Chapter 40 [☆] Escape

9K 362 75
                                    

Shana's POV

Mahigpit akong napa kapit sa lababo at pilit na pinipigilan ang pag hikbi ko. 

Dali dali kong pinunasan ang mga luha na rumaragasa sa mata ko nang maramdaman kong may tao sa likod ko. 

Agad kong binuksan ang ref 'tsaka kumuha ng tubig. Pagka tapos kong uminom at medyo pakalmahin ang sarili ko, humarap na ako at pabalik na sana sa sala pero agad din akong napa hinto nang makita si Jungkook sa likod ko.

"J-jungkook, na-sagot mo na?" Pinipilit kong maging normal ang boses ko pero leche, ayaw maki sama.

"Ano ba 'yan, sayang hindi ko narinig" Kungyari ay nanghihinayang na saad ko at nginitian pa s'ya. Kaso talagang traydor ang mga luha. Mabilis kong pinahid ang pisngi ko at nginitian muli si Jungkook.

"Balik na tayo dun, baka iniintay na nila tayo" Naka ngiti at pinipilit na maging matatag sabi ko at akmang lalagpasan na s'ya nang hawakan n'ya ang braso ko at hilain ako palabas ng bahay gamit 'yung pinto sa may kusina.

"Shana" Tawag n'ya sa'kin nang nasa labas na kaming dalawa.

Hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko at hinayaan ang sarili na ipakitang mahina ako, na nasasaktan ako, na umiiyak ako.

"Shana I'm-" Agad kong itinaas ang kamay ko at pinigil siyang mag salita. Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

"Tama na please" Humahagulgol na paki-usap ko.

"Please, w-wag kang lalapit" Dagdag ko nang akmang lalapit s'ya saakin.

"Tama na Jungkook, ang sakit na. Ang sakit sakit na" Puno ng hinanakit na sabi ko at tinakpan ang mukha gamit ang aking kamay.

Nanahimik ako ng ilang saglit at medyo galit na pinahid ang aking pisngi "Ano? Nag eenjoy ka ba na nagagago at napag lalaruan mo ang feelings ko?"

"Nakaka gago kasi e! Pinapaniwala mo ako na gusto mo ako, pinapaniwala mo ako na kahit papano nag kakaroon na ako ng lugar d'yan sa puso mo pero tangina ba't ganito!?" At hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko at s'ya ring pag hagulgol ko. 

Muli kong tinakpan ang aking mukha gamit ang aking kamay at unti unting napa upo sa sahig. Miski ang tuhod ko ay nanghihina, parang nawawalan ako ng lakas.

"Ang sakit na. Ang sakit sakit na" Humahagulgol na ani ko.

"Tanggap ko naman e, tanggap ko na pipiliin mo si Yanna. Pero kasi umaasa ako na ako naman, kahit ngayon lang" Humahagulgol na dagdag ko. 

I gathered all my remaining strength and slowly stood up and wiped my tears away.

"Sana hindi mo na lang sinabi na nagugustuhan mo ako. Pinaasa mo lang ako ng sobra" Pag papatuloy ko.

"Shana, seryoso ako. Gusto k-" Again, hindi ko s'ya pina tapos.

"Tama na!" Sigaw ko habang naka takip sa tenga ko.

I don't want to hear his lies anymore! I don't want to hurt anymore!

"'Wag mo ng dagdagan, please. Hindi mo alam 'yung pakiramdam ng mag mahal at ibigay ang lahat! Hindi mo alam 'yung pakiramdam na mabalewala at hindi mo alam 'yung nararamdaman ko dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Jungkook naman, 'wag mo na akong paasahin. 'Wag mo na akong paniwalain na gusto mo ako kasi pinahihirapan mo lang ako" Frustrated na dagdag ko at tumakbo paalis.

"SHANA!" Tawag n'ya sa pangalan ko pero hindi ko s'ya nilingon. Tuloy lang ako sa pag takbo.

"SHANA!" Sigaw n'ya ulit pero patuloy lang ako sa pag-alis.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon