Shana's POV
Medyo dumidilim na pero heto pa rin kami nasa loob ng sasakyan at nasa byahe. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta, halos isa't kalahating oras na rin kaming bumabyahe.
"Wifey baby, na bbored ka na ba?" Tanong n'ya at pa simple akong sinulyapan.
Ewan ko ba pero pag tinatawag n'ya ako ng gan'yan biglang bumibilis 'yung tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan.
"Hindi naman. Malayo pa ba tayo?" Simpleng sagot ko.
"Malapit na, kaunting intay na lang. Sigurado akong magugustuhan mo doon" Naka ngiting sagot n'ya sa'kin kaya napa ngiti na din ako.
Maya maya lamang ay ihininto na din niya ang sasakyan sa gilid ng isang mapunong lugar.
Hay nako, ba't ang mainstream ng mga lalaki? Lagi na lang nila kami dinadala sa isang magubat at mapuno na lugar tapos may magandang tanawin, wala na bang bago? Lagi na lang ganun 'yung scenarios. Pero hayaan na, nag effort s'ya e, minsan lang 'to, choosy pa ba 'ko? HAHAHAHA.
"Aaaaand we're here!" Naka ngiting anunsyo n'ya at bumaba na ng sasakyan. Agad ko namang tinanggal ang seat belt ko at bumaba na rin.
Nakita ko naman s'yang may kinukuha na gamit sa likod ng kotse kaya tinignan ko na lang ang kabuuan ng lugar. Medyo maliwanag pa naman kaya medyo kita ko pa na puro puno talaga s'ya.
Niyakap ko ang sarili ko dahil medyo nakaramdam ako ng lamig nang umihip ang hangin.
I heard footsteps nearing me "Nilalamig ka ba?" Tanong sa'kin ni Jungkook at agad naman akong napa harap sa kan'ya. Doon ko lang din napansin ang dala niyang blanket at basket.
"Medyo" Na tatawang sagot ko at biglang napa yakap na naman sa sarili nang umihip ang hangin.
Agad n'yang ibinaba ang gamit na dala n'ya at nagulat ako nang yakapin n'ya ako sa likod.
"Malamig pa?" Tanong n'ya at bahagya pa akong sinilip. Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa ngiti.
Medyo inilayo ko ang sarili ko sa kan'ya para makita sy'a. Naka yakap pa rin s'ya sa'kin pero naka harap na ako sa kan'ya. Naka ngiti akong umiling at kumalas na s'ya sa yakap.
Agad n'yang kinuha ulit ang gamit na nilapag n'ya.
"Saan mo gusto? D'yan sa may sahig o sa may sasakyan? Pag sa may ground tayo, maluwag. Masyadong masikip kung sa sasakyan tayo e" Tanong n'ya.
Napa kunot naman ang noo ko dahil sa tinanong n'ya.
Sa sahig maluwag, sa sasakyan masikip. May blanket...
PUNYETA DON'T TELL ME GAGAWIN NA NAMIN?!
"Wh-what?" Hindi maka paniwalang tanong ko sa kan'ya.
Punyeta naman oo! Kung alam ko lang na gagawin na namin 'yun ngayon edi sana magandang underwear 'yung nasuot ko! 'Yung seductive na lingerie! PUNYETA HINDI AKO PREPARED!
"Saan mo kako gustong mag star gazing, sa may sahig o sa sasakyan" Pag sagot n'ya sa'kin.
Bigla namang namula ang pisngi ko at agad akong nag-iwas ng tingin "A-ahh yun pala" Tumatangong sagot ko at napa kamot sa ulo. Agad naman akong napa yuko at kinagat ang pang ibabang labi ko.
Naman kasi! Hindi n'ya inaayos tanong n'ya e! Paanong hindi tuloy ako mag-iisip ng kung anu-ano!
Agad naman akong napa tingin kay Jungkook nang bahagya siyang natawa.
"Wifey baby ha, kung anu-ano iniisip mo" Natatawang asar niya habang nilalatag 'yung blanket sa may damuhan.
"O-oy wala akong iniisip na iba!" Mabilis na depensa ko at tinulungan na s'yang ilatag 'yung blanket.
BINABASA MO ANG
Being Mrs. Jeon
Fanfiction" 'Bias: A person that will never be yours' nah, sorry girls! But I have my bias "- Shana Xigrid Jung-Jeon 【Fangirl's Story #1】 cover by: eulu-xuria ❤