Chapter 1: Stupid

79 2 0
                                    

Mikee's note: Okay! New story! :3

I'oon-hold ko po muna yung "There's A Vampire In The Campus" to make way for this. Nahirapan po kasi akong alalahanin yung sinulat ko dun sa USB kong nawawala eh. Pero don't worry, pagnagkamood ako magsusulat na uli ako dun:3

In the meanwhile, sana suportahan nyo po 'tong new story ko. Dahil sa totoo lang pinaghirapan ko po to ng bongga. Dugo't pawis ang puhunan ko dito! HAHAHA. Jk XD

Pero seriously, pinaghirapan ko po talaga to. Mas sineryoso ko pa to kesa sa sarili kong pag-aaral. HAHAHA. Basta sobrang mahal ko po tong story na'to, kaya sana mahalin nyo rin :)

And unlike po sa There's A Vampire In The Campus, mabilis po ang update ko dito! Yaay! :D

Sana po talaga magustuhan no guys. Here we go :)

_ _ _  _

I was watching him.

The whole time.

He's been reading from a pad of paper for awhile now. and I just stood there, looking at him through a pair of binoculars I bought months ago for this specific purpose.

He reached for a canned drink that was resting on the table where he was leaning, and I watched him put the drink on his lips and gulp it- mentally asking myself how to be a drink so I can find my way to his lips, too.

Pagkatapos niyang uminom eh binalik niya sa ibabaw ng mesa yung drink na di man lang inaalis ang tingin sa pad na hawak niya. Sana naging papel na din tuloy ako, para matitigan niya ako ng ganyan.


"Huy Aya," nakaramdam ako ng mga sundot sundot sa aking braso. Pero isina-walang bahala ko na lang ito at pinagpatuloy ang pagsilip sa binoculars na dala ko.

"Ayaaa.." nasundan pa ang mga kalabit. I just shook my shoulders off at di parin inalis ang mga tingin kay Ice. 

"Huy," at di pa ito dito natapos.

"Aya!" at ang mga kalabit ay bigla na lamang napalitan ng isang kurot.

"Aray!" hinarap ko yung bespren ko na kanina pa nandidistorbo saken. "Krissy, anu bang problema?"

"Problema? At ako pa talaga ang tinanong mo nyan ha?" nakapameywang nyang sagot saken.

"Tss," iniripan ko nalang sya at kinuntinue ang pagsilip sa binoculars na dala ko. Naglakad na si Ice papunta sa mga may drawers, pulled one drawer at nilagay dito yung hawak niyang papel.

"Tsk. Nangangalay na yung paa ko," pagreklamo nya.

I just smiled to myself. Kanina pa kasi yan reklamo ng reklamo. Eh pano, kinaladkad ko sya at sinama sa pagistalk sa pinakamamahal ko. Ha.

Asa loob ng Biology Lab ang aking iniirog na si Ice Alvarez. president kase yan ng Biology Club dito sa school.

Habang kame naman ni Krissy ay nasa likod ng dalawang malaking trashcan na nasa gilid ng kabilang building. Eh sa iniistalk nga diba? Kaya eto, pinagnanasahan ko sya sa pamamagitan ng pagsilip sa aking binoculars at pagtanaw sakanya mula sa bintana ng lab.

Creepy? No. Inlove, yes.

"Aya balik na nga tayo sa room. Ang lamok lamok dito oh. Kanina pa ako kinakagat. buti sana kung taba ang sinisipsip nila eh mga pisti."

"Saglit lang," sagot ko while nakasilip padin sa binoculars, fighting the urge to make sapak sapak Krissy because of her big bunganga."Ang hot hot pa kase tignan ni Ice oh. Ang talerp."

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon