Chapter 30-

1.1K 28 3
                                    

Natalia's POV

Pinatulog ko na muna yung mga kaibigan ko pati na rin si Jerika sa kwarto matapos yung nangyari. Di ko alam kung paano ako hihiwalay sa kanila. Ako lang ang nakapapadala ng panganib sa mga buhay nila.

Oo sinugod yung resthouse ni Gian dahil sakin, dahil galit sila sa akin. Pinatay ko yung anak ng master. Sino bang di magagalit sa ganun?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon pa ba ako hihiwalay na napalapit na ang loob ko sa kanila? Ngayong mahal ko na sila? Ngayong mahal ko na si Jeric? Bakit ba ang malas ng buhay ko? San ako pupunta pag aalis ako?

Ang daming tanong sa utak ko. Naguguhuluhan na ako. Kailangan ko silang i-alis sa problema kong ito. Ayokong nadadamay ang mga kaibigan ko.

I hate this. First time akong nag-overthink. Hindi naman kasi ako nagaganito dati kasi chill lang ako. Oo parang ang relax ko lang dati nung wala pa akong mga kaibigan. Pero di ko naman sinasabing sana di ko na lang sila nakilala. Ang swerte ko nga dahil sila ang nakilala ko at hindi yung mga taong plastik at sisiraan lang pala ako.

Oo sobra na talaga akong napalapit sa kanila. Di ko ma-imagine ang sarili ko pag wala sila. Pag wala si Jeric. Ang malas ko, pero mas lumamang yung pagkaswerte ko.

I hate this feeling! Parang kinakain na ako nag pago-overthink ko. I need someone to talk to right now. Tinawagan ko si kuya and I told him to bring me foods. Inaatake nanaman ako ng pagkababoy ko. Ganito talaga eh, waterfalls eh.

Nagdabog pa talaga siya kasi kakatulog niya lang daw. 12md na pala. Takte inabutan ako ng madaling araw dahil lang sa pago-overthink.

Maya-maya ay dumating na si kuya dala-dala ang isang grocery bag. Naka sando at jogging pants lang si kuya. Magulo rin ang buhok nito at halata mong kakagising lang niya.

I clapped my hands. "You're the best, bro!" sabi ko at kinuha yung bag pero di niya binitawan.

"Hephep! May akin dito! Tsaka di ba uso ang thank you sayo?" umirap ito at umupo sa couch katabi ko.

"Sabi ko nga." sabi ko, inilabas niya ang mga pagkain na nasa loob ng grocery bag. First I turned on the tv, manonood na lang kami ng movie habang kumakain.

Nagkumustahan muna kami ni kuya. Madami din siya nai-share sakin dahil medyo matagal din kaming di nagkita. So after that, sinabi ko din ang lahat sa kanya. Galit at awa ang ipinakita niyang emosyon sakin.

"Bakit mo ba kasi pinatay yun?" naiirita niyang tanong sakin at kinamot pa ang ulo.

"Siyempre, sobrang yabang eh kala mo naman kung sino." umirap ako habang nakatitig sa screen ng tv.

"Sige, may mali ka rin naman talaga Zero, pero ang mas mabuti na muna ngayon ay magtago kayo hanggang sa mapagod na silang hanapin ka. They don't know where you live right?" tanong nito, medyo nairita ako sa tanong niya.

"So you're telling me na magtago lang? Ang duwag naman ng ganyan! Bakit? Tingin mo ba di ko sila kaya?" tanong ko at tiningnan siya ng masama, huminga naman ito ng malalim.

"Di naman sa ganun, oo kaya mo sila, pero yung mga kaibigan mo? Kaya ba nila? Roshan is the most famous gang in Russia now. Lalo na nung natumba yung company ninyo." huminga lang ako ng malalim, yes I trust their abilities pero nakatatak talaga sa isip ko na ayokong madamay sila. Ako ang may kasalanan eh. "Better think of it ASAP. Kailangan mong gumawa ng plano para mapatigil mo sila. Or call daddy, sabihin mong may problema ka. Or, tutulungan ka namin ng gang ko." sabi nito, umiling ako agad.

"No way! Nadamay na ang mga kaibigan ko, ayoko nang madamay pa kayo dito!" sabi ko at umiling-iling.

"No Zero, you can't stop me. Kapatid kita at kailangan kitang bantayan. Okay? Matulog ka na diyan." ginulo niya ang buhok ko. Magsasalita pa sana ako nang pinigilan niya ako. Ayaw niya talaga nang nagsasagutan kami.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon