Chapter 9-

2.2K 82 0
                                    

Napahawak ako sa ulo ko and... shiz! Wala pala akong wig! Hindi ko nasuot! Arghhh! Sagabal nanaman tong buhok na to.

Bahala na! Ang importante, may pasa ang grupo ni Jeric! Good luck sa inyo. Hoho sana may Riot ngayon para mas madami akong mapatay.

"Walang riot ngayon?" tanong ko ky Yna

"Wala, nandito kasi ang Rank 1, sila ang makakalaban natin. Pssh. Wala pa naman akong practice. Baka mamatay ako ng maaga." ani Yna,

"I won't let them kill you." I said while smirking

"Hahah! Tatandaan ko yan!" aniya.

Umupo muna kami sa may bench dahil wala pang emcee. My eyes we're only on Jeric, yung gwapo niyang mukha? Mawawala yan mamaya.

"Okay! Tutal nandito naman po ang Rank 1 and 4, they will fight tonight. There will be no riot for now." ani emcee. Ayy! Walang riot? :3 "Are you ready for the battle?!" sigaw ng emcee at naghiyawan naman ang mga tao.

"Radiance in the ring!!!" sigaw nung emcee kaya pumasok naman yung Radiance sa ring. Ang daming naghiyawan.

"Pisces in the ring!!!" sigaw nila pero nairita ako nung sumigaw sila ng 'boo'

"Haha bakit pa kasi kayo pumunta dito?" nang-aasar na tanong ni Jinno

"Eh dahil gusto namin magwarm-up." Luna

"Haha!" napatingin sila sakin "Di niyo sinabi na may bago pala kayong weakling ma miyembro! Hahaha!" ani Jeric at nakipag-apir sa mga kasama niya.

I smirked "Let's see."

"Let the fight begin!" sigaw ni emcee.

"Unahin natin yung weakling nilang new member." sabi nila habang tumatawa. At totoo nga, sinugod ako ng anim. Okay, ginusto nila to eh.

Ilag muna ako ng ilag kasi minememorya ko ang mga movements nila. At di nagtagal, nakuha ko din. Si Gian, sipa kanan, suntok kaliwa, siko kanan. Pagsipa niya ay agad kong kinuha ang paa niya at agad itong inikot at siniko ng malakas ang tuhod niya.

"Ahhhh!"

1 down 5 to go. Si Jinno naman, puro sipa lang, ano ba yan, walang thrill. I ducked nung sumipa siya paikot. Tumayo ako agad at pagkaharap niya sakin, tumalon ako at sinakyan siya sa leeg, nagpatumba naman ako ati bumaliktad naman siya, ngayong nasa taas niya ako, I had the chance to punch his face.

"Shit!" he cussed while holding his nose 2 down 4 to go. Naramdaman kong may susuntok sakin pero I stopped his hand, "Wrong move Philip." ani ko, wag na kayo magtanong. Alam ko talga pangalan niya. Hinila ko ang kamay niya at tinuhod ko naman ang dibdib niya. Napaluhod siya at umikot ako para sipain siya, pagsipa ko sa kanya, napahiga siya.

Sumunod naman yung Jeigch at medyo mabilis siyang kumilos, tumalon siya at sinipa ako sa mukha. Biglang lumabas ang black aura ko nung may dugong lumabas sa ilong ko, malakas ka naman pala.

Pinagsusuntok ko siya sa kahit saang parte ng katawan niya, sipa at pagsiko. Hindi naman siya makailag kasi mas mabilis ako kaysa sa kanya. Nung hiningal na siya, I took the opportunity to bring down his nape, napayuko naman siya agad at tinuhod ko naman yung mukha niya.

4 down 2 to go. Sinugod ako ni Rix, mas mabilis siya kaysa kay Jeigch. "Napatumba mo lang sila, kala mo magaling ka na?" nagmamayabang niyang tanong, inirapan ko lang siya at tumalon ako at sinipa siya sa dibdib gamit ang dalawang paa ko. Hindi siya natumba, good. "Ahhh!" sigaw niya at tumakbo palapit sakin. Sinuntok niya ako sa tiyan at napaluhod naman ako, wew, sakit nun ah.

"Weakling," he said and smirked, I smirked too at kinuha ang collar ng damit na suot niya, hinila ko iyon at inuntog ang ulo niya sa ulo ko. "Fuck!" sigaw niya habang hawak-hawak ang noo niya.

"Weakling." bulong ko sa kanya at tinulak siya.

The last and least as well, Jeric the great.

"You're good." puri niya

"I know." bulong ko

"Letche ka Nata-" agad naman tinakpan ni Alexa ang bibig ni Hanie, letche! Muntikan na yun! Nako buti na lang mabilis din gumalaw si Alexa.

"Shit." napamura ako kasi bigla akong natamaan ng kunai sa bandang kanan ng noo ko. Sinong tanga ang nagtapon nun?!

Dumugo lang ito ng dumugo at nakita kong si Jinno ang may hawak na kunai, sinugod ko siya at sinuntok ng ilang beses dumugo naman ang ilong niya katagalan, medyo mahina na siya kaya kinuha ko ang kunai. Nag-ipon ako ng madaming enerhiya para itapon ang kunai sa mukha niya.

"Idiot." bulong ko at sa sahig tinapon ang kunai, ngayon lang ako nakonsensya. Matamaan naman ang kaliwang tenga niya. Agad akong lumabas sa ring at tinanggal ang mask ko. Bwiset! Mapapatay ko talaga yun mabuti na lang at napigilan ko pa sarili ko.

"Black! Blaaack!" napalingon naman ako, pero kumunot ang noo ko dahil ako naman pala ang tinatawag nila. Bakit black?

"Bakit black?" tanong ko

"Black lahat eh. Pati aura mo ngayon black. Nanalo tayo!" -Yna

"Oo nga, galing mo!" -Nikka

"Letche ka di mo kami binigyan!" -Hanie

"Mas letche ka muntik mo nang masabi pangalan ko." -ako

"Oo nga ehh, hehe sorry." aniya at kamot-kamot pa ang ulo.

"You're Black starting now, yan na ang codename mo. Okay?" -alexa

"Okay. That's good. Inyo ba? Di ko alam mga codename ninyo." -ako

"Bukas na yan! Gamutin muna natin yang sugat mo sa noo." -alexa

"Oo nga Nat- este Black! Kanina yung mukha ni Jinno nung hindi mo siya timaan ng kunai? Sobra pa sa nagpapasalamat! Hahaha! Yung Jeric naman napanganga nung nag walk-out ka. At yung mga tao na nag boo kanina, ikaw na ang bukambibig. Ang galing mo raw." balita ni Nikka, isa pa tong Natalia ng Natalia eh.

"Ganun ba," favorite line ko na yata to eh.

"Letche ka talaga! Sa taas ng sinabi ko 'ganun ba' lang ang isasagot mo! Babaeng to.." -Nikka

"Eh anong gusto mong sabihin ko?" I asked emotionlessly

"Ay aba ewan ko sayo!" -Nikka

"Ewan ko din sayo, tara uwi na tayo." pagyaya ko at lumabas naman kami sa hideout. So sino nga bang weakling satin? Sayang di ko nakalaban si Jeric. Hay.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon