Chapter 17-

2K 60 0
                                    

Jeric's POV

Biglang nawalan ng malay si Natalia kaya agad ko siyang binuhat at sinakay sa kotse ko para madala ko na siya sa hospital.

Pagdating sa hospital ay pinuntahan ko yung official family doctor namin. "Doc." tawag ko sa kanya at napatingin kay Natalia na walang malay.

"Girlfriend mo?" napangiti ako sa tanong ni doc

"Soon." sagot ko at hiniga ko siya sa kama, "Liligawan ko pa kasi doc." ngumiti naman si doc ng nakakaloko.

"Ikaw ha? Hindi ko alam na umiibig ka pala." ngumiti lang ako at sinundan na si doc sa room.
----

Tulog pa rin si Natalia, hinawakan ko muna ang kamay niyang napaka lambot pero matigas pa sa bato kung mang-gulpi.

Pero napapikit na ako kaya hiniga ko ang ulo ko sa kama ni Natalia at nagpahinga muna.

NAGISING ako ng biglang gumalaw ang kamay ni Natalia, napatingin naman ako sa mukha niya, madaming pasa tapos madami ring sugat. Pero maganda pa rin naman siya eh :)

"Good morning" bati nito at ngumiti, shet mas lalo siyang gumanda pag ngumiti.

"Good morning din, hmm, okay ka na?" nakangiti kong tanong sa kanya

"Oo, katabi kita eh." ay ewan ko basta kinilig ako kahit bola lang yun. Hahaha

"Nambobola ka na ha?" I chuckled.

"Ay siyempre. Haha. Kamusta na sila Alexa?" Alexa? Yung mga ka gang mates niya yata.

"Wala pa akong balita sa kanila." bigla siyang bumuntong-hininga. "What's up?"

"Kasi eh, nalaman niyo na ako si Black, na isa akong gangster." tumingin siya sa akin,ngumiti naman ako.

"Anong meron dun? Ang cool nga kase yung lampa na tinatawag namin sa school ay isa palang gangster at nabasag pa yung bulletproof glass at! Yung muntik ng patayin ang gangmate kong si Jinno." Umiling ako at tumawa

"Sorry, si Jinno kasi, dinaplisan ako sa mukha." nag pout pa siya, sheeet ang kyut! Pero wait, bakit parang hindi siya cold ngayon?

"Hehe, bakit parang di ka cold ngayon?" inaakala kong magiging cold siya pag tinanong ko yun pero lalo pa siyang ngumiti.

"Nakakapagod din kasing magtago ng emosyon," tiningnan niya yung magkahawak na kamay namin, ngumisi naman siya "Malambot ba?" ngumisi ulit siya ng nakakaloko.

"Oo eh," feeling ko nangangamatis na ako ngayon, I just don't really understand my feelings. Type ko ba siya o bmahal na? Arghh.

"Yieee, nagba-blush." pang-aasar nito, hahaha baliw rin pala to no? Di ko akalain na may tinatago rin palang kabaliwan tong babaeng to.

"Eeey!" napatingin kami sa gangmates ko na biglang pumasok. Palipat-lipat naman yung tingin nila samin ni Natalia.

"H-hi Nataliaaa!" bati ni Jinno, sinamaan naman ng tingin ni Natalia si Jinno

"Ingay" malamig nitong sabi, wew, balik nanaman ba sa pagiging cold? Hayss. Bipolar

"Wow, di ko akalain na ang lampa sa school ay gangster pala, at magaling pa. Clap clap." nag clap pa ng dalawang beses si Rix.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Jeigch. Umiling naman ako, tinanguan ko naman si Philip, agad niya namang naintindihan ang gusto kong iparating.

Lumabas naman si Philip kasama si Gian at Ginno para bumili ng makakain namin. Lumapit naman si Jeigch samin.

"Sabi ko na nga ba at gangster ka." nagsmirk bigla si Natalia

"Magaling ka" komento ni Natalia, wait, pano naman nalaman ni Jeigch na isang gangster si Natalia?

