Chapter 2-

3.3K 116 4
                                    

"Hmm, MWF kaming pumupunta sa hideout kung saan ginaganap ang gang fight. Palagi kaming present kasi gusto naming makuha ang posisyon ng rank 3. Pero ang hirap nila talunin kasi mga lalaki sila. Ang rank 1 is Radiance, sila Jeric. Dito siya nags-school pero tamad siya kaya minsan na lang siya pumapasok, kasama sila ni Rix." tama nga ako, isang gangster si Rix.

"Then?" tanong ko, naaaliw ako sa mga ganitong usapan eh

"Rank 2 naman is Dire, I think di mo sila kilala. Basta mga boys yan sila. Tapos rank 3 is boys pa din. So sa mga babae na gang, kami ang first. Rank 8 and 9 na yung ibang girl na gang. Mga weak kasi sila eh." wow hangin ah. hahaha

"Story ka pa. About rank 1, then story mo lahat." utos ko, ano ba? Nakakaaliw nga haha

"Rank 1? Kinakatakutan yan sila. Pumapatay sila pag boring ang life nila. Muntikan na nga akong patayin ni Rix eh. Buti na lang dumating yung mga kasama ko sa gang, sila ang nakipagbugbugan kina Rix. Kasi nga, ayokong lumaban. I'm hiding my identity.

6 members ang rank 1, leader is Jeric, tapos sunod si Rix, then Gian, Jeighc (jake), Jinno and Philip. Si Jeric, pumapatay lang yan either sa gang fight or kung galit siya sayo. Si Rix is showy sa skills niya, nagpapapansin eh kaya palaging nakikipag basag-ulo, ganun din si Gian, Jinno and Philip. Crush ko si Jeighc, mygash.

Gwapo naman silang lahat eh, pero crush ko talaga si Jeighc kasi mabait siya, hindi pa siya nakapatay ng tao, pero madami na siyang binalian ng buto. That's why I like him, minsan nga akong ilibre ni Jeighc eh."

Nagstory pa siya about sa gang fights na sinasalihan nila. Enjoy din pala dun eh. Pwede kang pumatay kung sinong gusto mong patayin. Na excite nga kasi ako dun sa sinabi ni Alexa na "Once your inside the hideout, there's no turning back. Walang sisihan kung papatayin ka or bubugbugin ka."

So pwede ngang pumatay kahit sino. Hmmm enjoy ahh!

"Kilala mo ba si Zero? Zero the killer? Idol ko talaga siya grabe! At babae pa talaga! Astig!" Weh di nga? Haha

"Oo kilala ko siya." sagot ko, kilang kilala ko! Kilalang kilala ko ang sarili ko hahaha.

"Ahh! Ganun ba..." napatigil siya ng tumunog ang phone ko. And hindi naka-save ang number so, parang may trabaho ako ngayon.

"Sagutin ko muna ha." paalam ko at tumalon na pababa. "..." hindi ako nagsalita, actually sila ang una kong pinapasalita. Ayokong magsalita sa una

"Please kill this man named Gregory, he broke my heart. Huhuhu, I'll offer you 200,000 pesos. Please." umiiyak niyang sabi. Wew, nabroken-hearted lang, ipapapatay na?

"Okay, send me his number." utos ko at binabaan ko na ng tawag.

Ang sim na 'to ay private. Hindi pwedeng ma track. Walang makaka-track sakin. Pero nakalimutan kong i silent ang phone ko kanina.

Maya-maya pa ay nagvibrate na ang phone ko.

From: 09123456789

This is his number 09987654321.

I saved his number and I tracked him.

Track track track track, ayaan. Nasa airport ka pala ha. Umuwi muna ako sa bahay para magbihis at mag make up.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin ay sumakay na ako sa big bike ko at tinungo ang airport. I'm still tracking him.

Nang makadating na ako ay nasa waiting shed lang siya at may kasamang babae. So, eto ba yun si Gregory? Tiningnan ko ang aking tracker, eto na nga siya.

"Gregory?" tanong ko sa lalaki at tumingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay

"Who are you?" kunut noo niyang tanong

Hinila ko siya papalabas ng airport at sumunod din yung babae. Sinisigawan ako kaya napapatingin ang mga tao sa amin. Papansin.

Hinila ko lang siya hanggang sa nakarating kami sa di mataong lugar.

"What are you doing? Are you one of those girls who wants to have sex with me?! I'm sorry but I'm with my girl--" hindi ko na siya pinatapos at sinuntok ko na siya sa tiyan, lumuwa naman siya ng dugo.

Asan na yung gf nya? Ayun. Nakanganga. At dahil witness ang gf niya, papatayin ko din yang babae. Tinapon ko ang injection papunta sa babae. Ang injection na yun ay naglalaman ng lason at sa loob ng limang segundo ay mamamatay ka na.

"Carlaaaa!" sigaw ni Greg, ohh, so sad at wala ka ng girlfriend

Susuntukin na sana ako ni Greg pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Not so fast." komento ko at inikot ang kamay niya. Umikot din siya at napahiga siya.

Tumayo ulit siya at sisipain sana ako pero nakailag ako. Napahawak siya sa leeg ko

"Z-zero..." bulonh nito. So, I think nakita niya ang tattoo sa leeg ko.

"You're right." sabi ko at sinipa siya sa dibdib, napatumba siyq at nakahawak sa dibdib niya. "Di ka na lang sana nag cheat sa girlfriend mo, di ka sana namimilipit sa sakit ngayon." sabi ko at na shock naman siya sa sinabi ko

"P-pinapatay ako n-ni Fiona? S-shit." haha at kilalang kilala niya pa.

"Say goodbye to the world." pagkatapos kong sabihin yun ay binaril ko na siya ulo.

Ang easy naman nun. Haaays.

Pagkatapos ng trabaho ko ay pinicturan ko silang dalawa. I send it to Fiona.

Easy 200,000 pesos.

-----

Ayan. Okay po ba? Sorry po kung boring ang action scene. Pero, dadating din tayo sa maduguang laban!

PICTURE NI ALEXA>>>>>>

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon