Chapter 14-

2.5K 82 4
                                    

Gumising ako at tiningnan ang phone ko kung ano nang oras. It's 6:30am, napangiti ako sa 3 new messages from Jeric.

Jeric: Wake up Natalia
Jeric: Time to get readdyyyy
Jeric: Good morning Natalia
Natalia: Good morning Jeric

Feeling ko ganado na ako this day, Jeric made my day. And without even confirming my feelings, I think, I like him but... KONTI LANG HA?! Maybe dahil lang sa kagwapuhan niya.

Habang naliligo, pawhistle-whistle lang ako. Wednesday ngayon kaya nag civilian ako. Simpleng fitted t-shirt at high waist pants. I tucked-in my t-shirt. Nagsuot na din ako ng black na flats, I ponytailed my hair. Hindi naman masyadong klaro yung tattoo ko.

I ate the prepared food on the dining table with Kuya.

"Good mood yata ang Zero?" nginitian ko lang si Kuya at kumain na lang, hahaha yes Good mood ako.

Dali-dali na akong sumakay sa kotse ko at nagdrive papunta sa school.

@Classroom

Naka earphones lang ako, ang daming absent. Na-trauma na ba sila? Hahaha out of 39 students I think 14 lang kami dito. At puro mga lalaki pa.

"Good mood ka yata ngayon?" agad akong nagpoker-face. Masyado na yata akong nagpapakita ng emosyon. Pero sa loob ko ngiti na ako ng ngiti ng makita ko ang gwapo niyang mukha. "Eto naman, bakit ba poker face ka palagi?" tanong ni Jeric at tumabi sa akin

"Ewan" tipid kong sagot

"By the way ang galing mo kahapon! Paano mo yun nagawa?" tiningnan ko siya

"I just did it"

"Ahh, ganun ba? Sabay tayo lunch mamaya ah?" aniya at lumabas ng room, napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko. Bakit ganun? Ang bilis-bilis ng pagtibok ng puso ko.

Napatayo ako ng bigla akong hilain ni Jeigch. Anong problema nito?

"What"

"Natalia, may tanong ako. But please, be honest." sabi nito at nilabas ang cellphone niya, may pinindot pa siya dun at may video na pinakita sakin. Napanganga ako bigla. Fvckkk!

"S-shit" I cussed, navideohan niya kasi yung nangyari kahapon! Yung pakikipag gulpihan ko!

"Tell me, what are you?" napatingin ako sa kanya

"Tao" I answered sarcastically at tinalikuran siya pero hinila niya ulit ako

"Are you a gan-"

"No" pinutol ko ang sinasabi niya, there's no way na malalaman to ng ibang tao

"Please, just answer me, are you a gangster?" he asked again,

"I just answered your question, now will you let me leave?" mabilis akong naglakad paalis sa kinaroroonan namin. This can't happen. Mabuti na lang at gangster lang ang alam niya, delikado kung si Zero ang alam niya.

Di ko namalayan na nakarating ako bigla sa parking lot, ayoko na muna pumasok. Kailangan kong iwasan si Jeigch, he might know my secrets.

Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na nagdrive. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Umiling ako ng naalala ko nanaman yung matanda. Bwiset na matanda yun.

*Tiiiiiiiiit* busina po yan ng sasakyan

Muntikan ko ng mabangga yung malakinh truck, napatingin ako sa traffic lights, stop light na pero mabilis pa din akong nagdrive. Maybe dahil lang sa lutang na lutang ako.

Bigla na lang may narinig akong putok ng baril kaya agad akong napayuko ng nabasag yung side mirror ko. Bwiset na to.

Shit naman, bakit wrong timing? Napatingin ako sa likod at nakita kong may dalawang malalaking sasakyan na nakasunod sakin. May mga lalaki ring nasa labas ng bintana, sila yung bumaril.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon