Chapter 3-

2.9K 100 1
                                    

Humiga na ako sa kama ko. Wew. Medyo malayo pala yung airport.

Hindi ko na nakuha yung bag ko sa classroom. Naiwan ko pa yung wallet dun, buti na lang palaging nandito sa bahay ang credit card ko.

*ring*

"Hello dad?"

"So, kamusta ang bagong patay?"

"Weak" sagot ko

"Hahaha! Okay. Bye anak." sabi nito at binabaan na ako ng tawag. Yun lang ba ang dahilan kung bakit siya tumawag? Si dad talaga.

At dahil boring ang life ko, natulog na lang ako.

*kinabukasan

Pagdating ko sa school ay dumiretso na ako sa classroom. Kukunin ko pa ang bag ko. May bracelet pala dun na may nakalagay na zero, delikado na.

Pagdating ko sa classroom ay na alerta ako ng may kukuha sana sa bag ko. Tumakbo ako at agad kong hinablot ang bag ko. Ang hina niya naman. Wew

"No one touches my bag." sabi ko sa lalaking kukuha sana ng bag ko.

"Bag mo lang naman pala ang hahawakan ng malinis kong kamay, wag na lang." at kahit naaasar na ako dahil sa kakapalan ng mukha pero poker face pa din ako.

Kinuha ko ang alcohol sa bag ko ay kinuha ang kamay niya. Hmm, may konting daplis ng ink.

"May dumi kamay mo oh, eto alcohol para 100% sure. Hindi pa na-open ang alcohol na yan. And to make sure na palaging malinis ang kamay mo, sayo na yan. Mura lang naman yan." napasmirk na lang ako dahil parang sasabog na siya sa galit.

"Argh!" sigaw niya at lumabas na ng classroom, wew, mas naasar pa siya ha.

"Good luck slut, sinagot mo si Jeric. And starting now, magiging miserable na ang buhay mo." sabi nung babaeng laging nambu-bully sakin. Oh, I'm scared bitch. At, wala akong pake kung sino yang Jeric na iyan.

"Oh my God Natalia!" napalingon naman ako sa sumigaw, Alexa.

"Oh?" tanong ko

"Singot mo si Jeric at ginalit mo siya!" sigaw niya na para bang nag-aalala

"So?" tanong ko

"Pwede ka niyang pahirapan at patayin! Baliw ka na ba?!" sigaw pa niya

"I don't care." sagot ko at umalis na dala ang bag ko.

Sino ba yang Jeric na yan? At bakit ba siya kinakatakutan? Sus, pikon naman pala eh.

"Naku!"

"'May mapapatay nanaman yata si Master Jeric!"

"Si Natalia daw yun! Yung loner na babae!"

"Kawawa siya!"

"For sure, magta-transfer yan ng school!"

Ay mga chismosa't chismoso naman pala mga tao dito eh. Ano bang meron sa Jeric na yan ha?!

Papunta na sana ako sa spot ko nang may bumuhos bigla ng sobrang lamig na tubig galing sa itaas. Ano to? Ice bucket challenge?

"HAHAHAHAHAH!" napatingin naman ako sa tumawa, si Rix, katabi si Jeric na nakasmirk lang. So eto na ba yun? Yung pagpapahirap kuno ng life ko?

Pero wew ha, ang lamig. Malamang! Malamig ang tubig eh.

Dumiretso muna ako sa locker ko dahil may extra clothes ako duon.

Pero pag-open ko ng locker ko ay agad kong nalanghap ang mabahong amoy galing sa locker ko.

Sila nanaman ba ang naglagay ng patay na daga dito? Ang cheap naman! Humahawak sila ng daga?

"Kung nagwi-wish ka na matapos na ang pagiging malas mo, well itigil mo na lang dahil hindi ka namin tatantanan." seryosong sabi ni Jeric, char! TAKOT AKO PROMISE, patayin kita dyan eh.

"Sino naglagay ng daga dito?" bored kong tanong sa kanila

"Ako." ani Jeric

Tumango ako at umalis na. I don't have time for stupid people.

Nilingon ko si Jeric pero nakita ko siyang bigla niyang sinuntok ang pader. Oh? At siya pa ang may ganang magalit. Ano bang ginawa kong masama?

Pumunta ako sa parking lot dahil uuwi na lang ako. Wala akong ganang pumasok.

Pagpasok ko sa kotse ko ay pinaharurot ko lang ito papunta sa bahay. Ang boring sa school.

Pumunta ako sa kwarto ko, pero may passcode ang kwarto ko. Bakit?

Dahil nandito ang lahat ng weapon ko, mga gamit na ginagamit ko sa pagpatay. Mga signs ng zero.

Walang pwedeng pumasok dito except kay daddy. Sa kanya galing ang ibang weapon na nandito. Pero may mga chemicals din akong ginawa, mga lason.

Nagbihis ako dahil basang basa na talaga ako. Dumiretso ako sa training gym ko. Magwa-warm up muna ako.

100 push ups muna tayo. Pagkatapos ay 5 kilometers run/walk.

Eto muna for now. Wala rin namang meeting or something eh.

Nang matapos ako ay pumunta na ako sa kusina para uminom ng tubig. But, nabigla ako nang may biglang susuntok sana sa akin, pero nahawakan ko kaagad ang kamay niya at pinaikot siya.

"Ahh!" sigaw ng isang kilala kong boses.

"Dad! Sorry!" sigaw ko at tinulungan siya sa pagtayo. Bakit niya ba ako susuntukin?

"Haha very good anak. You're trained very well." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Pumunta lang siya sa kwarto ko at pumasok doon.

"Very good. Well organized room, ay, wala na palang ibang taonb makakapasok dito hahaha!" pang aasar niya, dad talaga.

"So how's mommy?" tanong ko

"She's fine. Basta ako kasama niya, okay siya." haha hangin!

"Good. Bat ka napapunta dito dad?" tanong ko

"Wala lang, binisita lang kita." sagot nito at tumango lang ako.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano.

"I have to go, it's already 5pm."

"HAH? 5pm?!" sigaw ko, ang bilis naman yata ng oras!

"Oo, mabilis lang talaga ang oras basta kasama mo ang taong mahalaga sa buhay mo, pero matagal tumakbo ang oras kung ang kasama mo ay yung pinaka-ayaw mong tao." oo nga eh. Agree ako kay father word of wisdom hahah.

"Bye dad." paalam ko at umalis na siya, ang bilis talaga ng oras no basta kasama mo ang isa sa mga importanteng tao sa buhay mo?

-----

Sorry po kung boring ang chapter na ito! Pagpasensyahan niyo na po kasi busy si author. Malapit na exam haha

PICTURE NI JERIC>>>>>>

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon