Shana's POV
Ngayon na ang presentation day namin at inaamin ko, kinakabahan ako ng sobra. Marunong lang ako sumayaw, hindi magaling as in sobrang galing. Si Aila kasi may experience na 'yan. Mas pinili nga lang n'yang mag quit sa pag sasayaw kasi mas gusto daw muna n'yang mag focus sa studies n'ya.
Bakas ang kaba at takot sa mukha ko. Hinawakan ni Aila ang aking balikat at nginitian ako "Kaya natin 'to, okay?"
"Madali lang sabihin para sa'yo kasi ilang beses ka nang naka sayaw sa harap ng madaming tao! " Asik ko sa kan'ya. Narinig ko naman ang mahina n'yang pag tawa.
"Seriously, Shana magaling ka sumayaw. Mas magaling nga lang ako" Asar niya.
Inirapan ko s'ya "Mas maganda naman ako kesa sa'yo" Bwelta ko pabalik.
Mr. Speaker, tagalan mo pa ng kaunti oh! Kung pwede nga lang wag ka ng matapos mag salita d'yan para 'di na kami makapag perform! Kaso kasi andun 'yung P.E teacher namin sa harap, sa may likod ng mga foreigners at ang sabi pa n'ya saamin last time, ito na din daw ang magiging exam namin. Edi wala naman akong grade pag hindi ako nag perform!?
Tapos ng mag perform ang Bangtan, unang una sila and they started the fire! Lahat ng nag peperform pinapalakpakan talaga ng mga tao! Susko! E 'yung sa'min ni Aila?! Well si Aila madadala n'ya, e ako?! Susq!
"Dun na ako sa kabila, pa tapos na daw ang speech. Basta pumasok ka kapag naka pwesto na ako. Iwan mo na lang muna 'yang nerbyos mo d'yan, balikan mo na lang mamaya pag tapos na tayo, okay? You can do it" Pang-eencourage n'ya saakin.
Pumunta na si Aila sa kabila at pumwesto. Tanaw ko pa naman s'ya dito at nakita ko s'yang nag thumbs up saakin habang naka ngiti. Ngumiti ako pabalik kahit na kita pa rin ang kaba sa aking mukha. Aila mouthed me 'Fighting! Kaya mo 'yan' and somehow I feel relieved.
Kaya ko 'to! Wooh! Nerbyos, d'yan ka muna. Stay put ka lang d'yan! Babalikan ko kayo ng hiya ko mamaya pagka tapos namin mag perform.
"And now, let's call our last performer!" Tawag ng Emcee at agad naman na pumasok si Aila.
Hinawakan ko na ang upuan ko at huminga ako ng malalim. Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko. Naka pwesto na si Aila at nag simula na akong mag lakad and the music started.
Sana maka sayaw ako ng maayos!
Jungkook's POV
At dahil tapos na kaming mag perform, nanonood na lang kami nila hyung sa mga nag peperform.
"Maknae! Maknae! Asawa mo na!" Excited na anunsyo ni Jimin-hyung habang sinisiko pa ako.
Sinimangutan ko lang s'ya. Tsk, halatang may pag nanasa kay Shana e.
"Tss, sure ako babe ang pangit ng performance nila. Si Aila lang mag dadala d'yan, wala namang ka-talent talent 'yang si Shana- well, sa pag landi meron" Narinig kong kumento ni Yanna. Sasawayin ko na sana s'ya pero naunahan ako ni Namjoon-hyung.
"Napanood mo na ba 'yung performance nila para sabihin mong pangit? 'Wag mo ding sabihin na walang talent si Shana dahil meron s'ya nun, hindi n'ya lang nilalabas" Seryosong sabi ni Namjoon-hyung habang naka tingin sa stage.
"Atsaka malandi? Are you describing yourself, Yanna?" Pag papatuloy ni Hyung. Tinignan ko naman si hyung ng masama dahil sobra naman yata 'yung sinabi n'ya pero aba! Inirapan lang ako!
Mga bakla! Mag sama kayo ni Jin-hyung na mahilig sa mario at pink! Tch.
Napa balik ang atensyo ko sa stage at sa event nang tawagin na ng Emcee sina Shana.
BINABASA MO ANG
Being Mrs. Jeon
Fanfiction" 'Bias: A person that will never be yours' nah, sorry girls! But I have my bias "- Shana Xigrid Jung-Jeon 【Fangirl's Story #1】 cover by: eulu-xuria ❤