Chapter 21-

1.4K 59 9
                                    

Jeric's POV

Ewan ko pero nasasaktan ako pagnakita ko siyang umiiyak. Mas gugustuhin ko pa yung cold siya kaysa yung ganito ang lagay niya. Hindi ako sanay eh.

"Natalia, tahan ka na please?" itinaas ko ang ulo niya, tiningnan niya naman ako diretso sa mata. Puno ng galit ang mga mata nito.

"Masakit kasi, di man kami ganoong magkalapit ni Luna pero, masakit pa din. Naging parte na din siya ng buhay ko." muling tumulo ang mga luha niya, maga na ang mga mata nito dahil isang oras na siyang umiiyak simula pa kanina nung namatay si Luna.

"Normal lang ito sa buhay natin, masakit man pero kailangan na nating tanggapin. Please, tumahan ka na. Ayokong nakikita kang ganyan." hinaplos ko ang pisngi nito at hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nito. Tumango ito at pinunasan ang mukha nito. Nasa chapel kami, napagpasyahan naming pumunta sito at magdasal. Alam ko makapal ang mukha ko dahil may gana pa akong pumasok sa chapel kahit ang laki-laki na ng kasalanan kong nagawa.

Tumayo kami at lumabas na ng chapel, "Maghanda kayo, Roshan." bulong niyo, napailing ako. Ayokong nagagalit si Zero, knowing her, hindi aatras. Kung gusto niyang gawin, gagawin niya. Pero kailangan ding magbayad ng Roshan, sila ang dahilan kung bakit nagkaganito sila Natalia.

"Natalia, Jeric, kain muna kayo." napatingin kami kay Sarah, tumango lang ako. Sumunod na kami kay Sarah, naabutan namin doon ang Pisces na maga ang mata. Nakita ko din ang gangmates ko na medyo wala sa mood. I feel sad for what happened, lalo na dahil sa lagay ni Natalia ngayon.

Tahimik lang kaming kumain, walang nagsasalita kahit na isa kaya nag desisyon akong ako na lang ang mag-uukay ng topic. "Knock knock," napatingin naman sila sakin.

"Who's there?" pagsabay naman ni Sarah, "Fearless." sagot ko, "Fearless who?" tanong ni Hannie, napangiti ako dahil nagsalita na din siya.

"Bayang magiliw, fearless ng silanganan..." di ko na tinapos dahil nakatingin lang sakin -_- yan ang mga mukha nila. Pero napatingin ako kay Alexa na nagpigil ng tawa. "Ehh, Alexa, tawa na diyan! Wag mong pigilan yang emosyon mo, baka makautot ka." medyo natawa naman yung iba, pati na din si Natalia. Parang medyo gumaan ang loob ko dahil, nagawa ko silang patawanin.

"Come on guys, wag na kayong magmukmok, kailangan nating ipakita kay Luna na malakas tayo, ayaw niyang nakikita kayong ganyan. Mas gugustuhin niya pa sigurong may nakikita siyang mga ngiti sa mukha natin kaysa namang luha na tumutulo galing sa mga mata natin. Kailangan na nating kalimutan ang nangyari." sabi ni Alexa, tumango ako, tama ang sabi niya.

"Oo nga, kailangan na nating magmove-on, pababayarin lang natin ang Roshan." nakangising sabi ni Yna at medyo natorture na yung manok na kinakain niya.

"Yna naman maawa ka naman sa manok, wala yang kasalanan. Inosente siya, inosente." mag acting-acting pang umiiyak si Gian at umaacting na naawa sa manok. Hinampas naman siya ni Yna sa balikat,

"Shut up nga!" sigaw ni Yna at inirapan si Gian, mabuti naman at bumago na ang mga mood nila. Mas nakakagaan ng loob.

Natalia's POV
Medyo gumaan na ang loob ko sa mga corny na joke ni Jeric, natawa nga ako kanina kahit emote2 pa ako.

After eating, pumunta kami sa bahay ko. Wala lang, trip ko lang. Pagdating namin sa bahay, medyo nagulat ang Radiant, except kay Jeighc. Well masanay na tayo, cold naman yan palagi eh.

"SAYO TO?!?!?" sigaw ni Philip, hinampas naman siya ni Jinno, "Ang OA mo!" sigaw naman ni Jinno. Pinapasok ko na sila sa loob.

"Ganda ng mansion mo loves." napatingin ako kay Jeric, di ko mapigilan ang mapangiti, kinikilig ako. "Yiee kinikilig siya oh." inirapan ko siya, mehehe totoo naman pero ayoko magpahalata.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon