CHAPTER 14: The Prank

13 0 0
                                    

ALIYAH IKEUCHI

Aya, pinatawag kami saglit ni coach. Pwede bang hintayin mo nalang ako sa tapat ng building? Saglit lang to promise.

Binasa ko naman yung message ni Tristan na nagflash sa screen ng phone ko. Nagtype naman ako ng isang okay plus smiley at sinend ko sakanya bago ko bulsahin yung cellphone ko.

Oo. Nakuha na ni Tristan yung number ko. Hiningi niya kanina sa Assembly Hall eh. Eh syempre binigay ko naman. Number lang naman yan saka magkaibigan naman na kami ni Tristan. There's no reason to withhold him my number 'aight?

Sinimulan ko naman na maglakad papunta sa tapat ng Seniors' Building habang feel na feel ang hangin na umiihip sa mukha ko. Ang presko ng atmosphere ah. Ang aliwalas pa ng paligid. Hay. Napatingin naman ako sa wristband na suot ko.

Ang sarap mabuhay.

Ngiting ngiti na binalik ko ang tingin sa daan. Leshe. Kinikilig padin ang lola niyo. Di ako makamove on sa ginawa ni Ice. Gusto kong maglulundag at magtitili sa saya. Gusto ko ng makauwi para makapagwalling na ako sa kwarto ko at malabas na lahat ng side-effects ng kilig gafdagfhjsgksj.

Natigilan naman ako nang may bigla ako naalala. Agad akong nagkalkal sa loob ng bag ko at kinuha mula sa loob yung personalized pen na pinagawa ko. Anak ni barney and friends naman oh. Nakalimutan ko pang ibigay to kay Ice.

Napatingin naman ako sa wristwatch ko. Baka matagalan pa dun si Tristan. Di naman ata agad matatapos meeting nila dba? Hm.

Agad na sumabit yung mga labi ko sa aking tenga at patalon talon kong tinahak ang daan papuntang Biology Lab. Alam kong pinagsabihan na ako ni Ice na wag ng magpuntang Lab. Di naman to pagsuway. Ibibigay ko lang yung pen sakanya tas aalis din ako. Saka namiss ko sya agad eh. Ahihihi.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng Lab pero di ko naituloy nang may marinig akong nagsalita mula sa loob.

"You should've gone home."

Boses yun ni Ice ah.

"But I want to help."

Sinundan naman ito ng boses ng isang babae.

"Kaya ko nga pinauwi na yung mga members kasi kayang kaya ko na'to. I don't need any help."

"But I insist," yung boses ng babae ang lambing nung tono. Halatang sinasadya. Halatang nagpapacute. "You don't need to do all the work by yourself. Kaya nga andito ako dba? Para tulungan at alalayan ka."

"Fine. Get your bag and let's go."

Parang may kung ano naman sa loob ko ang biglang kumurot.

Bakit ganon. Bakit pagdating sakanya, ang bilis lang pumayag ni Ice.

Bigla namang nagbukas yung pinto na siyang ikinabigla ko.

"Ikeuchi?" nabigla rin yung mukha ni Ice.

I looked past him and met the gaze of Shannon Valdez. Sabi na nga ba.

"Ah," I just forced a smile at him. "San kayo pupunta Ice?"

"Didn't I tell you to go home already?" sagot sakin ni Ice sabay lakad at lagpas sakin. Sumunod naman yung Shannon at nginitian niya ako nang magtama uli yung mga mata namin. Di ko naman siya pinansin. Eh sa ayokong pansinin bakit ba.

Mukhang walang balak si Ice na sagutin ako dahil diridiretso lang syang naglakad habang sumusunod sakanya yung Shannon.

"SASAMA AKO!"

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon