Chapter 16-

2.3K 73 1
                                    

Nasa kusina kami, kumakain ng hapunan, nandito ang grupo ng Dire (grupo ni kuya) at ang Pisces. Nag-iiyakan ang Pisces, which is very new to me.

Yung Dire naman, bakas sa mga mukha nila ang poot, ako dito, kumakain, hindi ko naman kasi nararamdaman ang nararamdaman nila ngayon dahil ngayon ko lang nakilala ang Denver na yun.

"Maghihiganti tayo." bulong ni Luna, at kanina ko lang nalaman na magpinsan pala si Denver at Luna.

"Punta tayo hideout gusto niyo?" pag-aya ko sa kanila, ngumisi sila,

"Nako, mauubos ang tao dun kung pupunta tayo dun." sabi ni Gerry,

Totoo naman, galit na galit sila ngayon, baka mapalabas nila ang galit nila sa ibang tao. I shrugged at umalis sa kusina, di ako sanay sa mga ganito, di ako sanay na may patay na parte ng buhay ni kuya/ko.

Natulog na lang muna ako sa kwarto ko para magpahinga, andaming problema naman. Haaays

Jeigch's POV

Bakit ganun? Tinatanggi ni Natalia na isa siyang gangster. Maasahan naman akong tao at kung itinatago niya man ang pagiging gangster niya, edi itatago ko.

Katulad nung nangyari kahapon, I saw what happened, yung natamaan siya ng kutsilyo sa mukha? Halata namang di siya masaktan nun, nag-acting lang siya ng nasaktan siya dahil may mga taong nakakita ng nangyari. Nakita ko din yung paghabol nila Alexa dun sa lalaki, I saw what she did to the guy.

At, wala ng palya, alam naman nating lahat na isa siyang gangster, pati na din si Alexa.

Since sabado naman ngayon, parang feel kong pumunta ng hideout. Magwawarm-up lang naman ako saglit dahil medyo matagal na akong hindi nakakapatay ng tao.

Saktong nagtext naman si Ginno,

Ginno: Pre, punta tayo hideout, may announcement daw na magaganap.

Nagreply ako ng "K" at nagbihis na, pumunta akong hideout at natagpuan ko naman kaagad ang Radiance, nagpalinga-linga ako kung nandito ba ang Pisces, pero wala.

"Sino hinahanap mo?" nagtatakang tanong ni Gian at luminga-linga na rin

"Wala, parang kulang kasi, wala yung Rank 4," tumango-tango ito at itinunton ang atensyon sa emcee.

"This announcement would be emotional dahil, ang Dire ay nabawasan ng isang miyembro." malungkot na anunsyo ng emcee at tumingin sa Dire na nasa tabi lang pala namin, mugto ang kanilang mga mata at galit ang mga mukha nila.

"Our gangmate Denver Cruz died yesterday." galit na sabi ni Karlo, leader ng Dire. "At ipaghihiganti namin siya." galit na sabi nito.

Pero bakit namatay si Denver? Kahit kalaban namin ang grupo nila, magkaibigan naman kami sa labas ng hideout.

"Condolence pare." sabi ni Jeric sa Dire at ngumiti ng malungkot, tumango lang sila.

"Okay! Wag na tayong malungkot, kalimutan na natin ang nangyari dahil normal lang sa buhay natin ang mamatay o mamatayan..." sabi ng emcee "Wag kayong umiyak dahil mauubusan kayo ng enerhiya para sa Rank Fight mamayang gabi!" napasinghap naman ang iba dahil sa biglaang rank fight.

Ang rank fight ay yung maglalaban kayo para sa rank, kung mananalo, tataas ang rank niyo, pero kung matatalo, bababa kayo.

"Hindi ko akalaing mamamatay si Denver." ani Rix at umiling-iling pa

"Oo nga pare, isang kilalang malakas na gangster si Denver ah." ani Ginno

"Wag niyo na yang isipin, mag warm up na lang kayo para sa rank fight mamaya." pagpapaalala ni Jeric at umalis na, sumunod naman kami sakanya.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon