Chapter 11-

2.3K 90 0
                                    

Maya-maya ay nagpaalam na ako sa nurse at tumungo muna sa stock room ng school. Sabi kasi nung nurse may black shoes daw siya duon na hindi pa nagamit. Magkaparehas lang naman daw kami ng size ng paa.

Sinuot ko muna ang medyas na binigay niya at sinuot ko na din ang sapatos niya. Saktong sakto talaga yung paa ko sa sapatos.

Ngbihis na din ako ng civilian dahil sobrang dumi ng uniform ko. Pagkapasok ko sa classroom ay napakunot ang noo ko dahil nagtatapunan sila ng papel na pinabilog. Wala din palang prof.

Natamaan naman ako ng papel sa mukha at nakita kong si Jinno yung nagtapon ng papel. Sinamaan ko siya ng tingin at medyo napaatras naman siya sa kinatatayuan niya. Gagong iyon pangalawa na to ah.

Pagewang-gewang akong tumungo sa upuan ko at mabuti naman ay hindi na ako tinamaan ng papel.

Sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog, pero napatingin naman ako sa lalaking tinanggal ang ang earphones ko. Letcheng Jeric to ano nanaman ba?

Nakakunot ang noo niya at nakatingin sakin, "Nagamot na ba yung paa mo?" kalmado nitong tanong, napataas ang kilay ko. Anong pakialam niya?

"Oo"

"Ahh, malaki ba?"

"Oo"

"Aissh! Oo lang ba talaga isasagot mo sakin?" napangiti ako sa kaloob-looban ko nang mairita siya.

"Oo" bigla naman siyang ngumisi, at biglang nanlaki ang mata ko sa sunod na tanong niya

"Sasagutin mo ba ako kung liligawan kita?" tiningnan ko lang siya, da ef. Bipolar na tong lalaking to? Nakakainis. "Eto naman, joke lang." aniya at nag peace sign pa. Umalis naman siya at bumalik na sa totoong upuan niya.

I don't understand my feelings. Umiling ako sa naisip ko, hindi naman pwedeng magkagusto agad ako sa kanya no. Alam ko naman dati pa na gwapo nga talaga si Jeric.

"Class, sorry I'm late. Nagmeeting kaming mga teachers for your upcoming fieldtrip." nakangiting anunsyo ni Ms. Hilario sa amin. Naghiyawan naman sila.

"And papauwiin ko na kayo ngayon dahil kailangan niyo nang magprepare para sa fieldtrip ninyo... BUKAS!" nakangisi niyang sigaw at mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko. "Buong araw tayo doon class. Kailangang color Black ang suot ninyong damit okay? Bawal ang shorts. Black kasi ang naka assign satin. Cool color diba? Magdala kayo ng snacks dahil medyo mahaba-haba ang byahe natin bukas. Pumunta kayo dito sa school 6am. Ang hindi makarating, hindi makakasama. Okay class dismiss." aniya at lumabas na ng classroom.

Paglabas ko ng classroom ay feeling ko ako lang ang hindi masaya. Feeling ko boring ang fieldtrip. "Natalia!" napatingin naman ako sa babaeng tumawag sa kin.

"Alexa."

"Sasama ka ba sa field trip bukas?!" cheerful niyang tanong at umiling ako, ngumuso naman siya. "Sige na pleaseeee? Same bus lang tayo! Black din kasi kami. Hehehe, sige na para may kausap ako?" nag puppy eyes pa siya.... I give up.

"Okay."

"Yes! Yes! Thankyou! Haha! And... by the way kumusta yung sugat mo?" tanong nito at tiningnan ang noo ko

"It's fine." sagot ko

Umuwi na kami at nagprepare na din ako ng mga gamit. Nag grocery na din ako kasi feeling ko gugutumin talaga ako bukas. Maaga akong natulog para maaga din akong magising bukas.

-----

Agad kong sinuot ang black top t-shirt ko na may nakasulat na 'chernaya' which means black. Russian language yan. Marunong ako mag Russian kasi duon ako tinuruan ni Dad. Soon, babalik ako doon. Maganda dun kasi madaming patayan.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon