Chapter 38-

839 32 1
                                    

Jeric's POV

"Damn you and your stupidity, Jeric!" sobrang pula na yata ng aking pisngi dahil sa mga sampal at suntok na nakuha ko kay Alexa. Naiiyak na rin siya dahil sa galit, sakit at lungkot. 

Naiintindihan ko ang kalagayan nila. Alam kong galit na galit sila sa akin dahil sa pagiging tanga ko. Nakatigin kami ngayon kay Natalia na nakahiga, maraming hoses na nakasabit sa kanya.

Hindi ko na halos makilala ang mukha niya.

Maya-maya ay biglang pumasok sila Jeigch. "We didn't catch him. Masyado siyang malakas." fuck! Kailangan mamatay na diya dahil baka may balak pa siya!

"It's okay. Safe naman dito diba? Jeric?" tanong ni Alexa sa akin. Tumango naman ako.

"It's Dr. Kooi's safe house." ani ko. Wala masyadong tao ang nakakaalam na may ganitong lugar. Kaya imposibleng mahanap niya kami.

Napatingin kaming lahat kay Natalia. Naiiyak ako sa tuwing nakatingin ako sa kanya, those memories from yesterday almost killed me.

Hindi ko matanggap sa sarili ko ang mga ginawa ko. Gusto kong patayin ang sarili ko.

"All we have to do is to pray." ani Hannie at tumingin sa akin ng masama. Tumulo ang kanyang luha at hinawakan ang mukha ni Natalia.

"Jeric?" napatingin kami kay Dr. Kooi. "Her condition is too critical." yumuko ako. "The poison isn't normal. Dumiretso ito sa kanyang brain cells, that can cause Amnesia." napasinghap naman kami sa sinabi ni Dr. Kooi. "Pasalamat tayo at masyado nang matagal ang poison na yun. Like 14 years na? Patay na ang mga cells that can cause her death." may bahid ng saya at lungkot. Saya dahil hindi siya mamamatay, pero lungkot dahil makakalimutan niya na kami. "Pero may posibilidad ang kamatayan niya, Jeric." napatingin ako sa kanya.

"Ano?! Akala ko ba buhay siya?!" sigaw ko

"No, she survive the poison, but not her condition. May posibilidad na hindi niya na kaya ang sarili at hindi na siya magigising. Let's just hope na magising na siya." muling tumulo ang luha ko.

Sobra nga talaga ang nakuha niya. Nag-aagaw na buhay na si Natalia, at dahil iyon sa akin.

"Better pray, Jeric." tinapik ako ni Nikka. Lumabas silang lahat ng clinic at naiwan ako sa loob. Pinagmamasdan siya, umupo ako sa tabing upuan. I held her hand at hinalikan ito.

She looks pale.

"I love you very much, Natalia." bulong ko, hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at muling umiyak. Yumuko ako, wala nang magagawa ang pagsisisi ko. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay ang magdasal at humingi ng himala sa Diyos.

"Hindi ko inakalang dadaan tayo sa ganitong sitwasyon." bulong ko. I don't care kung para akong baliw na nagsasalita. "Please wake up. Please." hinaplos ko ang kanyang sugatang mukha.

Weeks later....

Ganun pa rin. Nagsasalitan kami sa magbabantay kay Natalia at nagsasalitan rin kami sa paghanap dun sa leader ng Roshan.

Hindi pa rin gising si Natalia. Ganun pa rin ang tingin nila Alexa sakin, galit pa rin sa akin. At sa tingin ko habang buhay silang magiging galit sa akin dahil sa katangahang ginawa ko.

Pati na rin sila Jeigch, sa tingin ko nawalan na sila ng tiwala sa akin. Masyado ko kasing pinairal ang aking galit at hindi na nag-isip.

I wonder what will happen pag gising ni Natalia. Araw-araw, gabi-gabi akong magdadasal na sana ay magising na siya. Ngunit wala akong sagot na nakuha.

Unti-unti na akong nawalan ng pag-asa. Sobrang tagal niya nang hindi nagigising. I really miss her so much.

"Paano na to? Hindi pa rin natin siya nahahanap?" tanong ni Alexa

"Can we just stop looking for that man? Wala na tayong magagawa." sabi ni Rix. Tumango naman sila at sumang-ayon. "We're stressing ourselves too much, let's just pray and wait for Natalia."

The next day, pumunta sila sa mall para mag-grocery ng mga kailangan namin. Hindi naman kami pwedeng umasa na lang kay Dr. Kooi, masyado kaming marami.

I entered Natalia's room, umupo ako sa upuan matabi ng higaan niya. Biglang tumunog yung machine, linya na lang ang nakikita ko. Her heart is not beating...

"Doc! Doc!" sigaw ko. Natataranta na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Biglang pumasok si Doc at nataranta rin. Kinuha niya ang kanyang defibrillator. Tumulo na ang luha ko. Wala pa rin, hindi pa rin siya nagigising.

Tumigil na si doc. "She's dead." malumanay niyang sabi. I clenched my fist.

"No, she's not!" hinawakan ko ang collar niya. "Tell me she's alive!" medyo nahihirapan na siya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya.

"I'm so sorry. I can't do anything." binitawan ko na langsiya at dumiretso kay Natalia.

"Please Natalia, kumapit ka. You can survive this! Please stay with me." umiyak ako ng umiyal. Humagulgol na ako sa harap niya. wala pa rin.

Wala na siya...

Tumingin lang ako sa kanya, nang biglang bumuka ang kanyang nga mata at nagsalita, "Who are you?"
------------

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon