Chapter 7 [☆] Bullied

9.5K 338 124
                                    

Shana's POV

Bagong araw nanaman, bagong araw para masaktan ako. Masaktan sa katotohanan na sobrang ganda ko. Ito na ba 'yong sinasabi nilang truth hurts? Pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na 'yon.

Dahil umaga nanaman at may pasok, kailangan ko ng bumangon at mag-handa na ng agahan para sa ating mahal na hari.

"Good morning gorgeous!" Masiglang bati ko sa sarili sa harap ng salamin at napag-pasyahan ng bumaba para mag-luto ng agahan.

I was busy humming and dancing to some music as I cook our breakfast. Maka-lipas ang ilang minuto ay tapos na akong mag-luto. I immediately placed the food on the table. I was about to call Jungkook that breakfast is ready when I saw him on the stairs marching towards me. Napangiti naman ako pero agad ding nawala ang ngiti ko sa labi dahil ang aga-aga mainit ang ulo n'ya sa'kin.

"SHANA! 'DIBA ANG SABI KO SAYO AYUSIN MO ANG PAGPAPLANTSYA SA POLO KO?! FUCK! BAKIT GANITO?!" Sigaw n'ya at itinapon saakin ang polo n'ya na sunog. Napa-kagat naman ako sa aking pang-ibabang labi.

"Ju-jungkook, hindi kasi dum-dumating 'yong-" At hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad n'ya akong sinigawan ulit.

"ANO?! MAG-DADAHILAN KA NANAMAN?! THE FUCK SHANA! WALA KA NG NAGAWANG MATINO!" He yelled at my face at padabog na hinagis saakin ang polo n'ya at tinalikuran na ako. Tears started to stream down my cheeks.

Sobra na... sobrang sakit na.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin s'ya. I need to defend myself dahil sino ang gagawa non para saakin? Wala. "Ako ba sa'ting dalawa ang walang magawang matino, Jungkook?"

"Sa ating dalawa sino ba ang gumigising ng maaga para lang mag-luto ng agahan? Sino ba sa ating dalawa 'yong gumagawa ng lahat? 'Diba AKO? Tapos ano? Ako pa walang magawang matino? Itong mga simpleng effort ko nga para sayo hindi mo na-aappreciate! Sana naman inisip mo na hindi ako marunong mag-plantsa pero pinilit kong plantsahin 'yang polo mo kaso ngalang nasunog! Hindi mo ba alam na ilang beses akong napaso para lang plantsahin 'yang mga damit mo!?" Litanya ko. Hindi ko na napigilan ang pag-taas ng boses ko dahil sa sakit at dahil na rin siguro sa galit.

Nag-igting ang bagang ni Jungkook and his eyes suddenly went cold "Wala akong pake dyan sa mga effort mo. Effort nga ba ang tawag dyan? I prefer calling them plain shits, Shana. Plain shits. Sana naman kasi kung mag-eeffort ka 'yong maayos hindi 'yong ganito! Teka, ma-tanong ko lang, sino nga ba ang nag pumilit sa set-up na 'to? 'Diba IKAW? So bear with the consequences" Malamig na aniya at umakyat na sa taas. Rinig na rinig ko ang padabog na pag-sarado n'ya ng pintuan ng kwarto n'ya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at naramdaman kong nag babadya nanamang tumulo ang mga luha ko at ayan na, animo'y falls sa sobrang dami ng luha ko na nag uunahang tumulo.

Pinahid ko ang luha ko at kumain nalang ng agahan na niluto ko. I'm sure hindi nanaman to gagalawin ni Jungkook.

Nang matapos na 'kong kumain, hindi parin bumababa si Jungkook. Napa-buntong hininga nalang ako at lumabas na.

Malungkot akong sumakay sa aking sasakyan at mukhang napansin naman ito ni manong. 

"Good morning, ma'am Dyosa!" Naka-ngiti at magiliw na bati sa'kin ni Manong.

Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa-ngiti rin kay manong. Alam na alam talaga n'ya kapag malungkot ako. "Good morning manong" Bati ko pabalik.

T'wing malungkot kasi ako mam Dyosa tawag n'ya sa'kin. Kahit paano napapa-ngiti ako.

"Nako ma'am! Akala ko ho ba e kakaunti nalang ang magaganda? Ba't babawasan n'yo pa? Ngiti naman ho d'yan" Magiliw na sabi ni manong sa'kin, 'di ko naman napigilan na mapa-ngiti.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon