Epilogue

13.4K 413 320
                                    

Shana's POV

Umaga nanaman, kailangan ko nanamang mag handa ng agahan naming dalawa. Well, more like agahan n'ya. Tch.

"Shana! Ano ba! Nagugutom na ako~" Pag mamaktol niya at rinig ko ang pag tunog ng kalampag niya sa lamesa.

Nitong mga nakaraang araw talaga ang ingay ingay n'ya! Tapos minsan ang sweet sweet! Minsan naman parang bata. Hay nako.

May mga araw na ang tindi magpa kilig! Akala naman n'ya kinikilig ako. Pwe.

Well, slight lang naman HAHAHA.

"Opo, ito na po kamahalan! Bibilisan na" Sagot ko at umirap. 

Binilisan ko na ang pag luluto. Maya maya lamang ay tapos na akong mag luto.

Agad ko naman itong inilagay sa lamesa na s'ya namang agad n'yang sinunggaban.

"Ganyan ka ba talaga ka-gutom?" Natatawang tanong ko sa kan'ya.

"Hindi, namiss ko lang luto mo" Naka ngiting sagot niya. Hindi ko naman mapigilan na mapa ngiti at umiling.

"Hay nako Kim Taehyung! Lagi na lang kayong nakiki kain sa bahay ko! Wala ba kayong pagkain sa dorm, ha?!" Asik ko sa kan'ya.

Ganyan sila araw-araw. Isa isa sa kanila laging nakiki kain at nakiki gulo dito sa bahay. Tch nauubos na ang stock ko ng pagkain dahil sa kanila!

"Mahal mo naman kami e" Malokong sabi niya habang tinataas baba ang kilay. Agad ko naman siyang hinampas sa braso at sumabay sa kan'ya kumain.

"Gusto ka lang naman kasi namin mapa saya, Shana" Mahina pero sapat na para marinig kong sabi niya.

"Isang buwan na rin s'yang hindi bumabalik" Pag papatuloy n'ya na naging dahilan ng pag hinto ko sa pag kain.

"Namimiss na namin si Maknae" Malungkot na dagdag n'ya.

Ako din naman namimiss na s'ya ng sobra.

Isang buwan na din pala simula nang iwan n'ya ako sa hospital.

Narinig ko 'yun, nung sinabi ni Yanna na sumama s'ya sa kan'ya. Nag papanggap lang akong tulog at umaasa na sana piliin naman n'ya ako this time. Pero wala pa rin talaga. Si Yanna pa rin.

"I will. I will run away with you"

Napa pikit ako. Isang buwan na pero masakit pa rin pala.

"Sorry na" Narinig kong paumanhin ni Taehyung.

Pinilit ko namang ngumiti.

"Bilisan mo ng kumain nang makapag beauty rest na ako!" Natatawang sabi ko at kumain na lang kaming dalawa.

Umalis na rin s'ya pagka tapos n'yang kumain. Tahimik nanaman sa bahay.

Napa buntong hininga ako at napag isipan na lang na mag linis ng bahay.

Tapos na akong mag linis sa baba kaya umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Jungkook.

"Namimiss na kita" Malungkot na bulong ko at umupo sa kama n'ya.

Pinunasan ko ang luha na pumatak sa mata ko at akmang tatayo na nang mabangga ko ang lamesa n'ya.

Agad ko namang kinuha ang mga nalaglag na gamit at naagaw ng isang brown envelope ang atensyon ko.

Hindi ko alam kung bakit pero binuksan ko ito. Agad kong pinag sisihan ang ginawa ko at biglang nan lambot ang mga tuhod sa nakita ko.

Annulment papers

At pirmado na lahat ni Jungkook.

Doon ko hindi napigilan ang luha ko. All these time may annulment papers na s'yang naka handa? Pirma ko na lang ang kulang at pwede na itong i-process.

Napa takip ako sa bibig ko pero hindi ko pa rin napigilan ang pag hagulgok ko ng malakas. Parang dinudurog ang puso ko. Dinudurog, pinupunit at tinutusog ng paulit-ulit... sobrang sakit.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak habang naka tingin sa annulment papers.

Is this really good bye? Ito ba talaga ang gusto mo, Jungkook?

Umiyak ako ng umiyak at pilit na tinanggap ang mga nangyayari.

Pagka tapos kong umiyak at pilit tanggapin ang lahat, lakas loob akong kumuha ng ballpen at umupo sa kama n'ya. Akala ko wala ng luha ang papatak mula sa mga mata ko pero heto ako, umiiyak nanaman habang pinipirmahan ang lahat ng papeles. Sobrang bigat at labag sa kalooban ko itong pinirmahan. Pagka tapos, pinilit kong pa-kalmahin ang sarili ko pero ewan, mas nakaka hinga ako ng maluwag habang umiiyak ako. 

Ibinalik ko ang annulment papers sa envelope at agad ko itong inilagay sa may kama n'ya at hinubad ang singsing ko.

Dito na ata matatapos ang kwento nating dalawa, Jungkook. 

Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan na umagos nanaman ang luha dito.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si dad.

"Dad, gusto kong mag pa book ng flight ngayon papunta dyan sa LA. I want to leave, I don't want to stay here anymore" Matapang na sabi ko.

Mukhang alam na ni dad kung ano ang nangyayari. I heard dad's sigh at ang sabi n'ya papapuntahin na lang daw n'ya ang private helicopter.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at nag simulang mag impake.

I love you so much, Jungkook but I need to set you free.

Holding on hurts more than letting go, that's why I'm setting you free.

Malaya ka na.

Jungkook's POV

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko pabalik sa bahay namin. Sapat na siguro ang isang buwan kong pagiging gago. Kailangan ko na s'yang balikan kasi hindi ko kaya kung mawawala s'ya sa'kin.

Isang buwan kong kasama si Yanna pero halos hindi ako maka tulog ng maayos kaka-isip kay Shana kung okay lang s'ya o ano kaya pinaki-usapan ko sila hyung na bantayan s'ya para saakin.

At ngayon hindi ko na kaya kasi mababaliw na talaga ako at sobrang miss na miss ko na s'ya. Hindi ko na rin kayang itago 'to.

Mahal ko na s'ya. Mahal ko na si Shana.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

"SHANA" Sigaw ko nang maka pasok ako sa bahay pero walang tao.

"SHANA!" Sigaw ko ulit at pumunta sa kusina pero wala s'ya doon.

"WIFEY BABY!" Sigaw ko at binuksan ang kwarto n'ya. Weird, hindi naka lock.

Walang tao sa kwarto ni Shana kaya agad akong lumabas at pumasok ako sa kwarto ko, nag babaka sakali na andito s'ya.

Napa hinto ako nang makita ang brown envelope sa kama ko. Agad ko itong nilapitan.

Jungkook,

I'm setting you free, Jungkook. Malaya ka na. This time, I'll do what is right and what you badly want. Pirmado ko na 'yan lahat, ikaw na ang bahalang mag process. Be happy always. I love you.

-Shana

At nakita ko ang singsing n'ya na naka patong dito.

NO!

Agad akong sumakay ng sasakyan ko at dumaretso sa may main office ng company nila. Alam kong sasakay s'ya ng helicopter at kailangan ko s'yang abutan! I need to stop her!

Hindi pwede 'to! Please Shana, 'wag. 'Wag mo akong iwan.

But it's too late. She already left.

End of Book 1

[EDITED]

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon