Shana's POV
Tinignan ko ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon. Nang ma-satisfy na ako sa suot at ayos ko ay agad akong lumabas ng kwarto at dumaretso sa sala.
Ngayon ang date namin ni Jungkook at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapa ngiti talaga. Kung tama ang bilang ko (dahil sobrang rare lang naman namin mag date) ito ang pangatlong beses kaming lalabas o mag ddate. Grabe, laking progress nito ah!
Habang inaantay ang pogi kong asawa, inilabas ko na lang muna ang aking phone at nag laro dito.
Nasa kalagitnaan ako ng pag lalaro nang mapansin na may naka tayo sa harap ko "Kanina ka pa? Sorry" Paumanhin ni Jungkook.
Agad ko namang ibinaba ang aking cellphone at tinignan ang pogi kong asawa.
"No, it's okay" Naka ngiting sagot ko sa kaniya at isinukbit na ang shoulder bag sa aking balikat.
"Let's go?" Anyaya ko. Tumango naman si Jungkook at sabay na kaming lumabas ng bahay.
Jungkook locked the door first at sabay kaming sumakay ng sasakyan niya.
Napag planuhan na namin ni Jungkook ang gagawin at pupuntahan namin ngayon. Una ay dederetso kami sa tailor shop ng ninang ko upang magpa-sukat at magpa-tahi ng damit para sa ball party.
Tahimik lang kami ni Jungkook buong byahe at maka lipas ang ilang minuto ay nasa tairlor shop na kami.
May appointment naman na kaming dalawa kaya agad kaming pumasok.
"Ikaw na muna" Ani ni Jungkook at umupo siya sa sofa.
Nag kibit balikat na lamang ako at ibinigay sa kaniya ang shoulder bag ko at sinimulan na akong sukatan.
"Your dad told me make the most glamorous gown for you, iha" Narinig kong ani ni ninang; the owner of this shop and one of the famous designers in Korea, habang pinapanood niyang sukatan ako.
"Your dad really wants the best for you" Dagdag nito.
"He really does, ninang" Naka ngiting sagot ko at napa tingin kay Jungkook na busy sa pag babasa ng magazine.
"Sir, kayo na po" Magalang na tawag nung babae sa kan'ya.
Tapos na pala akong sukatan. Agad namang inilapag ni Jungkook ang magazine na hawak niya at tumayo.
Bago ako bumaba sa mini platform ay pinang singkitan ko ng mata ang babae "No flirty gestures" Banta ko rito. Natatawa naman siyang ngumiti saakin at tumango.
Mabuti na 'yung malinaw ano. Agad naman akong umalis at pinanood na sukatan si Jungkook.
Hay, Jeon Jungkook. Why do you have to be so perfect? Kaya mong kumanta at sumayaw, ang pogi mo pa! Kaunting practice nga lang sa english pero total package na!
Mabilis ding natapos sukatan si Jungkook. Nang tapos na ay agad siyang lumapit saakin.
"Tara" Anyaya niya saakin.
Agad ko namang binigay sa kan'ya ang beanie niya at kaniyang mask bago tumayo.
Lumapit naman ako sa aking ninang at niyakap siya "Ninang, we have to go na po. Thank you" Paalam ko kay ninang.
"Ingat love birds" Mapanuksong aniya at kinindatan pa ako.
Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa iling at nag bow sa kaniya as sign of respect. Ginaya naman ako ni Jungkook at umalis na kami ng shop.
"Sa tingin mo, sino 'yung nagpa dala ng invitation?" Tanong ko kay Jungkook habang nag lalakad kami.
"Ewan. Hindi naman ako familiar sa business world kaya wala akong idea" Kibit balikat na sagot naman niya at hinawakan ang kamay ko at pinag intertwine ito.
BINABASA MO ANG
Being Mrs. Jeon
Fanfiction" 'Bias: A person that will never be yours' nah, sorry girls! But I have my bias "- Shana Xigrid Jung-Jeon 【Fangirl's Story #1】 cover by: eulu-xuria ❤