"Jeigch, may alam ka na ba dati pa?" tanong ko kay Jeigch, tumango naman ito at inilahad ang cellphone niya sa akin, pinlay ko naman yung video and... eto yung araw ng field trip namin. Wtf, ang galing talaga ni Natalia. Nakaka.. turn on <3

"Ayos ba?" tanong ni Natalia sa akin habang pinapanuod din yung video

"Galing mo talaga, shet." pinanuod ko lang yung video, sinandal niya naman yung ulo niya sa balikat ko. Cute ba kami tignan? Hehehe.

Someone's POV

Tsk tsk. Masyado nang nagpapakita ng emosyon si Zero. Hahaha! Sa tingin ko mananalo na ako nito!
------

Natalia's POV

Hindi ko mapigilan ang kiligin grabeee! Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Wew ang OA ko masyado. Sino ba kasing di kikiligin nang subuan ka ng crush mo? Hahahaha!

Sinubuan niya kasi ako kanina hahahaha! Ako naman, sige go! Subuan mo lang ako. Galawang breezy lang naman ang kailangan eh.

"Jeric, okay na ako, pwede na ba tayong lumabas dito? I really don't like it here." pag-iinarte ko. Mga weak na tao lang ang dinadala sa ospital, hindi ako weak!

"Kailangan mo pang-"

"Please." nagpuppy eyes pa ako, bumuntong hininga na lang siya.

"Sige, hindi naman ako makaka-hindi sayo eh." napangiti naman ako dun, yieee! Keleg.

"Asuuus. Bumabanat ka ha?" sinundot ko pa yung tagiliran niya.

"Yieee, kinilig ka?" kiniliti niya naman ako

"Hindi ah! Tama na!" tawa tawa pa ako tapos bigla namang nakuha yung dextrose galing sa kamay ko kaya dumugo ito ng konti.

"Hala! Sorry!" nagpanic naman ito agad, tumawa ako. "Bakit ka tumatawa?" naningkit ang mga mata nito

"Hahaha ang cute mo kase." pagsabi ko nun ay pumunta ako sa bag ko, gusto ko na umuwi.

"Natalia naman! Wag mo akong pakiligin. Ayoko ma-fall!" napatingin ako sa kanya tapos nagpout pa siya. Hahahaha!

"Don't worry, I'll catch you." pagkasabi ko nun ay lumabas na ako sa room ko dala-dala ang bag ko. Pero pagtingin ko sa kanya, nakatayo lang siya dun tapos nakatayo at nakangiti. Hahaha! Yieee

"Doc, pakidischarge na po ako." sabi ko sa isang doctor, kaya nga Doc dba? Hahaha

"Pero hindi pa magaling ang mga sugat mo?"

"Ay, okay na po ako Doc." tumango na lang ito at may sinulat sa papel.

Umalis na ako at umuwi sa bahay. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko yung Dire na nakahiga sa sahig at tulog... Pisces lang ang peg mga bro?

May nakita akong balloon at pinaputok ako, pinaputok. At ayun pumutok at...

"Hoy ano yon?!" natawa ako bigla sa reaction ni kuya

"Gagu may putok!" ay letshe bakit iba yung pumasok sa isip ko?

"Naku! Basta pag may pumutok delikado!" sigaw ni kuya, natawa na ako ng sobrang lakas.

"Mga bobo, pinutok ko lang naman yung lobo." sigaw ko

"Rhyming lang ang peg Black? Hahaha!" sabi ni kuya, inirapan ko na lang siya.

"Musta na sila Alexa?" nagkatinginan naman sila, what now?

"Okay lang, hinatid ko na sila sa mga bahay nila. By the way, okay ka na?" nag-aalalang tanong ni kuya

"I'm always okay bro." ngumiti ako ng matamis at pumasok na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at duon natulog.
------

HEHEHEHE YUN LANG PO MUNA. SORRY KUNG NONSENSE.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon