Chapter 13 [☆] Anniversary

9.4K 324 100
                                    

Shana's POV

Linggo na ngayon and just like what I expected, hindi umuwi ang magaling kong asawa kagabi. Masyado siguro s'yang nag enjoy sa date nila ni Yanna at mukhang miss na miss nga niya. Napa ngiti naman ako ng mapait sa thought na 'yun.

Napa kunot naman ang noo ko "Hindi kaya... they're already planning to have a baby?" Hindi ko alam pero biglang naisip ko 'yan. The image of Jungkook and Yanna doing 'something' suddenly popped out in my mind.

"Eeeew! OMG my innocent mind! Get off!" I shrieked as I aggressively shake my head. Kadiri! EEEEEW!

Nasa kalagitnaan ako ng pag tataboy ng sobrang nakaka diri na imagination ko nang mag alarm ang phone ko. Dinampot ko naman ito at nanlaki ang mga mata nang makita ang nasa reminder ko.

"OMG NGAYON 'YON?!" Gulat na tanong ko at dali-daling pumunta sa may kalendaryo. At oo nga, ngayon nga ang 1st year anniversary naming mag-asawa.

"Gosh! I need to prepare something for him!" Agad kong binuksan ang laptop ko para mag search ng magandang gawin sa anniversary.

I never experienced having anniversaries kaya wala akong idea. Ayoko namang gawin 'yung mga ginawa ni Travis; my ex, sa'kin noon, t'wing monthsarries namin.

"Ew, ba't ko nanaman ba naalala 'yung lalaki na 'yun?" Badtrip na sabi ko sa sarili and shivered a bit. Bigla nalang kasing nag pop out si Travis.

Agad akong dumapa sa aking kama at nag search na ng p'wedeng anniversary theme.

Madami akong nakitang gusto ko, lalo na 'yung puro balloons tapos sa baba ng tali may mga pictures and messages. 'Yun na lang ang gagawin ko.

Sanay naman na ako na ganito, ako 'yung nag eeffort tapos malimit n'ya lang binabalewala, hindi pinapansin 'yung effort at pagod ko. Pero okay lang, at least nakita n'ya 'yung efforts ko HAHAHA hindi man n'ya ma-appreciate, at least nakita n'ya 'diba? Ikaw na, Shana! Ikaw na talaga ang dakilang tanga! HAHAHAHAHAHA

Agad kong kinuha ang aking cellphone and called Aila. S'ya lang naman ang maaasahan ko na tutulong saakin.

Maka lipas ang ilang ring, sinagot din niya ang tawag ko "Aila~" Bati ko nang sagutin n'ya ang tawag.

[Gaga! Kamusta ka na?! Are you alright?!]- Sigaw niya sa kabilang linya. Agad ko namang ini layo ang phone sa aking tenga.

"I miss you too~ Aila, p'wede mo ba akong tulungan? Kasi ano e, ngayon 'yung special day namin!" Masigla kong panlalambing sa kaibigan.

['Yan tayo e, oo na, oo na! Anniversary n'yo kaya kailangan mo ng tulong. Mag eeffort ka nanaman ng sobra, gagastos ng sobra tapos babalewalain lang ng gagong 'yon]- Iritang aniya. Sigurado ako na umiirap 'yan ngayon.

"'Wag ka ngang ganyan, punta ka na lang dito ha? Thank you ng madaming madami!" Masiglang paalam ko at ibinaba na ang tawag.

Agad naman akong tumawag sa kakilala ko na nag ooffer ng balloons and ordered 365 pieces.

Bago ako mag simula, I texted Jungkook kung anong oras s'ya uuwi para sana alam ko kung may time pa ako na ayusin ang surprise ko para sa kan'ya. After 20 minutes nag reply naman s'ya, at ang sweet ng reply n'ya!

From: Hubby Baby

'Wag kang istorbo. Gagabihin ako.

Ang sweet 'diba? Pati asin lalanggamin sa sobrang sweet! :> please don't forget ng sarcasm.

Umaga pa naman kaya may time pa ako para ayusin ang lahat. Since kaka tawag ko pa lang para sa balloons, I started printing pictures of him, me and when we're together. Nag simula na din akong gumawa ng letter. Maiikling messages lang naman pero from the bottom of my heart.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon