Chapter 18 [☆] 12:00

8.8K 357 92
                                    

Shana's POV

Mahimbing akong natutulog nang maramdaman kong may bumubuhat sa'kin, unti-unti ko namang minulat ang mata ko at si Jungkook agad ang bumungad sa'kin.

"Nagising ba kita? Sorry" Paumanhin niya at unti-unti akong ibinaba sa sofa.

"Sabi ko naman kasi sayo gisingin mo ko e, nag buhat ka tuloy" Natatawang sabi ko at sumandal sa sofa.

"Parang wala nga akong binuhat e. Kumakain ka ba talaga?" Natatawang sagot naman n'ya at tumabi sa'kin sa sofa.

"Grabe ka, naging conscious tuloy ako sa weight ko" Naka ngusong ani ko.

Tumingin ako sa orasan at napa buntong hininga nang makita kong malapit ng mag 12:00.

"Jungkook, p'wede ba akong mag tanong sa'yo?" Tanong ko at bahagya siyang tinignan.

"Ano 'yun?" Tanong n'ya. He seem exhausted but calm.

How I wish na sana ganito na lang tayo lagi. Pero kailangan kong gumising sa katotohanan na hindi naman talaga magtatagal 'to.

Inilihis ko ang tingin sa kaniya at huminga ng malalim "May lugar ba ako d'yan sa puso mo?"

"Be honest, please" Dugtong ko at ipinikit ng madiin ang mga mata.

"Shana, alam mo naman na ang sagot d'yan 'diba?" Bahagya akong napa lingon sa kan'ya pero agad ko ding ibinalik sa kisame ang mga tingin kagaya niya.

"Just say it please" Pumikit ako muli ng madiin. Napaka masokista mo, Shana. Alam mo ng hindi ka mahal at kahit kailan hindi ka mamahalin itatanong mo pa.

"Shana, ano bang trip mo?" Halata ang bahagyang pagka frustrate at irita niyang tanong.

"Gusto ko lang naman na isampal mo sa'kin 'yung katotohanan e" Sagot ko at binigyan siya ng malungkot na ngiti.

"Truth hurts at kailangan kong tanggapin 'yun. Sagutin mo na lang mga tanong ko please" Pag papatuloy ko at huminga ng malalim.

"May chance ba na magkaroon ako ng lugar d'yan sa puso mo?" Pag-uulit ko ng tanong sa kan'ya.

Narinig ko ang pag buntong hininga n'ya. At natahimik siya ng ilang minuto.

"Si Yanna lang laman nito" Sagot n'ya.

Pumikit ako ng madiin and a tear escaped from my eye, pinunasan ko kaagad ito.

"May chance ba na mahalin mo din ako?" Tanong ko ulit.

Just feel the pain, Shana. Feel the pain and let it go.

"Gusto mong deretsuhin kita? Never. Hindi ko nakikita ang sarili kong mag mahal ng iba. Si Yanna lang" Derektang sagot niya.

"Please, Shana, 'wag na lang ako. Ang daming lalaki na mas deserve ka" Dagdag niya.

Ngumiti ako at tumayo na.

"Thank you for being honest. Ngayon alam ko na, na dapat never akong mag assume" Naka ngiti ngunit hindi abot hanggang mga mata kong sabi sa kan'ya.

"Dito ako masaya, Jungkook e, ang mahalin ka. Sana naman wag mo ng ipagkait 'yun sa'kin. Wala akong pake sa iba, ikaw ba sila?"

"Dito na matatapos ang fairytale ko" Bulong ko sa sarili at sakto, alas dose na.

"Kailangan ng bumalik ng lahat sa dati" Malungkot na dagdag ko.

Huminga ako ng malalim at tinigan siya "Thank you for the date, matutulog na ako" Paalam ko as I grab my shoulder bag at nilampasan na s'ya.

Bago pa man ako tuluyang maka-akyat, nilingon ko ulit siya "Uhm Jungkook, can you do me a favor?" 

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon