Chapter 15 [☆] Sorry

11.1K 343 128
                                    

Jungkook's POV

Gulat na gulat ako pati na rin sila hyung sa inasal at sinabi ni Shana. Napa yuko ako.

Naramdaman ko nalang ang pag-akbay saakin ng kung sino at nag salita "Ano ba nangyari?" Si Jimin-hyung.

"Nakaka panibago 'yung inasal n'ya sa'yo" Umiiling na kumento naman ni Yoongi-hyung.

Napa buntong hininga naman ako at napa yuko muli "Nabalewala kasi 'yung effort n'ya sa anniversary namin kahapon"

I heard someone snort at my retort "Sus, anong bago? E lagi ka namang ganun" Natatawang kumento ni Hoseok-hyung.

"Iba kasi 'yung ngayon hyung, sobrang effort 'yung ginawa n'ya" Frustrated na sagot ko.

Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nangyari kagabi, sa ginawa ko sa kan'ya.

"Wait, so 'yung pinost ni Yanna sa IG kagabi na surprise mo daw e, surprise dapat ni Shana sa'yo?" Hindi maka paniwalang tanong ni Jin-hyung. Tumango naman ako bilang sagot.

Kita ang gulat, inis at dismaya sa mukha nila.

"Gago ka pala talaga e. Anniversary n'yo tapos mag dadala ka ng babae sa bahay n'yo" Iiling iling na kumento ni Namjoon-hyung.

"Hindi ko naman kasi alam na may surprise s'ya, edi sana hindi ko sinama si Yanna" Depensang sagot ko at bahagya naman akong sinapak ni Hoseok-hyung sa braso.

"Kahit na! May surprise man o wala, hindi ka dapat nag dadala ng babae sa bahay n'yo lalo na't may asawa ka. Respetuhin mo naman sana si Shana, maknae" Halata ang dismaya sa boses ni Hoseok-hyung.

Hinawakan ni Yoongi-hyung ang balikat ko at tinignan ako deretso sa mga mata "Hindi porket mahal mo ang girlfriend mo e, gaganyanin mo na si Shana. Tao din s'ya, nasasaktan, napapagod at nagsasawa" At nauna na s'yang pumasok sa van.

"Hindi ka na makaka kita ng babaeng katulad n'ya, maknae. 'Wag mo ng saktan. Bahala ka, ikaw din. Magugulat ka nalang, isang araw wala na s'ya sa'yo" Si Namjoon-hyung at bahagya akong tinapik sa balikat at sumakay na rin ng van.

"Habang nasa'yo pa, ingatan mo, pahalagahan mo. Madaming lalaki ang nag hahabol at may gusto sa asawa mo pero hindi n'ya pinapansin kasi nga ikaw ang gusto n'ya. Ikaw din, bahala ka" Kibit balikat na dagdag ni Hoseok-hyung bago sumakay sa van. 

Napa buntong hininga ako sa mga kumento at sinabi nila hyung. At naiwan na akong mag-isa.  Mukhang nasaktan ko talaga s'ya this time, kailangan kong bumawi.

Sumakay na ako sa sasakyan ko. Hindi naman nag lalakad 'yun si Shana dahil may driver s'ya. Ano kayang magandang ibigay sa kan'ya na magugustuhan n'ya?

What if bilhan ko s'ya ng ice cream at mag sorry? Kaso hindi ko alam kung anong favorite flavor n'ya. Kung si Yanna sana isang double dutch na ice cream lang masaya na 'yun.

Kung cake kaya? Ang alam ko mahilig s'ya sa chocolates katulad ni Yanna e, kaso tanggapin kaya n'ya? 'Yung cake nga kanina na inaalok ko sa kan'ya hindi n'ya tinanggap.

Teka nga, bakit ba puro si Yanna ang naiisip ko? Si Shana muna ngayon Jungkook, mamaya na si Yanna p'wede?

Napa-iling nalang ako para maalis ang iniisip ko na 'yon.

Red light kaya ihininto ko ang sasakyan, ayaw ko namang ma-violate 'no! Makaka sira 'yun sa poging imahe ko. 

Habang nag-iintay na mag green light, napa-tingin ako sa kaliwa ko, isang restaurant. Ewan ko pero biglang may naisip akong paraan para maka bawi kay Shana.

Agad kong iginilid ang aking sasakyan at dali daling pumasok sa loob ng restaurant.

Sana magustuhan n'ya 'yung naisip ko.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon