Chapter 6 [☆] Supportive

9.7K 344 54
                                    

Shana's POV

Wala akong klase ngayong araw at napag-pasyahan na wala gagawin buong araw. I was busy laying on my bed while listening to some music nang mag-play ang Dope; ang recent song ng bangtan which reminds me na goodbye stage nila ngayon! Agad akong napa-tingin sa phone ko para tignan kung anong oras na at agad na napa-balikwas ng tayo nang makita na recording na nila in 2 hours. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok ng banyo. Mabilis akong naligo dahil alam kong matatagalan akong humanap ng outfit!

Nang matapos akong maligo ay agad kong tinawagan si Aila. Inipit ko ang aking cellphone sa pagitan ng aking tenga at balikat at dumaretso sa walk in closet ko habang iniintay na sagutin niya ang tawag.

Maka-lipas lamang ang ilang minuto ay sinagot n'ya din ito "Aila!" Bulalas ko nang sagutin ng kaibigan ang tawag at pinagpa-tuloy ang pag-hahanap ng damit.

[Oh Shana? Napa-tawag ka? Bakit?] Tanong n'ya. Nag-ningning naman ang mga mata ko nang maka-kita ng magandang damit.

"Goodbye stage ng bangtan ngayon 'diba?" Aniya ko at hinawakan ang cellphone ko gamit ang aking kaliwang kamay at itinapat saakin ang damit na nakita ko at tinignan sa salamin kung bagay ba saakin.

[OMG! Oo nga pala! Buti pina-alala mo! I totally forgot it!] Natatarantang sagot naman ng kaibigan. 

I guess this dress will do.

"Sige na we still got a few minutes. Mag-ayos ka na d'yan, dadaanan nalang kita sa inyo" And I ended the call.

Agad naman akong nag-ayos ng sarili. Nang ma-satisfy ako sa suot at light make-up ko ay agad akong bumaba. Before I left the house I double checked my things. Dala ko naman ang Jungkook slogan ko and so my Army bomb and phone. Nang masiguro kong dala ko na ang lahat ng kailangan ko ay agad akong umalis sa bahay. 

After a few minutes ay dumating na kami sa bahay nila Aila at aba! Pinag-intay pa n'ya ako! I waited for Aila at nang matapos na s'yang mag-ayos ng sarili ay agad kaming sumakay sa sasakyan ko at umalis na.

Maka-lipas ang ilang minuto ay naka-rating rin kami sa KBS and as usual, ang daming tao. Nakipag-siksikan talaga kaming dalawa ni Aila para lang maka-pasok at maka-punta sa magandang pwesto. Buti nalang at may skills kami sa pag singit kaya heto, nasa harap kami ng stage. 

"Grabe! Sana 'yong suot nila ay 'yong nasa promotion pictures nila" Kinikilig na ani ko sa kaibigan.

Just by thinking of it makes me squeal! Ang gwapo kaya ng asawa ko sa police costume! Like OMG kung ganyan lang ka-gwapo ang mga police kahit wala akong kasalanan mag-papaaresto ako!

Kinalabit ko si Aila at lumingon naman s'ya saakin na nag-tataka "Aila, dapat ko palang ipa-kulong si Jungkook 'no?" At kumunot naman ang noo ng kaibigan dahil sa sinabi ko.

"Kasi ninakaw n'ya ang puso ko" Pag-papatuloy ko at naka-tanggap naman ako ng isang batok mula sa kaibigan.

"Ang korni mo, Shana sobra" Naiinis na aniya at inirapan pa ako. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang mapa-tawa ng bahagya.

"Ayan tumatawa ka nanaman. Masaya ka ba?" Mataray na sabi n'ya at inirapan akong muli.

"Nitong nakaraan lagi ka nalang umiiyak dahil sa kan'ya tapos ngayon andito ka para suportahan s'ya" Umiiling na dagdag ng kaibigan. I was about to answer Aila but I was cut off when the lights dimmed. As if on cue, I turned my Army bomb on and I started hyping.

Umirap muli si Aila at itinaas ang kamay as if inaaresto ng police at umiling.

"Oo na gets ko na. Hindi na kita kokontrahin pa. Alam kong masaya ka dito at sa ganitong paraan mo lang s'ya nakikitang masaya at nag-eenjoy bukod sa pakikipag landian kay Yanna. Ayaw ko lang naman kasing nasasaktan at umiiyak ka" Kibit balikat na litanya ni Aila and turned her Army bomb on too. Napa ngiti naman ako sa sinabi ng kaibigan at akmang sasagot pa sana nang lumabas na si Namjoon. Okay, so kailan n'yo hahayaan sumagot kay Aila?

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon