Chapter 24-

1.2K 44 0
                                    

Nagising ako ng maaga dahil nga may pasok kami. Nag-ayos na ako at ginising si master. Isasama ko na lang siya sa school, ano ba kasing gagawin niya dito sa bahay?

"Master? Gusto mo sumama?" tanong ko sa kanya habang pinapatuyo ko ang buhok ko.

"Pwede rin. Pero di ako papasok sa room ninyo." tumango lang ako at nagbihis. Maya-maya ay umalis na kami papunta sa school.

Tahimik lang kaming nagdrive. "Zero, diba si Rix yun?" napatingin naman ako kung saan tinuro ni Master, shoot! Si Rix nga yun, agad akong nag U-turn, wala akong pake kung bawal basta ang importante makadating ako agad dun. Muntik na kaming mabangga pero di ko na inisip yun.

Agad kaming lumabas sa kotse at tinigil ang pag-aaway nila. "Gago Rix! Itigil mo nga yan!" sigaw ko sa kanya at tinulak siya ng sobrang lakas. Nakikipagbug-bugan kasi siya, di ko to mga kilala.

"Tang-ina ninyo wag na wag ninyong papakialaman ang gang namin!" sigaw ni Rix at tumayo galing sa pagkakatumba nung tinulak ko siya. Ano ba kasing nangyayari?

"Hoy chix, ang tigas mo ata? Bakit ka nandito?" lumapit sakin yung isang lalaki sakin at hinawakan pisngi ko, pinalo ko naman yung kamay nito, "Matigas nga to si miss chix." sabi nito, hinawakan nito ang pulso ko, hinila niya ko

"Natalia!" sigaw ni master, I grinned, wag na wag niyo akong unahan. Hinila ko ang kamay ko at nung makalapit siya, sinipa ko siya sa tiyan, napahiga naman siya.

Halatang nagulat ang mga kasama niya, tiningnan ko lang sila ng masama, wala nang lumapit sakin. "Tang-ina ninyo, wag na kayong magpapakita ulit sakin kung gusto niyo pang mabuhay." matigas kong sabi at umalis na.

Nilapitan ko naman si Rix, may pasa ito sa gilid ng labi niya at pawis ito, "ano bang nangyari?" tanong ko, pumasok naman kami sa kotse ko.

"Yung mga lalaking yun kasi, inunahan ako, naglalakad lang naman ako. Eh yun, inunahan din nila ako kaya gumanti lang ako hanggang sa nagkagulo kami. Sabi niya rin na papatayin nila yung gang namin. Hah! Kung kaya nila." umiling lang ito,

I hissed, ang i-immature naman ng mga lalaking yun. Kala mo naman kung sinong matitigas.

"Oh? Pupunta ka pa ba sa school na ganyan ang itsura mo?" tanong ko.

"Siyempre," sabi nito, tumango na lang ako at mabilis na pinatakbo yung kotse.
------

"Oh bad mood ka yata?" tanong ni Alexa nang magtagpo kami, nagulat ako nang kasama niya ang Pisces.

"May gangster lang naman kaming nakaaway. Anyways, bakit sila nandito?" tanong ko kay Alexa, she grinned from ear to ear.

"Lilipat na sila dito! Gosh kompleto na tayo." maligayang sambit ni Alexa, napangiti din ako. "Ang saya diba?" tanong nito, pero di ako sumagot kaya natigilan siya.

"Mas masaya yata kung nandito si Luna." I said, nagbago ang mood nila.

"Let's not talk about Luna guys, cheer up! Kompleto naman tayo palagi dahil hindi naman talaga tayo iniwan ni Luna." sabi ni Yna, napangiti kami at napatango. Tama nga siya.

"Okay! So about the gangsters na nakaaway ninyo? Ano bang nangyari?" tanong ni Alexa sakin

I let out a big sigh at hinila sila sa di mataong lugar, konti lang ang nakakaalam na mga gangster sila. "I was driving papunta dito, tapos nakita ko si Rix na may kaaway kaya huminto ako at pinuntahan si Rix. Inawat ko sila, I didn't want trouble but they tested me. Kaya yun, nawala ako sa mood."

