Chapter 1[☆] Mrs. Jeon

21.7K 451 92
                                    

Shana's POV

Umaga nanaman at may pasok kami sa school. Maaga akong gumising para paghandaan ng agahan ang hubby ko. Agad naman akong napa ngiti nang matapos ko ng ayusin ang mga niluto ko sa lamesa. Agad akong umalis sa kusina at paakyat na sana nang maka salubong ko s'ya.

Agad akong napa-ngiti ng malawak nang makita siya at masiglang binati "Good morning hubby! Maaga akong gumising ngayon para-" At hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad s'yang umalisat nilampasan lamang ako. Agad ko naman s'yang hinabol at pinigilan.

"Aalis ka na kaagad? Hindi ka pa kumakain! Tara kain na tayo, ako ang nag luto. Promise! Masarap 'yon!" Pag kukumbinsi ko sa kan'ya. Agad n'yang tinabig ang kamay ko at tinignan ako ng masama.

"Kumain ka mag-isa mo" Padabog na sabi n'ya at lumabas ng bahay. Naiwan naman akong mag-isa at tila'y na-estatwa habang naka-tingin sa daan na tinahak n'ya papalabas ng bahay.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili na manlumo. Hindi nanaman n'ya napansin ang effort ko. 

Malungkot akong pumunta sa hapag-kainan at kumain mag isa. Nang matapos akong kumain ay agad kong dinala sa sink ang aking pinag-kainan at hinugasan ito. Tinakpan ko na din 'yong mga pagkain na nasa lamesa bago ako nag-ayos ng sarili at umalis na upang pumasok ng eskwela.

Sinigurado ko munang naka-lock na ang lahat ng pinto at bintana sa bahay bago ako lumabas sa back door. Dito na kasi nag-iintay ang sasakyan ko. Ayaw kasi akong payagan ni daddy mag drive kaya ayan, may driver ako.

"Good morning manong!" Masiglang bati ko sa aking driver at sumakay ng sasakyan. "Magandang umaga din ho ma'am" Magalang at naka-ngiting bati niya saakin pabalik at pina-andar na ang sasakyan.

Habang matiwasay naming tinatahak ang daan patungo sa aking eskwelahan, biglang nag red light na naging dahilan ng pag-tigil ng aming sasakyan. Hindi ko alam kung bakit o anong meron pero napa-lingon ako sa gawing kaliwa ko.

Napa-kunot ang aking noo sa isang pamilyar na sasakyan na naka-parada sa isang restaurant- teka... kotse 'to ni Jungkook ah? Nang i-angat ko ang tingin ko nakita ko si Jungkook na masayang kumakain ng agahan kasama si Yanna. I was about to open my mouth when the traffic light turned to green. Bago pa man tuluyan mapa-andar ni manong ang sasakyan ay agad ko s'yang kinalabit.

"Manong, paki-hinto naman po muna sa gilid ang sasakyan" Ani ko habang hindi inaalis ang tingin sa restaurant at kitang-kita ko ang tamis ng ngiti ni Jungkook habang kasama si Yanna. Agad namang iginilid ni manong ang sasakyan. Pagka-hinto ng sasakyan ay agad akong bumaba at dumaretso sa restaurant.

Mabigat ang mga hakbang ko habang papalapit ako sa glass door ng restaurant. Naiinis ako, silang dalawa lang ni Yanna ang tao sa loob! At aba! Tuwang-tuwa pa silang dal'wa! Ano 'to? Pina-sarado ni Jungkook para mag-lampungan at mag-harutan sila!? Malakas at galit kong tinulak ang glass door making the wind chime hanging chime. Napa-lingon silang dalawa sakin, miski 'yong mga staff mukhang nagulat nang pumasok ako.

Hindi ko na na-kontrol ang galit at boses ko at sinigawan s'ya"Hoy Jeon Jungkook! Ano 'to!?Gumising ako ng maaga para lang ipagluto ka ng masarap na agahan tapos binalewala mo para kumain dito sa restaurant na to!? At ano? Pinasara mo pa talaga para kayong dalawa lang ni Yanna! "

Bakas ang irita sa mukha niya pero wala akong pakielam dahil mas naiirita ako! 

"Anong problema mo? Tsaka 'di ko kasalanan na gumising ka ng maaga, sino bang nag-sabi sayong gawin 'yon ha? Atsaka bakit ba? Ano ba kita? " Maangas at iritang tanong n'ya.

"Marahil ay oo, walang nag-sabi sa'kin na gawin ko 'yon pero sana natatandaan mo na ASAWA mo ako at tungkulin ko 'yon. Ano mo ako ulit? ASAWA mo lang naman ako Jungkook. ASAWA! WIFE sa ingles! ANAE in korean! Baka gusto mo pang sabihin ko  sayo ang iba't ibang translation ng salitang ASAWA? " Taas kilay kong litanya sa kan'ya.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon