bizarre series of mishaps. All she did was love Ice Alvarez- a guy who doesn't even give a shoot towards her. But nothing...