Tumango sila. "Namatay ba?" nakangisi silang lahat at hinintay lang ang sagot ko.

"Walang namatay." sabi ko, "Ay! Walang thrill!" sabi ni Hannie

"Gaga ka ba? Di ko yun kakilala. Ayoko ding may makaaway ako ngayon lalo na't stess na ako." they shrugged, pumunta na sila sa classroom nila. Nanibago naman sila. Si master Miranda naman ay pumunta na muna sa garden ng school.

Mas lalong umingay ang classroom dahil sa Pisces, at siyempre, dahil na din sa Radiant. "Guys at the back! Keept quiet!" sigaw nung professor. Agad naman kaming nagpigil ng tawa. Mas happy nga talaga basta kumpleto.

After class, napagdesisyunan namin na maglakad na lang papunta sa bahay ko. Dun na lang daw ulit sila kakain at matutulog. Grabe talaga eh parang mga walang bahay. Ang yayaman naman.

Binigay ko na lang kay master Miranda ang susi ng kotse ko. Gusto niya daw pumasyal eh.

Habang naglalakad kami, nakasalubong kami ng isang grupo. Madami sila. Mas madami sila sa amin. Mga gangsters yata to na mga basag-ulo. Dadaan na sana kami pero hinarangan nila ang daan. Nagkuyom ng kamao yung iba. I took the lead at pumunta sa harap.

"Anong problema?" tanong ko sa kanila, pero imbis na sagutin ako, bigla niya akong pinalo nang baseball bat. Ay puta di ko in-expect yun!

"Natalia!" sigaw ni Jeric at hinawakan ang tagiliran ko na natamaan ng bat, "Okay lang ako." sabi ko

"Talaga? Sige diyan ka lang, kami na bahala dito." sabi ni Jeric, alam kong ayaw ni Jeric na nasasaktan ako pero ang unfair naman kung di ako sasali sa kanila.

Tinungo ko yung lalaking pumalo sakin, napangisi ako, natatakot siya. Sinakal ko ito at tinumba sa lupa, kinuha ko yung baseball bat at pinalo ito hanggang sa madurog ang pagmumukha niya. Natalsikan na din ako ng dugo dahil dun. Don't mess up with Zero.

Pagkatapos ng ginawa ko, pinunasan ko ang mukha ko na natalsikan ng dugo. Napatingin ako sa kanila dahil tumigil silang lahat sa paglalaban at nakatingin lang sakin. "What?" iritado kong tanong, "Wala naman akong ginawa." sabi ko, napatingin naman sila sa patay na katawan na nasa harap ko at tumingin ulit sa akin. Ayy! Yun ba?

"Tara na Natalia!" sabi ni Jeric at hinila niya ako papalayo, "Bakit?" tanong ko

"Hindi sila ordinaryong gangster! Part yun sila ng hideout!" nanlaki ang mata ko, nakapatay ba ako ng tauhan ng hideout? Shit.

Hindi na lang ako nagsalita at nagpadala na lang sa hila niya, "Mas mabuti yatang di na tayo pumunta sa hideout." seryosong sabi ni Jeigch, napatingin kami sa kanya.

"Don't tell us na takot ka?" tanong ni Philip sa kanya,

Jeigch's lips curled, "hindi ako takot... talagang hindi tayo titigilan ng mga iyon hanggang walang mamatay satin." sabi ni Jeigch, nagulat kami sa balita.

"Grupo sila, madami silang tauhan kaya mas mabuting magpalayo na muna tayo dito." mahinahong sabi ni Jeigch, minsan talaga napaka-misteryoso ng lalaking to. Parang alam niya ang lahat ng bagay.

Hindi ako papayag na may may mawawala ulit. Hindi ako papayag...
-----

SORRY KUNG NATAGALAN PO. SALAMAT PO SA PAGHINTAY MGA READERS. MAHAL KO KAYO HIHI. HAPPY 2K READS! NAPASAYA NIYO PO SI AUTHOR! SALAMAT PO TALAGA. SANA DI KAYO MAPAGOD NA MAGHINTAY NG UPDATE NITO. SALAMAT ULIT!

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon