Chapter 22 [☆] Suitors

9.3K 315 96
                                    

Shana's POV

Nasa canteen ako- kami ngayon. Tatlong araw na ang naka lipas nang mag confess sa'kin ang dalawa at tatlong araw na rin nilang pina sasakit ang ulo ko!

"Ulap, just accept it. Ako ang naunang nag lapag ng tray" Maangas na sabi ni Kiel.

"Tch, pake ko kung nauna kang nag lagay ng tray? Nauna akong mag confess" Pa cool na sagot naman ni Sky at napa hilamos na talaga ako sa mukha ko.

Lahat ng estudyante sa canteen saamin naka tingin at parang kinikilig.

Ipinikit ko ng madiin ang aking mga mata "Will you please stop?" Madiing sabi ko sa kanilang dalawa at padabog na tumayo at kinuha ang gamit ko.

"Hala kayo" Narinig kong sabi ni Aila at sumunod na saakin umalis.

"Shaxi! Hindi ka pa kumakain!" Nag-aalalang sigaw ni Kiel pero tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad papuntang pinto ng canteen.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Aila sa'kin habang naka sunod.

"Pinapa sakit nila ng sobra ang ulo ko!" Frustrated na sabi ko at umupo sa pinaka malapit na bench na nakita ko.

"Arrrgh I'm so exhausted" I groaned at sumandal at ipinikit ang mga mata.

Wala pang halos isang minuto ay may kung sino na huminto sa harap ko. I was about to whine and groan dahil nasundan ako kaagad nung dalawa nang mag salita ito pero hindi boses ni Kiel o ni Sky.

"Oh" At napa mulat ako nang mag salita ito.

Si Namjoon at may hawak na sandwich at coke in can.

Agad ko namang kinuha ito sa kaniya at umupo siya sa tabi ko.

"Luh? Ba't ako wala? Gutom na din ako!" Reklamo ni Aila.

"Oh ito na tss" Si Yoongi at inabutan din si Aila ng pagkain.

Biglang nawala 'yung galit at kunot sa noo ni Aila at napalitan ito ng kilig at malawak na ngiti. Napaka rupok talaga ng friend ko! Susko po.

"Sa-salamat" Nahihiya kunong pasasalamat ni Aila.

Wala namang sinabi si Yoongi at umupo na lang din.

Bale ang seating arrangement naming apat ay: Ako | Namjoon | Yoongi | Aila

Tahimik lang si Namjoon at Yoongi samantalang kami ni Aila ay busy sa pag kain.

Hindi ako nakapag agahan kanina dahil ala sais pa lang ng umaga inaabangan na ako ni Sky.

Hindi pa alam ni Kiel ang sitwasyon ko. Hindi pa n'ya alam na kasal na ako pero si Sky alam naman n'ya e! Pero ba't ginawa pa rin n'ya?! 

Hindi ako manhid, alam kong matagal na s'yang may gusto sa'kin.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo" Sabi ni Namjoon at pinitik ang noo ko na naging dahilan para mapa balik ako sa reyalidad.

Tinignan ko s'ya ng masama at ginulo lang n'ya ang buhok ko.

"Don't tell me pati ikaw Namjoon?" Napa tingin kami sa nag salita at doon namin nakita si Yanna na naka ngisi kasama ang mga kaibigan niya.

"Ano nanaman bang problema mo?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Just leave us alone, Yanna. Tch you've got no swaeg" Cool at prenteng sabi ni Yoongi.

Yanna scoffed "Pati ikaw, Yoongi? Ganda mo ba talaga ang ginagamit mo o nilalabas mo 'yung special talent mong kalandian?" Sabi nanaman n'ya at aba! Nag-apiran 'yung mga alipores n'ya sa likod at nag hagikhikan.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon