Chapter 14 [☆] Cold

11.6K 378 348
                                    

Shana's POV

Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako ng umiiyak at masama ang loob kagabi. Walang buhay kong pinatay ang alarm ko na kanina pa tumutunog. Agad akong nag punta sa banyo at naligo.

After kong maligo at mag bihis ay bumaba na ako. Papasok na ako sa school.

"Ba't ngayon ka lang nagising?! Gutom na ako!" Naka pamewang na bungad ni Yanna sa'kin. Napa taas naman ang kilay ko dun.

"Pake ko kung nagugutom ka? Hindi ako utusan at lalong hindi ako katulong dito" Mataray na sagot ko at nilagpasan s'ya.

Akmang palabas na ako ng bahay nang mag salita si Jungkook "Shana, papasok ka na?"

"Hindi ba halata?" Malamig na sagot ko sa kan'ya. Halata namang nagulat siya sa sinagot at inasal ko.

Kumunot ang noo niya "Pero wala pang agahan. Hindi ka pa kumakain"

"Kung nagugutom kayo ng GIRLFRIEND mo, mag luto ka. Hindi ako katulong dito" Sagot ko at tuluyan ng umalis sa bahay.

Nakaka badtrip naman, masyadong kinareer ni Yanna ang surprise 'daw' sa kan'ya ni Jungkook. Sarap sabunutan.

Nakaka walang gana na agang aga ang kasabay mo sa hapag kainan ay ang asawa mo kasama ang girlfriend nito. Imbis na si Yanna ang mag mukhang kabit nagiging ako. Parang ako ang sumisira sa moment nila- well, hindi pala parang, panira talaga ako ng moment nila.

Nang maka dating ako sa school mas na badtrip lang ako.

"OMG! Nakita mo 'yung IG post ni Yanna kagabi?"

"Oo! OMG A for effort talaga si Jungkook!"

"Minsan na lang ang lalaking ma-effort 'no! Sana may boyfriend din akong ganun!"

"Swerte talaga ni Yanna kay Jungkook"

I rolled my eyes at them at pumasok na.

Umupo agad ako sa p'westo ko at umub-ob na lang. Hanggang dito ba naman 'yung about kay Jungkook at Yanna ang maririnig ko?! Mga punyeta!

"OMG girl, mukhang sa bahay ni Jungkook natulog si Yanna"

"Ano namang masama? They're in a relationship"

"OMG you have to look at this! So early for a date huh"

"Ang sweet talaga ng isang Jeon Jungkook!"

I mentally rolled my eyes at them. Hindi n'yo alam ang struggles of being with him. Akala n'yo masaya? Akala n'yo perpekto? Akala n'yo lang!

Napa-ayos ako ng upo nang mag vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nag text.

From: Ailalalalalala~

Hindi ako makaka pasok ngayon, bigla akong sinama ni mommy e. Pa-excuse na lang ako ha? Love you!

Great! Just great! Ang gandang monday naman nito. Best monday eve ! Don't forget to insert sarcasm here please.

Umub-ob nalang ako at pumikit. Nakaka-inis. Isang buong araw kong katabi si Jungkook na katabi si Yanna. Great! Just great!

Maya maya pa ay may pumasok na naging sanhi ng tilian nila. Is it Bangtan or Jungkook and Yanna? Meh, as if I care. Nalaman ko na lang na si Jungkook at Yanna ang dumating nang gumalaw ang upuan sa tabi ko. Hindi ko inayos ang upo ko hanggang sa naka rinig ako ng bati galing sa aming propesor.

"Okay guys, alam kong sobrang layo nitong topic na ito sa subject natin pero as a psychology professor before,I  want to know your thoughts about this" Nasa kan'ya lang ang atensyon namin. Hindi kayo maniniwala kung sasabihin kong graduate s'ya ng psychology, she's already done with her masters degree, ang alam ko she's taking education ngayon, major in Mathematics. Ang layo right?

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon