Chapter 41 [☆] Pain

9.8K 336 208
                                    

Shana's POV

Napa pikit ako ng madiin nang buhusan ni Aila ng alcohol ang tuhod ko.

"Ikaw naman kasi e! Bakit mo pa hinabol 'yung magnanakaw!?" Sermon niya saakin at binuhusan ulit ng alcohol ang sugat ko.

"TAMA NA! ANG SAKIT KAYA!" Sigaw ko sa kan'ya pero imbis na tigilan na, diniin niya ang bulak sa sugat ko.

"MASAKIT NA SABI!" Sigaw ko ulit at inilayo ang tuhod ko sa kan'ya at inihipan ito.

"Akala n'yo kasi okay lang e, ang sakit sakit na" Humihikbing bulong ko at umub-ob sa tuhod ko.

Maya maya lamang ay naramdaman ko ang pag yakap saakin ni Aila na naging dahilan para mapa hagulgol ako.

"Tanggap ko naman e... pero bakit ang sakit? Ang sakit sakit, Aila" Humihikbing ani ko.

Aila cupped my face at pinilit na i-angat ang ulo ko at tinignan ako ng deretso sa mga mata.

"Alam kong masakit, pero mawawala rin 'yan" Aila gave me a weak smile at wiped my tears away.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na yakapin s'ya at umiyak sa balikat niya.

"I-iyak mo lang lahat, Shana. Pagka tapos n'yan, punasan mo ang luha mo. Ikaw na lang ang nag iisang dyosa sa mundo kaya wag ka ng umiyak" Pagpapa gaan n'ya ng loob ko.

Hindi ko alam, kahit na ang sakit na ng mata ko ayaw pa rin tumigil ng mga luha sa pag patak. Hinayaan lang ako ni Aila na umiyak at dahan dahan ng nilinis ang sugat sa tuhod ko. Hikbi lang ako ng hikbi hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.

Kinabukasan, lahat sila naka tingin saakin. Halata mo ang concern nila pero dahil nahihiya ako kasi mugto ang mga mata ko, tinakpan ko ito.

"'Wag n'yo nga akong tignan!" Saway ko sa kanila habang naka takip ang kamay ko sa aking mga mata.

Lumapit saakin si Namjoon at hinawakan ang kamay ko at inalis ito sa pagkaka takip ng mata ko. Nang makita nila ang namumugto kong mata, tumawa silang lahat. Hindi ko naman napigilan ang sarili na tignan sila ng masama. Para hindi na nila ako tignan at tawanan, napag pasyahan kong pumunta na lang sa kusina at nag simulang mag luto ng agahan.

"Shana..." Napa hinto ako sa pag hihiwa ng sibuyas nang marinig ko ang boses nya. 

Hindi ko pina halata na nagulat ako at pinag patuloy ang pag hihiwa ng sibuyas pretending na hindi ko s'ya narinig.

"Shana naman" Tawag ulit niya pero hindi ko pa rin s'ya pinansin.

Mas binilisan ko ang pag hihiwa ng sibuyas.

"Shan-" 

Akmang tatawagin n'ya ulit ako nang mabitawan ko ang kutsilyo "Ouch" Inda ko nang mahiwa ko ang daliri ko. Leche ang sakit! 

Agad kong itinapat sa gripo ang daliri ko na dumudugo at hinugasan at inihipan ito.

"Anong kamalasan ba meron ako!?" Asik na bulong ko sa sarili ko. Ayaw huminto ng dugo sa pag tulo!

"Patingin nga" Nag aalalang sabi ni Jungkook at hinawakan ang kamay ko pero agad ko din itong tinabig at walang emosyon na tinignan s'ya.

"Kung para sayo madali lang ang lahat, pwes sa'kin hindi. Kaya pwede ba, Jungkook? 'Wag mo muna akong kausapin o lapitan. Please lang" Madiin na ani ko sa kan'ya at nilagpasan s'ya.

"Sky" Tawag ko kay Sky na prenteng naka upo sa couch habang hawak ang kaniyang cellphone. Agad naman niyang ibinaba ang kaniyang phone at dali daling lumapit saakin.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon