Meow 1

1.5K 32 7
                                    

PALIPAT-LIPAT ang tingin ni Orange sa registration from niya at sa mga classroom sa paligid. Hindi niya alam kung alin ba ang mali sa paningin niya; ang nakasulat sa registration form at hindi niya maintindihan o ang building na kinaroroonan niya?

"Pero isa lang ang mali dito, Orange," kamot pa niya sa ulo. "ikaw. Dahil may mapa man o wala, naliligaw ka." Napapalatak pa siya.

Nawawalan na siya ng pag-asa. Kanina pa siya paikot-ikot sa university at hanggang ngayon, wala pa rin siya sa classroom niya. Hindi siya makapagtanong sa mga tao dahil papalapit pa lang siya, nakakatanggap na siya ng kakaibang tingin at ang iba ay napapahagikgik pa at kapag nagtama na ang tingin nila, mag-iiwas na ito ng tingin sa kanya, at naiiwan siyang wala nang mapagtanungan.

Hindi naman niya masisisi ang mga ito, she looks weird. Para sa isang third year college, napaka-unusual ng get-up niya. Nakalugay lang ang hanggang balikat na buhok niya at tanging headband lang ang nagpapanatili niyon palayo sa kanyang mukha. Isang cat ears na headband iyon. Nakausot naman siya ng blouse na may pusa ding disenyo at naka palada siyang kulay pula na umabot sa ibabaw ng tuhod niya. At hindi rin mawawala ang stockings niya at itim na flat shoes na parehas na pusa din ang disenyo. Isama pang ang backpack niya ay pusa ang hitsura. Pati ang make-up niya ay tila pusa ang hitsura ng mga mata niya.

Kaya naman para siyang naglalakad na pusa. Buntot na lang ang kulang at ang mga paws ng pusa, totoong pusa na naglalakad na talaga siya.

"Nyaw," hindi na niya napigilan pang saad nang makakuha na naman ng ganoong tingin nang may makasalubong siyang tao. At tulad ng dati niyang nakukuhang mga reaksiyon sa mga ito, muli na naman niyang narinig iyon.

"Weird," saad ng babaeng nakasalubong niya.

Napanguso na lang siya doon, "One point," saad niya at nagpatuloy na lang sa paghahanap ng classroom niya. Hindi na sa kanya bago iyon. Kaya imbis na magalit o mainis sa mga ginagawa sa kanya ng mga tao, minabuti na lang niyang pagkatuwaan iyon.

Simula nang mapagtanto niyang hindi niya kayang baguhin at hindi niya babaguhin ang sarili para masiyhan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kung hindi siya kayang tanggapin ng mga ito, hindi iyon worth it ng atensiyon niya. Iyon ang natutuhan niya sa mga magulang niya at masaya naman siyang nabubuhay.

Ngunit sa mga minutong iyon, hindi siya masaya. First day ng klase at malalate na naman siya tulad nang nangyari doon sa pinanggalingan niyang eskwelahan.

Lumipat kasi siya ng paaralan mula sa St. Martin University papunta sa Springcrest University. Matagal naman na talaga niyang gustong mag-aral doon. Iyon nga lang, lagi siyang tinatamaan ng sakit sa tuwing entrance exam at inabot na nga siya ng third year college bago tuluyang nakalipat doon. Talking about bad luck, sinalo na yata niya iyon. At ngayong sinuwerte ngang makapasok, minamalas naman siya sa paghahanap ng classroom niya.

Since transferee siya at weird pa, wala siyang nabuong friends at mukhang mahihirpan siya dahil grupo-grupo na ang mga tao doon. At siya, mahihirapan siyang hanapin ang mga kaparehas niya kung ganito ka-bully ang mga nakakasalamuha niya.

At intindihin mo 'yan ngayon, Orange, dahil?

Muli na lang siyang napakamot sa ulo nang maisip na tama ang tinig na iyon sa isip. Hindi na dapat niya inaalala kung may peers ba siyang masasamahan sa eskwelahan na iyon dahil magkakaroon din siya niyon kung gugustuhin niya, dahil ngayon, ang dapat na inaalala niya ay kung nasaan na ang-

"Pusheen!" Hindi niya napigilang mahinay na tili nang makita niya ang keychain na Pusheen, isang sikat na emoticon sa internet at lagi niyang ginagamit sa Facebook at IG, na nakasabit sa isang bag na naglalakad sa harap niya.

Iba talaga ang hatak ng pusa sa kanya. Napaka-cute at fluffy kasi ng hayop na iyon. Kahit ano pang kulay ng pusa, basta pusa, nagagandahan siya. Kung madungis naman iyon at inabanduna, para siyang inahing pusa na hindi maiwasang maiyak sa mga iyon. At ngayong may Pusheen sa harapan niya, hindi niya mapigilan ang sariling hindi alisin ang mga mata rito.

Wala na siyang napapansin kundi ang pink na Pusheen sa harap niya. Hindi na niya alintana ang kakaiba na namang tingin ng mga tao sa kanya at hindi na rin niya napansin kung saan siya papunta. Basta ang mahalaga sa kanya, may pink na Pusheen sa harapan niya.

Natigil lang siya sa munting paraiso niya nang lumiko papasok sa isang classroom ang may-ari nang bag. Noon lang din niya napagtanto na may klase siya at hinahanap niya ang classroom. At kulang limang minuto na lang at time na. Mukhang hindi siya makakapasok sa first subject niya sa unang araw ng klase niya. Kaya bagsak ang balikat na tumalikod na siya at sinulyapan pa ang loob ng classroom, umaasang makita man lang kahit anino ng pink na Pusheen. Ngunit kahit iyon ay nabigo siya.

Papatingin na uli si Orange sa registration card niya para tingnan ang sunod na klase niya nang makasalubong naman niya ang isang matandang lalaki.

"Pumasok ka na kung papasok ka. Kung aabsent ka, umabsent ka na." May sarkasamong saad ng matanda.

And she knew, isa itong propesor sa paaralan. Alanganin na lang siyang napangiti rito. "Eh, sir, medyo naliligaw po ako. Hindi ko po alam kung saan 'yong room na 'to?" Itinuro pa niya ang room number sa registration card niya para sa una niyang subject.

Tinaasan naman siya ng kilay ng matanda at tila tinatamad na itinuro ang classroom na nasa tabi nila. Isang malapad na alanganin at nahihiyang ngiti ang ibinigay niya rito nang mapagtanto na iyon nga iyon.

"Kayo po ba si Sir Anilao?"

"Yes. At you'd be marked late kung hindi ka pa papasok." Masungit na saad nito.

At muli, napangiti na lang si Orange na pumasok sa classroom. Mukhang magiging miserable ang buhay niya sa unang subject niya dahil markado na siya. Pero ayos lang kung alam niyang aali-aligid sa klase nila ang pink na Pusheen. Hahantingin talaga niya ang may-ari niyon.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon